Kabanata 15

22.2K 895 254
                                    

Kung noong mga nakalipas na taon, ramdam ko ang kalungkutan tuwing sasapit ang Pasko, mas doble ang nararamdaman ko ngayon. Ito na yata ang pinakamalungkot para sa akin. Sa mga nakalipas na araw, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang tahimik. Magkulong sa silid para makapag-isip at magmuni-muni sa kung ano ba ang dapat kong gawin.

“Aba, Olive! Kanina ka pa tulala d’yan, ’Nak. May problema ba?”

I looked at Atlas’ mom. She was beside me and very busy. We were both busy doing our Noche Buena for later. She was chopping the meat while I was cutting some veggies. Atlas’ mom seemed very happy that I felt guilty for feeling this way.

Itinigil ko ang ginagawa at ngumiti ako rito. “Wala naman, Mama. Nalulungkot lang po kasi ako dahil uuwi na kayo bukas. Tahimik na naman ang bahay,” pagsisinungaling ko.

Itinigil nito ang ginagawa. “Naku! H’wag ka nang malungkot. Ayaw mo n’on, masosolo mo na ang anak ko?”

“Mama naman.” I pouted my lips.

“Di ba?” wika nito. “Mahal ka ng anak ko, Olive, kaya galingan n’yo na at gusto ko na ng aalagaan.” Pilya itong kumindat sa akin.

Ngumiti na lamang ako at napailing. Ibinalik ko rin ang tingin sa ginagawa. Hindi na rin kami nag-usap ng aking biyenan. Abala na rin kasi ito sa ginagawa. Ang huling sinabi nito sa akin ay mas lalo lang dumagdag sa pait na nararamdaman ko. Gayunpaman, hindi ko rin ito masisi dahil wala naman itong alam.

Saktong alas-siyete ng gabi nang matapos kami sa paghahanda. Atlas was not home yet. Alam ko rin kung nasaan ito. He lied to his mother just to be with his mistress. Alam ko dahil makapal ang mukha ni Trina at nagpadala pa ng mensahe sa akin. A picture of her and Atlas in a restaurant. Happy and smiling. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nito nalaman ang number ko. Maybe, Atlas gave it to her. I don’t know. All I know is that Atlas loves to break my heart over and over.

Napangiti ako nang mapait. Binalingan ko rin ng tingin ang aking biyenan na abala sa paglalagay ng pinggan sa mesa. Nakangiti pa rin ito kahit pagod sa maghapong pagluluto. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano kapag nalaman nito ang lahat?

I shrugged the thought off and sighed. “Maliligo lang po ako, Mama.” Inamoy ko ang sarili. “Ang baho ko na po,” dagdag ko pa.

Tumingin ito sa akin. Nakapaskil pa rin sa mukha nito ang isang ngiti. “Sige, ’Nak, at pauwi na rin panigurado si Atlas. Tatapusin ko lang ’to at mag-aayos din ako.”

Tumango ako. “Sige po.”

Iniwan ko ang aking biyenan sa kusina at naglakad patungo sa aking kuwarto. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad. Sa buong sampung taon na pagtira sa bahay na ito ay ngayon lang nagkaroon ng isang Christmas tree sa loob nito. Nasa gilid iyon ng sala at sa ilalim naman nito ay mga regalo galing sa akin, at kay Atlas para sa nanay nito. Punong-puno rin ang bahay ng maliliit na disenyong pam-Pasko. Christmas balls, signage, Santa Claus miniature, and red socks pinned on the wall.

“Oh! Bakit nakatayo ka lang d’yan, ’Nak? Akala ko, maliligo ka na?”

Sa narinig ay bigla akong natauhan. Noon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako tumigil sa paglalakad. Naramdaman ko pa ang pag-akbay ng aking biyenan. Sinulyapan ko ito sa aking gilid at nakita kong seryoso itong nakatingin sa Christmas tree na ginawa nito.

“Ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan. Nawa’y kayong dalawa ni Atlas ay magmahalan habambuhay. Dakila at puro. Walang agam-agam o kahit kaunting pagsisisi. Nawa’y marami pang Pasko ang darating sa inyo, anak.” Hinawakan nito ang aking ulo palapit sa kaniya at hinalikan iyon nang magaan. “O, siya! Maligo na tayo at amoy bawang at sibuyas na tayo, Olive.” Tumawa ito kaya napangiti na rin ako. Hinatid pa ako nito sa aking kuwarto.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon