Kabanata 4

19.1K 684 109
                                    

Iniwan ko saglit si Daddy sa loob ng VIP room. I decided to went to the bathroom to freshen up. My Dad was a good conversationalist that he did not leave any questions behind. Lahat yata ng bagay sa buhay ko ay natanong na niya. Lahat din ng mga ito ay nasagot ko nang buong kasinungalingan.

I sighed and looked myself in the mirror. Mas lalo akong naging kaawa-awa sa paningin ko. I was not a fan of lying but I need to. Kahit pakiramdam ko, sinusunog na ng impyerno ang kaluluwa ko. It hurts me every time I lied. But, I didn’t have a choice.

Mabilis akong naghilamos ng aking mukha. Wala akong pakialam kung maging ang kaunting kolorete ay mabura nito. Wala rin namang dahilan kung bakit pa ako magpapaganda. In Atlas eyes, I was the most ugly and wicked woman he knew.

“Oh, look who’s here.”

I abruptly shifted my gaze from the newly opened door. I instantly saw Trina walking towards me, smirking. I shook my head and continued what I was doing. Mabilis kong pinunasan ang aking basang mukha. Inayos ko na lamang ang aking sarili at hindi na ito pinansin. I already had enough for today. Masyado nang masakit ang ulo ko para pansinin pa ito.

“Alam mo, Olive . . . Atlas and I booked a hotel nearby. Pagkatapos naming kumain ay ang isa’t isa naman ang kakainin namin,” wika nito at binuntutan pa ng isang nakalolokong tawa. “Alam mo ba kung bakit ayaw ni Atlas sa ’yo? Bukod kasi sa pandak ka, hindi ka rin maganda.”

Pinaningkitan ko ito ng mga mata. Her words caught my attention. “Puwede ba, lubayan mo muna ako? Wala akong pakialam sa kung anong gusto n’yong gawin ni Atlas. So, shut up!” mariing wika ko.

Halatang nagulat si Trina ngunit kagyat din ay napangisi. “Palaban ka na pala ngayon. Hindi ka na ba takot maiwan?”

I sighed and composed myself once more. Pilit ko na lamang isinisiksik sa isip ko na isa lamang kabit si Trina. Na katulad ng mga nauna ay iiwan din ito ni Atlas. Na hindi ito importante dahil ako pa rin ang legal na asawa.

“Kung wala kang matinong sasabihin, aalis na ako.”

Tinalikuran ko ito at kinuha ang aking bag. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang aking braso. Napabuga ako ng hangin. I desperately stopped myself not to hurt her but my hand did otherwise. Nang balingan ko ito ng tingin ay kasabay ring umigkas ang aking kaliwang kamay. Nanlaki ang mga mata nito ngunit wala akong pakialam. Naputol na ni Trina ang lahat ng pagtitimpi ko. She pushed me to the limit.

“Sa susunod, kapag sinabi kong tumahimik ka na, tumahimik ka! Pasalamat ka, Trina, hindi pa kita pinapatulan sa mga kagagahan mo. Baka manghiram ka ng mukha sa aso kapag napuno ako sa ’yo!” mahabang litanya ko. “Hindi rin ako pangit! Baka gusto mong tanggalin natin ’yang makapal na makeup mo sa mukha?!”

Bago pa man ito makahuma ay iniwan ko na ito. Hindi ko na siya hinintay na makaganti sa akin. Habol ang hininga na naglakad ako sa hallway ng restaurant. My heart was beating so fast. Alam kong mahina ako pero kung kinakailangan, lalaban ako. Dahil ang totoo, ako naman talaga ang may karapatan. Isa lang kabit si Trina na mahilig pumapel.

“Shit!”

Alam kong hindi ako dinadaya ng aking pandinig. Kahit nasaktan sa pagkakauntog ay tumingala ako. Nang magtaas ako ng paningin ay bumungad kaagad sa akin ang nakakunot-noong mukha ni Atlas. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

“I’m sorry,” wika ko.

