Kabanata 32

1.3K 126 896
                                    

"MAY problema ba?" tanong agad ni Mateo nang makalapit sa kanila, walang kangiti-ngiti man lang sa mukha.

And to be honest, na-te-tense si Chippy sa pagiging seryoso nito. Hindi na bago sa kanya na ganoon talaga ang ugali nito. Mateo is very different from Mathieu.

Mateo is authoritative, silent, and skeptical. Mathieu is loud, approachable, and less intimidating. But Chippy couldn't deny the fact that she sees a resemblance of personality from Mateo in Mathieu's present. Lalo na kapag nagagalit si Mathieu sa kanya.

Mathieu is harsh and straightforward like Mateo. Both of them don't leave any crumbs of empathy whenever they don't see any good thing about a situation. Dati pa niyang nirereklamo kay Mathieu na nakakatakot itong magalit pero tinatawanan lang siya nito lagi. She suddenly remember the day when she lied about her pregnancy. He was so disappointed at her – betrayed and hurt dahil ginawa na naman niya itong escape.

Natigilan si Chippy, naalala niya ang sinabi ni Mateo sa kanya kagabi.

"Bumabalik lamang ako kapag kinailangan."

And she knows that Mathieu feels the same way. Only that, he loves her.

He's enduring all my imperfections because Mathieu loves me. Na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.

Gusto niya tuloy itanong kung anong ginawa niya para mahalin siya ni Mathieu nang sobra.

Because to be honest, she doesn't believe that she deserves that love. But she always finds herself longing for him.

"Wala naman ho, Senyorito," basag ni Andrew. Napakurap si Chippy, nabalik ulit siya sa reyalidad. Itinuon niya ang mukha kay Mateo. "Tinatanong lang ho ni Senyorita Priscilla kung gaano kalayo ang pupuntahan natin ngayong araw." Nagsasalita si Andrew pero ang tingin ni Mateo ay nasa kanya lang.

Napalunok si Chippy.

Ramdam niya bigla ang pag-iinit ng mga pisngi at pagkabog nang malakas ng puso niya. Nanlalamig ang mga kamay niya.

'Langya, Chizle! Bakit ka ba kinakabahan riyan? Eh, bakit kasi ganyan siya makatingin sa akin? Parang inaangkin ako ng mga mata niya.

"Mas makakabuti siguro kung iuuwi na muna kita sa –"

"Hindi!" mabilis na tanggi niya kahit hindi pa natatapos ang sasabihin ni Mateo. "Sasama ako. May narinig ka bang reklamo sa akin? Ang tinanong ko lang ay gaano kalayo. Hindi ko sinabing pagod ako."

"Andres," baling ni Mateo kay Andrew. "Pakiusap, iwan mo muna kami ni Priscilla."

Sandaleeeee! Andrew, huwag mo akong iwanan, pls. I can't do this alone.

Pasimple niyang tinignan si Andrew pero binigyan lang siya nito ng nagbabantang tingin. Gustong-gusto niyang kumapit sa mga braso nito pero ang talas ng tingin ni Mateo – bumabaon.

Napalunok ulit siya.

Sininyasan siya ni Andrew sa mga mata na umayos at huwag magpahalata. Tingin na lagi nitong ibinibigay sa kanya kapag gusto siya nitong itulak sa yate ni Sep.

"Sige po, Senyorito. Senyorita, akin na ho ang iyong mga gamit upang maisayos na ho namin sa bangka."

Hindi nakatakas kay Chippy ang pasimpleng pagtago ni Andrew sa diary ni Priscilla na nasa kamay pa rin nito. Andrew makes sure that Mateo wouldn't find that notebook suspicious. Hinubad niya ang bag mula sa likuran at inabot kay Andrew.

"Salamat, Andres," aniya.

"Walang anuman po, Senyorita. Maiwan ko na ho muna kayo."

Tinalikuran sila ni Andrew at nakita pa niyang ibinalik nito sa bag ang diary habang naglalakad ito sa direksyun nila Simon at Juan. Mabuti na lamang at nakatalikod si Mateo rito kaya hindi nito napansin.

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now