Kabanata 7

19.9K 743 162
                                    

Ilang segundo ang lumipas bago ko naitulak si Ramn palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ito. I couldn’t utter a word. Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko: ang sampalin ito o ang salubungin ang titig ni Atlas sa akin na tila nanunuot sa aking pagkatao.

I blinked many times to calm my raging heart. But the moment I tried to say something to Ramn was the same time I felt someone grab my waist. The man behind me punched Ramn straight to his face.

Mas lalo akong napakurap. Pilit ko mang itanggi sa isip ngunit alam kong hindi ako dinadaya ng aking puso. Alam na alam ko kung sino ang lalaki sa aking likuran. Alam na alam ko dahil kahit na ang amoy ng cologne nito ay memoryado ko na.

“Fuck you, moron!” galit na sigaw ni Atlas. Hinila ako nito paalis sa swimming pool at binuhat na parang sako pagkatapos. I heard him cursed under his breath while I was still shocked from the things that happened to me. Hindi ko alam. Bigla na lang nag-shutdown ang lahat sa akin. From Ramn’s kiss until this very moment.

Atlas parked his car not far away from the entrance of the clubhouse. Naramdaman ko pa kung paano niya ako pabalyang inilagay sa front seat ng kaniyang kotse at iniwan na lang basta. My back hurt but the coldness from my clothes was stronger.

I hugged myself. Itinaas ko rin ang aking paa patungo sa upuan. My knees and my jaw touched each other but I didn’t care. Kahit na sa pamamagitan niyon ay maibsan man lang ang lamig na nararamdaman ko.

“Ganiyan ka na ba ka-desperada ngayon, Olive? Nagpapahalik ka na kahit kanino?!” he rebuked after he sat beside me.

Kahit nahihirapan ay itinaas ko ang paningin at sinilip ito nang bahagya. I saw how he clenched his jaw. How he moved his lips to whisper words that only he could understand. And even how he tightened his grip on the steering wheel.

Lahat nang iyon ay nakita ko. Nakakapanibago ngunit mas lalong nakapagtataka. Gustuhin ko mang maniwala na may pakialam si Atlas sa akin ngunit mas pinangungunahan ako ng mga rason kung bakit hindi dapat.

Nang tuluyang umandar ang kotse nito ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. He droved the car fast. Tila ba nagmamadali ito. Hindi ko na lamang ito pinansin at niyakap ko na lamang nang mahigpit ang sarili.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa harap ng bahay. Kahit giniginaw ay nauna akong lumabas ng sasakyan. Hinubad ko kaagad ang aking heels at itinapon kung saan. Pagkatapos ay agad kong tinungo ang aming pintuan.

I turned the doorknob, but it didn’t open. I cursed under my breath because of it. Hindi ko alam kung sadyang malas ako o hindi lang talaga umaayon sa akin ang lahat. Nakakainis. Dahil ang totoo, hindi ko gustong makaharap si Atlas.

I sighed. Hinampas ko rin nang marahan ang pinto. Sa isip ay gusto ko nang kutusan ang sarili. I even made a mental note that I wouldn’t drink brandy again, and I even blamed Alex because of the shit that happened to me. Tandang-tanda ko pa kasi ang sinabi nito sa akin.

Forget about etiquette my ass.

Kahit labag sa loob ay hinintay ko si Atlas. I gave way to him as he opened the door. Inabot niya rin sa akin ang aking clutch bag na hindi ko alam kung paano napunta sa kaniya.

“Olive!” Narinig kong sigaw nito nang lampasan ko ito. Napabuga na lamang ako ng hangin nang marinig kung paano nito ibinalya ang pinto. Mukhang wala akong pagpipilian kundi ang harapin ang kung anumang ikinagagalit nito.

“What?!” tanong ko. Pilit kong pinatapang ang aking boses kahit ang totoo, malapit na akong pumiyok.

Atlas’ eyes darted on me. Mukha itong hindi makapaniwala sa aking sinabi. Nakita ko pa kung paano nito sinabunutan ang sariling buhok at sinipa ang paso na naglalaman ng aking mga succulent.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now