Kabanata 34

21.2K 737 165
                                    

Pakiramdam ko, tumigil ang lahat sa akin nang mga sandaling iyon. Ang pagtibok ng aking puso maging ng aking paghinga. Pakiramdam ko, pinapatay ako nang paunti-unti habang nakikita ko ang anak kong pinalilibutan ng doktor at nurse. Ginagawa ang lahat para dito hanggang umiling na lamang ang mga ito tanda ng pagsuko.

“Time of death. Twelve-thirty in the afternoon.”

I sobbed to Atlas’ chest as the doctor uttered the words I didn’t want to hear. Bakit ba kapag gusto ko ang isang bagay, hindi ko ito makuha nang buo? Palaging hindi pwede. Palaging may mali. Palaging wala sa tamang panahon.

Iniisip ko tuloy kong anong nagawa kong mali sa buhay ko at pinarurusahan ako nang ganito. Lagi kong binabalikan ang mga nagdaang buhay ko pero kahit katiting, hindi ko malaman ang dahilan. Wala akong maisip kundi ang katotohanang nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako nang totoo.

Atlas’ hand was caressing my back and trying to calm me down. Alam kong umiiyak din ito dahil sa pag-alog ng mga balikat nito. Alam kong pareho kaming nasasaktan sa nangyayari. Marahil katulad ko, hindi rin nito matanggap ang lahat. Kasi ako, hindi ko alam kung kailan ko matatanggap.

“Tahan na,” Atlas’ voice broke. Mas lalo akong napahagulhol dahil doon.

“H-Hindi ko kaya. W-Why?!” nahihirapang tanong ko. Nakasubsob pa rin ako sa dibdib ni Atlas habang puno ng luha ang aking mga mata.

Kinailangan akong patulugin para kumalma matapos ang lahat ng nangyari. Ang huling naaalala ko lang, tanging si Daddy na lamang ang kasa-kasama ko sa loob ng aking silid. He was telling me things that would soothe me, but the pain I felt was undeniable. Pakiramdam ko, wala nang makagagamot niyon.

Nang magising ako ay ganoon pa rin ang aking pakiramdam. The hollow part inside me was still there. Nanunuot sa aking buong pagkatao. Mas masakit kaysa sa sugat na nasa aking tiyan. Mas nakamamanhid kumpara sa anaesthesia na itinurok sa akin.

“Magpahinga ka na, ’Nak. Tama na ang pag-iyak,” nagsusumamong wika ng nanay ni Atlas. Mabilis din ako nitong dinaluhan para sumandal sa headboard ng kamang kinahihigaan ko.

“I-I want to see my b-baby, Mama,” nahihirapang wika ko.

“Wala na siya, ’Nak,” basag ang boses na turan nito. “Napagkasunduan nina Senator at Atlas na ipa-cremate ang bata. Nasasaktan ako, Olive. Pero alam kong mas nasasaktan ka.”

“Ma! Mabubuhay pa ang baby ko,” mahinang sambit ko.

Ginagap nito ang aking kamay habang nakaupo sa aking harapan. May nakita man akong ngiti sa mga labi nito ngunit hindi umabot iyon sa mga mata nito. Alam kong katulad ko ay nasasaktan din ito. Lahat kami ay nasasaktan sa pagkawala ng anak ko.

“Bakit ganoon, Ma? Bakit ang anak ko pa? Napakabata pa niya para mawala,” tila batang pagsusumbong ko rito. Lahat ng mga katagang binibitiwan ko ay lumilikha ng ibayong sakit sa aking dibdib. Nahihirapan akong bigkasin ang mga salita dahil sa bara sa aking lalamunan. Pakiramdam ko, ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Pinakamasakit sa buong buhay ko.

Napabuntonghininga ito sa aking tanong at umiling. Titig na titig naman ako rito na para bang alam nito ang sagot sa tanong ko. Kapagkuwan ay napayuko ako bilang pagsuko. At kahit nananakit ang aking mga mata sa pag-iyak ay tumulo pa rin ang aking mga luha. Masakit pa rin. Walang kamatayang sakit para sa isang buhay na nawala.

“Tahan na, Anak. Magiging maayos din ang lahat.”

Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin hanggang ang mahigpit na pagyakap nito. Sunod-sunod ang pinakawalan kong hikbi sa balikat ng nanay ni Atlas. Tanging mga salitang magpapagaan sa loob ko ang mga sinasambit nito habang ang mga kamay nito ay nasa aking likod. Dahan-dahang humahaplos doon na para bang mawawala ang lahat sa pamamagitan ng ginagawa nito.

