Kabanata 16

21.4K 823 151
                                    

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Atlas. I looked at him intently while he was looking at me too. Pareho naming pinakikiramdaman ang bawat isa. Pareho kaming naghihintay kung sino ang unang magsasalita.

My heart was aching, but I needed to be tough in front of him. I needed to show him that I could live without him. Pagod na rin akong masaktan nang paulit-ulit. Pagod na rin akong umasa. At sa tingin ko, ito ang pinakamabuting desisyon na ginawa ko mula nang magsama kami.

“I’m sorry for caging you.” My voice cracked, but I still managed to walk out on him. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang naramdaman kong hinawakan nito ang aking braso. Natigil ako sa ginagawa. Nilingon ko rin ito at tiningala. Nakakunot ang noo ko nang titigan ito.

“Is this about that attorney?” tanong ni Atlas.

Umiling ako. “This is about us, Atlas. This is about you and me,” matapang kong saad kahit pa pakiramdam ko, ilang sandali na lang ay bibigay na ang pinipigilan kong mga luha. It was torture for me, but I needed to endure it.

Kumunot ang noo ni Atlas. “Do you think this will solve everything, Olive? Sa tingin mo, ganoon lang kadali ’yon?”

“Yes!” walang emosyon kong turan. “It’s been ten years, Atlas. Ten years of hurting each other. Pagod na rin ako. Nakakasawa na,” dagdag ko pa.

“You’re impossible, Olive.”

“Why?” tanong ko rito.

Hindi sinagot ni Atlas ang tanong ko. Tinitigan lang ako nito na para bang ako ang pinakamahirap na puzzle sa buhay nito.

“Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang bitiwan mo na ako?” wika ko rito.

Atlas loosened his grip. Ginamit ko iyon para tuluyang makawala rito at lumayo nang bahagya. I looked at him again and confusion took over me. I saw how his expression softened. I saw how his eyes flashes emotions. Emotions that I should not believe because it would only hurt me. And I’m tired. I was tired of hurting myself.

Iniwan ko si Atlas at nagtungo ako sa aking kuwarto. Napabuntonghininga na lamang ako at naupo sa aking malambot na kama. Pilit ko mang isantabi ang lahat, nasusumigaw pa rin ang katotohanang nasasaktan ako.

Nasasaktan ako dahil mahal ko si Atlas. Nasasaktan ako dahil kailangan ko nang pakawalan ito. Kailangan ko nang pakawalan ang pagmamahal ko para dito. To live in peace and to heal my heart.

Natanong ko tuloy ang aking sarili kung bakit may mga damdamin na sadyang hindi nasusuklian? Kung bakit may mga pag-ibig na puro ngunit hindi pinahahalagahan? Kung bakit sino pa ang nagmamahal ay siya pa ang madalas na nasasaktan? Ngunit, gaano ko man isipin, iisa pa rin ang kahahantungan. Dahil hindi pwedeng ipilit ang isang bagay kung ang kapalit nito ay walang hanggang sakit at kalungkutan.

Katulad ko. Katulad namin ni Atlas.

Nagkulong ako sa aking kuwarto. I busied myself scanning my paperwork. Tiningnan ko rin ang schedule ko para sa susunod na taon. Pinakauna sa listahan nito ay ang maging speaker sa Dubai para sa Annual Women Empowerment doon. A schedule for Mr. Monterio, and a session to a psychologist. Para na rin sa unti-unti kong paggamot sa sugatan kung puso.

Nang makaramdam ako ng gutom ay saka ko pa lamang itinigil ang ginagawa. Sinulyapan ko rin ang digital clock sa ibabaw ng aking mesa. Alas-diyes na ng gabi kaya hindi na nakapagtataka. Maingat akong lumabas mula sa silid at nagtungo sa kusina. Ngunit bago ko pa man marating ang kusina ay isang ingay ang umagaw sa aking atensiyon. Ingay na mula sa isang basag na baso.

I looked around and saw Atlas inside the liquor room. Katabi lamang ito ng kusina at napapagitnaan ng gym room. Nakabukas ang pintong salamin nito kaya kita ko si Atlas mula sa labas. Hawak nito ang isang Jack Daniels sa kaliwang kamay habang nakatitig sa akin mula sa loob.

Napalunok ako nang makita itong tumayo. Gusto kong ihakbang ang mga paa at lumayo roon ngunit para akong itinulos sa kinatatayuhan. Hindi ako makagalaw. Ni ang ibaling sa ibang direksyon ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Naghuhumiyaw sa aking utak ang isang panganib. Lalo na nang makita ko ang galit sa mga mata nito. Nakatiim ang bagang at mabibilis ang mga hakbang. Tumigil ito nang halos ilang dangkal na lamang ang layo mula sa akin.

