Kabanata 35

23.3K 716 115
                                    

Atlas Ramirez’s POV

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babaeng mahaba ang buhok. Nakapusod iyon sa likuran nito habang pormal na nakatayo at nakataas ang paningin sa matayog na building ng Eiffel Tower. Mahaba ang brown na coat nito na lampas hanggang sa hita habang nakapaloob naman ang isang puting blouse na nagsisilbing takip sa katawan nito. Bumagay rin dito ang suot nitong blue jeans at may takong na boots habang sukbit naman nito ang isang clutch bag sa balikat.

Matagal na panahon nang huli ko itong makita. Mga panahong pakiramdam ko, wala nang silbi ang buhay ko. Mga panahong isinuko ko na ang lahat para dito. At mga panahong kailangan kong dalhin ang sakit para pakawalan ito. Hindi ko lubos maisip na dahil sa bakasyon, makikita ko ito.

Maraming uri ng pag-ibig. May puro, may hindi. May nagtitiis. Mayroon ding umaalis. May pag-ibig para sa pamilya, para sa kaibigan, at para sa lahat. Ngunit higit sa lahat, may pag-ibig na namumukod-tangi sa lahat. Pag-ibig para sa nag-iisang taong nais makasama habambuhay.

• • •

“Hulaan mo kung sino ako.”

Napangiti kaagad ako nang marinig ang boses ni Jen mula sa aking likuran. Ang pabangong gamit nito ay sumasabay sa hanging nagmumula sa silangan. Mas lalong lumaki ang aking ngiti nang halikan nito ang aking pisngi nang marahan at tuluyan akong tabihan sa pagkakaupo. Binunggo pa nito ang aking balikat para marahil pansinin ko.

Kanina pa ako nakaupo sa kamalig na ako mismo ang gumawa. Yari lamang ito sa dayami at sanga-sangang kahoy. Nasa gilid ito ng maliit na lupa ni Papa na pinalilibutan ng mga mais at tubuhan ng dalawang hacienda sa aming bayan. Hindi kalakihan ang kamalig na ginawa ko lamang para sa pag-aaral ko kapag gusto kong mapag-isa. Ngunit dahil kay Jen, dalawa na kaming gumagamit ng kamalig para mag-aral.

Dalawang taon ko nang nobya si Jen. Sixteen pa lang ako nang ligawan ko ito. Magkaklase kami kaya madali sa akin ang mahulog ang loob dito. Bukod sa maganda si Jen, mabait din ito at matalino. Siya ang pumapangalawa sa akin sa ranking hanggang ngayon. Magkaibigan din ang aming pamilya kaya mas naging malapit kami sa isa’t isa.

We dated. We kissed and made out. Normal para sa katulad naming teenagers na malalakas ang hormones. Curiosity is also filled between us that we tend to try things and explore. Gayunpaman, hindi kami umaabot sa goal. Hindi ko hinahayaan dahil iginagalang ko si Jen at ang mga pangarap nito sa buhay.

“Hoy! Alam mo bang may programa sa Linggo sa bayan?” Kinuha nito ang aking kamay ay pinagsalikop ang kamay nito at sa akin. “Punta tayo. Malay mo, matanggap kang scholar, ’di ba?”

“Oo. Nakausap ko na si Mama. Sasamahan niya ako doon,” sagot ko kay Jen.

“Talaga? Yes!” masayang sambit naman nito.

Tumawa ako nang mahina at binalingan ito ng tingin. Namungay kaagad ang aking mga mata nang makita ang nakangiti nitong mukha. Ang maliit at matangos nitong ilong. Ang malalantik na pilikmata at ang magandang hugis nitong mukha. Kayumanggi ang kulay ni Jen ngunit angat siya sa ilang kababaihan sa aming baryo. Lalo na at kulot pa ang buhok nito. Para itong Pinay version ni Marimar. Wala nga lamang itong Fulgoso.

“Anong iniisip mo? Kanina ka pa tahimik,” tanong ni Jen sa akin. Nakakunot ang noo nito habang mariin ang titig sa akin. Umiling ako kaya sumimangot ito sa akin. “Ano nga!” ulit nito.

“Si Papa kasi,” panimula ko.

Habang nagsasalita ako, panay lang ang tango ni Jen sa akin. Sinabi ko rito ang problema ng pamilya at problema ko. Alam kong mapagkakatiwalaan si Jen sa lahat at mahilig magpayo. Nang matapos ako sa pagsasalita ay gumaan din ang aking pakiramdam. Kalilimutan ko muna ang problema ko at aabalahin ko na lamang ang sarili sa pag-aaral. Ihahanda ko na lamang ang sarili para sa pagsusulit sa bayan na gaganapin sa Linggo.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now