Gayunpaman, pinilit kong patatagin ang aking sarili. Pinilit kong kumalma kahit pakiramdam ko, bibigay na ako sa lahat ng nangyayari. Akala ko, naiiyak ko na ang lahat ng sakit at pait. Nangangatal ang aking lalamunan at namumugto ang aking mga mata ngunit para bang walang kapaguran ang mga luha ko sa pag-agos. Na kahit ilang beses kong pigilan, parang may sariling isip ito na kusa na lang tumutulo. Maging ang puso ko ay ganoon din. Naninikip na para bang wala nang katapusan.

Kaagad na nabaling ang aking tingin nang bumukas ang pinto ng silid. I instantly saw Atlas with my Dad. Pumasok si Atlas ngunit nagpaiwan naman si Dad sa paanan ng pinto. Tumango ito at ngumiti nang pilit sa akin. I smiled back, but I know, my dad could see my agony. It was evident in his face and how he looked at me.

Ilang sandali ay iniwan kami ni Atlas ng daddy ko at nanay nito sa loob ng silid. He was eyeing me while I was looking at him too. Nakatayo ito sa aking paanan habang nakaharap sa akin. His eyes were bloodshot and swelling. Tanda ng pag-iyak nito at pagluluksa. Maging ang damit nito ay ganoon pa rin. Tanda na hindi ito umuuwi man lang sa loob ng dalawang araw.

“H-He was gone. Oliver l-left us, Olive.” Atlas’ voice broke. Lumapit ito sa akin at umupo sa kama paharap sa akin. “How are you?” dagdag na tanong nito.

“I don’t know.” I looked away and pinned my sight in the plain glass window. Katulad na katulad nito ang aking nararamdaman sa kasalukuyan. It was empty and hollow.

“I want you to know that I am always here. I will always love you despite everything. You can cry on me or punch me to death until your heart's content.” Ginagap nito ang aking kamay at hinalikan iyon. “I hate to see you like this. Sampung taon kitang sinaktan, at hanggang ngayon, nasasaktan ka pa rin dahil sa akin. I-I’m sorry,” wika nito.

My eyes watered. Atlas’ words pierced through my being. Totoong nasasaktan ako dahil sa kaniya. Nawala ang lahat sa akin dahil sa kaniya at dahil sa akin. Siguro nga, sadyang hindi kami para sa isa’t isa. Kapag pinipilit namin ang isang bagay, hindi nagiging maayos ang lahat. Maging ang kahuli-hulihang mag-uugnay sa amin ay nawala pa.

“Let’s end this here, Atlas. Itigil na natin ’to.” Pinilit kong patatagin ang boses ko kahit pa may namumuong bikig sa aking lalamunan. My heart was aching.

Matagal na akong handang pakawalan si Atlas para sa anak ko ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko ginawa dahil kahit papaano, naniwala akong pwede pa ang lahat. But this one said it all. Hindi kami para sa isa’t isa.

Nang balingan ko ng tingin si Atlas ay mas lalong nanikip ang dibdib ko. Alam ko na ang totoo mula nang maghiwalay kami. Hindi ko lang maamin dahil natatakot ako. But his eyes said it all. Mga damdaming matagal kong hinintay. Mga bagay na mahirap para sa aking makita noon dahil binulag ako ng sariling paniniwala.

Atlas loved me a long time ago.

Hindi ko nakita noon pero ngayong kaharap ko na ito at nakatitig sa akin nang mariin, alam kong totoo iyon. I could feel his love towards me, only by his gaze. His eyes were hurting. Mas mariin din ang pagkakahawak nito sa aking kamay.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong nito. His forehead creased.

I blinked a few times to suppress another tear from falling. Masakit man pero kailangan. Marahil, hindi ngayon. Marahil, hindi bukas o sa susunod pang bukas. Maybe, fate has a different plan for us.

“H-Hanggang dito na lang t-tayo,” I whispered.

“How can you say that?! Mahal kita, Olive! Mahal kita hindi dahil may anak na tayo kundi dahil mahal kita bilang ikaw! Buong-buo. Please, huwag naman ngayon!” mariing wika nito.

“Mamahalin mo pa ba ako kapag nalaman mong hindi na ako magkakaanak kahit kailan?!” I shrieked and shook my head. I did not stop myself from sobbing this time. This was the reality that I was afraid of. Hinding-hindi na ako magkakaanak at napakasakit niyon para sa isang ina. “Tell me, Atlas. Tell me!”

Atlas shook his head. My heart hurts even more. Parang tinutusok ito ng punyal nang paulit-ulit hanggang sa mamanhid na lang sa sakit at pagtitiis.

I smiled at him bitterly and nodded. This has always been the best for us. This should have happened a long time ago. Hanggang dito lang talaga kami. Hanggang dito lang. 



@sheinAlthea

A|N: Epilogue na po ang next. Congratulations po sa mga nakaabot hanggang dulo. Sa mga bagong reader, salamat po sa inyo.

WIFE SERIES: Tears Of A WifeWhere stories live. Discover now