Naamoy ko kaagad ang alak na humahalo sa natural na amoy nito. His eyes were red and weary. Nakumpirma ko kaagad na kanina pa ito umiinom. He smiled and looked at me from head to foot. Klase ng titig na nang-aarok.

“A-Anong ginagawa mo?” sa wakas ay naiusal ko.

“You changed a lot. Kaya ba malakas na ang loob mong iwan ako dahil may iba ka na?”

Napakunot ang noo sa sinabi ni Atlas. Hindi ko maintindihan ang pinupunto nito. “What do you mean?” tanong ko.

“You can’t leave me like that, Olive,” mariing wika nito.

I blinked a few times on his remark. Hindi ko hahayaan ang sarili kong dayain na naman ng aking mga mata. I needed to stand on my decision. Lalo na dahil hindi ko alam kung bakit ganito kung umakto si Atlas sa aking ginawa.

“Why are you making this hard for us, Atlas? Aren’t you happy? Hindi ba ito ang matagal mo nang gusto?” mariin kong tanong dito.

Nakita ko kung paano tumalim ang mga titig nito sa akin. He forcefully grabbed my arm using his left hand. My eyes instantly closed when he threw the bottle of whiskey he was holding. Natatakot akong magmulat ng mga mata pero sa huli, ginawa ko pa rin. Bumungad kaagad sa akin ang nagliliyab na galit sa mga mata nito.

“You can’t escape from me, Olive. Hindi ako papayag na iiwan mo na lang ako pagkatapos mong gawing miserable ang buhay ko!”

“Nasasaktan ako,” bulong ko. My voice cracked and I felt a lump on my throat.

Masakit ang pagkakahawak ni Atlas sa aking braso ngunit mas masakit ang binitiwan nitong salita. Para akong sinampal nang paulit-ulit dahil sa sinabi nito. My heart ached that I badly wanted to gasp some air. Pakiramdam ko, tumigil ang puso ko sa pagtibok.

Mas masakit pala ang katotohanan kapag galing mismo iyon sa bibig ni Atlas. Mas nanunuot iyon sa aking buong pagkatao. Unti-unting rin ako nitong dinadala sa realidad na tanging ako at si Atlas lang ang may alam. Isang sampal na hindi pisikal kundi emosyonal ang dalang sakit.

“We will live in hell, Olive. Ikaw at ako!” sigaw nito at marahas akong binitiwan. Kung hindi lamang ako nakabalanse kaagad ay sa sahig ang bagsak ko. Akala ko, tapos na si Atlas ngunit hinila muli ako nito papalapit dito.

My eyes widened when he claimed my lips. Halos hindi ako makagalaw sa ginawa nitong paghalik sa akin. Hawak nito ang magkabilang pisngi ko habang tila gusto ako nitong lunurin sa ginagawa. Mapagparusa ang bawat hagod ng labi nito sa mga labi ko. Masakit at walang pag-iingat na para bang isa akong babaeng bayaran na kaya nitong gawin anuman ang gusto nito.

I tried so hard to push him away, but he didn’t let me. I even tried to punch him on his chest, but he didn’t budge. Malakas si Atlas sa akin bukod pa sa mas mataas ito. Sa huli, hinayaan ko na lamang ito sa gusto nitong gawin. Hinayaan ko rin ang sarili ko na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan ko ang sariling umiyak habang patuloy pa rin si Atlas sa ginagawa.

Ano nga ba ang laban ko rito? Kasalanan ko rin naman ang lahat at ito ang parusa niya sa akin. Ito ang parusang nararapat para sa akin dahil sa ginawa ko noon. Mula pa noon ay alam na alam ko na iyon. Dapat sanay na ako at maging manhid na lang ang aking pakiramdam.

“I’m sorry.”

Sa nanlalabong paningin ay naaninag ko pa ang mukha ni Atlas. Itinigil na rin nito ang ginagawa at tinitigan akong mabuti. He looked at me in his worried eyes. Pain and regret were written on his handsome face. But no one could stop me from whining.

Hinayaan ko ang sariling humagulhol sa sakit na nadarama. Hinayaan kong marinig ni Atlas ang lahat ng sakit na kinimkim ko sa aking dibdib sa mahabang panahon. I wanted him to see how he turned me into for the past ten years of our life. Dahil hindi ko na kayang magkunwari. Hindi ko na kaya pa ang bagong sakit kapag patuloy kaming magsasama.

“Pagod na ako, Atlas. Pagod na pagod na ako.”






@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now