“Why are you here? Gusto mo talagang makita ng daddy mo si Trina at masira ako?” tanong nito. Pormal na pormal ang itsura ni Atlas. Mukhang kagagaling lang nito sa site nito at nakipagkita kaagad kay Trina. Napailing ako. Hindi na dapat ako magtaka.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo. I have to go. Uuwi na kami ni Daddy,” wika ko.

“Don’t fool me again, Olive. Alam kong magaling kang magpaikot ng lahat. Napaikot mo nga pati an—”

Sinampal ko si Atlas. I looked at him straight to his eyes. For the first time in our ten years of marriage, I slapped him for degrading me. Hindi ko alam. Sadyang may sariling isip ang mga kamay ko nang gawin iyon dito. Marahil ang puso ko na lamang ang tila namanhid sa sakit ngunit hindi ang aking katawan. Ang puso ko na lamang ang martir ngunit hindi ang aking isip.

“I’ve had enough for today, Atlas. I’m drained from all the shit in our life. Sana magpahinga naman tayo. Nakakasawa na!” I said before heading to my dad’s room.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong pakalmahin mula sa panginginig ang aking sarili. Nanlalambot din ang aking tuhod sa aking nagawa. I was usually calm and quiet. Kahit nasasaktan ako ay hindi ako marunong makipag-away. But things changed. Kapag pala napuno ka na, sasabog na lang ito na parang bulkan nang hindi mo namamalayan.

“Good thing you’re already here, hija. Atlas is here. I saw him somewhere and I invited him to join with us but he declined. May meeting daw kasi siyang importante. Mas importante pa sa atin.” Tumawa si Daddy pagkatapos niyang sabihin iyon. Kauupo ko pa lamang sa silya at iyon kaagad ang bungad niya sa akin. I smiled at him, too. A fake one. Ramdam ko naman kasi na disappointed ito kay Atlas.

Ginagap ko ang kamay nito. “Sorry, Daddy. Baka next time na lang po. Busy kasi masyado si Atlas.”

Pinilit ko pang pasiglahin ang aking tinig para mawala ang hinanakit ng aking ama. I tried to open topics that was worthy to talked about. Natanong din ni Daddy ang pagpili sa akin ng isang magazine sa Dubai bilang representante sa isang malaking event for empowering women.

My dad was very proud of me. I could feel it. Iyon nga lamang, maging sa sarili ko ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas malulungkot. I had been in different countries to represent women empowerment but me as a woman was way further than the image I portray. Nakalulungkot mang isipin pero iyon ang totoo.

Sumama ako kay Daddy pauwi sa aming bahay. Hindi na muna ako uuwi sa bahay namin ni Atlas. Wala rin naman akong kasama roon. Kapag malungkot ako at libre si Daddy, siya lamang ang laging sandigan ko. The only person that would understand and spoil me just like before.

“Alam mo, hija, gustong-gusto ko nang magkaapo. Kailan n’yo ba balak ni Atlas?”

Naagaw ni Daddy ang aking atensiyon dahil sa sinabi nito. Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ng kotse ay tiningnan ko ito sa aking tabi. He seemed excited. Napangiti ako at pinalis ang anumang bagay na gumugulo sa akin. I leaned to my father’s shoulder and clung to him like a baby.

“Hindi ko alam, Dad. May tamang panahon naman ang lahat. We are waiting for the right time,” wika ko bago ko siya pabirong tinanong. “Ikaw? Kailan mo balak mag-asawa ulit?”

Natampal ni Daddy ang aking balikat. Natawa ako kaya natawa na rin ito. “Hinding-hindi na. I love your mother so much. When love hit you so hard, Anak. Mahirap nang makabangon. Hindi na ito napapalitan,” anas nito. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo.

I smiled at what my father said. Mas lalo kong napatunayan kung gaano nito kamahal ang aking ina. The magic of true love. When it hit you hard, it would stick to you like a glue.

Same goes to my feelings with Atlas. Damdamin na sa haba ng panahon ay hindi pa rin ako nakaahon. Nananatili. Naghihintay. Umaasam.





@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon