“Kumusta ka na? Masaya ka ba?” bungad ko kaagad dito.

Trina looked at me. Hindi tulad ng dati, maaliwalas na ang itsura nito. Malinis na rin ang damit nitong pang-inmate. Mas kalmado na rin ang itsura nito habang nakatitig sa akin.

“Masaya ako kahit nakakulong ako. Ikaw, masaya ka ba? Did you finally find your happiness, Olive?” wika nito.

“I don’t want to be sarcastic, Trina. I just want to tell you that I already know the story. Your story and your relationship with Atlas. Gusto kong ayusin ang lahat,” mahinang wika ko.

Tiningnan ako nito nang pailalim. Alam kong hindi ito naniniwala sa aking sinabi. Inilagay rin nito ang dalawang nakaposas na kamay sa ibabaw ng mesa. I heard Trina sigh. Pagkatapos ay tumango ito.

“Forget and forgive. If you seek for a true happiness, Olive. Dapat alam mo iyan,” anas nito.

“I know, and I will, Trina.”

Forget and forgive. Hinding-hindi ko makalilimutan iyon. Trina might be a villain, but her words inflicted within me. Nanunuot iyon sa aking pagkatao. Hindi ako nakailag at tumama sakto sa aking dibdib. Tama siya. Kung gusto kong makalimot, kailangan kong magpatawad. So I did. Pinalaya ko si Trina sa tulong nina Ramn at Kraius.

It was a long process of moving on. It was like an endless journey of crying late at night. Mending my broken heart alone that I had to leave the love of my life to heal myself.

Naalala ko pa kung paano kami nagtapos. Kung paano siya lumuhod sa harap ko. Kung paano ako tumanggi at kung paano siya nagmakaawa at umiyak sa harapan ko. His words and begging.

“Hindi mo na ba ako mahal, Olive?” wika nito. His voice was heavy and I could feel the agony within his words. My heart hurt, but my decision was final. I needed to be alone. I needed this time for myself.

“Kung para tayo sa isa’t isa, para tayo sa isa’t isa. In our own perfect time, Atlas,” I said before walking inside our mansion.

It was never easy. Iniwan ko ang lahat. Namuhay ako nang mag-isa. Umiyak ako nang mag-isa. Ginamot ko ang aking sarili nang mag-isa.

Life wasn’t unfair. It was always the choices we made that would tell the story. We could always choose to live in a right way or never. We could always live in happiness and contentment that we deserve from all the choices we made.

Tayo ang may hawak ng buhay natin. Tayo ang may kontrol sa lahat. Tayo ang may alam sa tama at mali. Tayo ang magdedesisyon kung paano ito patatakbuhin. Nakadepende ang buhay natin sa kung ano ang pinili nating gawin.

I sighed as the memory came. I even shook my head and closed my eyes. Naglakad din ako patungo sa aking cell phone nang mag-beep ito. I pressed the button and smiled as I heard my grandmother’s voice. Nakasanayan na nitong magpadala ng mensahe sa akin araw-araw.

“Hey, Honey! I missed you so much. When are you coming home? Our little Lila misses you a lot. Your dad keeps on telling me to convince you everyday. Kailan ka ba uuwi?”

I pressed the button as the voice message ended. Naroon pa rin ang matamis na ngiti sa aking labi habang nagsisimulang maghanda sa pag-alis. My grandmother’s voice was always soothing for me. Lagi na lang sa araw-araw, ginagawa nitong panatag ang loob ko kahit sa simpleng boses lang nito.

I hailed a cab when I finally got out of my house. Mabilis lang ang naging biyahe ko at narating ko kaagad ang flower shop na pag-aari ko. I smiled instantly when I entered the place. Napakabango ng mga bulaklak at napakaganda nitong tingnan.

“Good morning, ma’am!” bati kaagad sa akin ng aking assistant pagkapasok ko pa lamang. Katulad ko ay isa rin itong Pilipino na nakikipagsapalaran sa dayuhang bansa. A modern hero. Mas bata ito sa akin ngunit mas maalam ito tungkol sa France at dito sa Paris.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now