Kabanata 2

20.9K 708 87
                                    

Hilam ng luha ang aking mga mata habang si Atlas naman ay naririnig ko ang paghinga nang malalim sa aking ibabaw. Nakayapos ito sa akin na para bang takot itong makawala ako. Na para bang tatakbuhan ko siya.

“Tapos ka na ba?” tanong ko. Itinaas ko ang aking paningin mula sa ibang direksyon at tiningnan si Atlas. Bumungad kaagad sa akin ang kaniyang makapal na kilay at nakakunot na noo habang ang mga mata’y sinusuyod ang aking mukha. Napakurap ako nang ilang beses upang palisin ang nagbabadya na namang pagtulo ng aking mga luha.

Umalis si Atlas sa aking ibabaw at gumulong ito sa aking tabi. Dinig na dinig ko ang kaniyang mga buntonghininga at mahihinang pagmumura. Ang mukha ng isang taong galit at ang kilos ng isang taong matindi ang pagkamuhi.

Natanong ko tuloy sa aking sarili kung nagsisisi ba ito sa nagawa sa akin, ngunit kaagad kong pinalis iyon. Why would he regret? Alam ko namang sa umpisa pa lang, ayaw na niya sa akin. Namumuhi na siya sa akin kaya bakit pa ako aasa?

“Hindi ako sasama sa ’yo bukas. May lakad ako kasama si Trina. Huwag ka na ulit pupunta sa café niya at susugod. Hindi pa ba sapat na nakakasama mo ako kahit ayaw ko?!”

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin. I didn’t know if I should look at Atlas again and beg him to come with me. Hindi ko rin alam kung manhid ba talaga ito o nagmamanhid-manhiran lang. Why couldn’t he see the things that were always been there? It was always there, he just needed to open his eyes.

Mahal ko siya.

Mahirap ba talagang paniwalaan iyon?

I sighed. Pinilit kong mawala ang bara sa aking lalamunan. Pilit ko ring pinakakalma ang aking sarili sa nagbabadyang paglukob ng isang mapait na pakiramdam. I didn’t want to feel and look pitiful. Sawang-sawa na akong maawa sa sarili ko.

“I know. Sige, sa susunod, hindi na ako lalapit sa kaniya.” Napailing ako. Alam kong iba ang bersyon ni Trina sa nangyari kanina. Iba rin ang bersyon ko. Kahit sabihin ko pa kay Atlas ang totoo, hindi rin naman siya maniniwala sa akin.

I smiled bitterly. Kailan ba naniwala si Atlas sa akin?

“I’m sorry,” I said instead.

“Sana magtanda ka na.”

Doon ko nagawang ibaling ang tingin kay Atlas. Naghuhumiyaw ang puso ko sa kaniyang sinabi. Ganoon ba talaga ako kababa para sa kaniya? Gusto ko siyang saktan at pagsasampalin ngunit sadyang mahina ako. Hindi ko makuhang manindigan para sa aking sarili dahil alam ko naman ang totoo. Alam kong kasalanan ko. Na dapat lang sa akin ang mga bagay na ginagawa niya sa akin. Isang parusa para sa pagiging makasarili ko.

Iniwan ako ni Atlas pagkatapos niyang sabihin sa akin ang mga katagang iyon. Nanatili ako sa aking kama at hinayaan ang sariling nakahubad. Latang-lata ang aking pakiramdam dahil sa nangyari. Maging ang aking isip ay pagod din. Hindi lang pisikal kundi maging emosyonal na sakit ang kayang iparanas sa akin ni Atlas. Kaya niya akong durugin nang paulit-ulit. Ngunit kailangan kong pilitin na sanayin ang sarili. Kailangan kong maging manhid sa lahat.

This wasn’t about me anymore. This was also about my career. The name that I always took care of. The respect and inspiration that I was getting from the people. The trust of my father that has always been looking forward to my future and my children. This was about my whole life. The pain that I felt from Atlas lies from the things I didn’t want to be known and ruined.

I sighed. I would just let myself be drowned in the pain. Maybe that way, I could finally forget the situation that I was in. I would just let myself fall into slumber and be numb . . . for a while. 

I woke up late the next morning. Masakit ang ulo ko pati na ang aking katawan. Pinilit ko pa rin na bumangon at mag-ayos ng sarili. I had a very important patients for today. A VIP to be exact.

Nagmamadali akong lumabas sa aking kuwarto. Suot ang aking usual outfit na skinny jeans at sleeveless black ruffled blouse ay magaan ang mga hakbang ko. Bitbit ko rin ang aking shoulder bag sa kanang kamay. Nagulat pa ako nang madatnan ko si Atlas sa aming kusina. Mukhang kagigising lang din nito at nagtitimpla ng kape.

“Good morning,” bati ko rito. Inilapag ko ang bag sa mesa at maingat na kumuha ng bottled water sa fridge.

“Hindi ka man lang kakain?”

Nagulat ako sa sinabi ni Atlas. Nilingon ko siya mula sa hamba ng pintuan ng kusina at pinakatitigang mabuti. Nakakunot din ang noo ko habang ito naman ay abala sa ginagawa. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko mawari kung dinadaya lamang ba ako ng aking pandinig.

Gusto kong buksan ang bibig ko para magtanong sa kaniya kung ako ba ang kinakausap niya o may sinasabi ba siya sa akin, ngunit walang salita ang namutawi sa akin. Parang ang lahat ay napakahirap bigkasin. Parang ang lahat ay napaka-imposible. Sa huli, napabuntonghininga na lamang ako. Laglag ang balikat na nagpatuloy sa paglalakad paalis sa aming bahay.

When I got inside my car, I wiped away all my worries. Kahit kailan, hindi ko hinayaan ang sarili ko na malunod sa sakit. I would always find a way on how to handle it. I would always be in composure and professional. Bakit nga ba hindi? Na-master ko na yata ang pagiging mapagpanggap.

Staying in love to the person who couldn’t love me back was a choice that I made. Staying with Atlas was the only option that I set for myself. Staying to be hurt had always been my consequence. Naisip kong katulad ko, nasasaktan din ang ibang tao. Mas malalim nga lamang siguro ang sakit na nararanasan ko kumpara dito.

I kept myself busy for the last hours of my work. Marami akong kliyente. Iba’t ibang mga kilalang tao at personalidad. Marami rin ang bumibisita, mga kamag-anak man o kakilala. May iilang imbitasyon sa mga magazine at isang guest interview sa isang medical show.

Napapailing na lamang ako habang papalapit ang oras ng pag-uwi. Some people needed me. They wanted me. But for Atlas, I was some random trash that could easily be thrown. Walang silbi. Walang pakinabang. Hindi importante.






@sheinAlthea

WIFE SERIES: Tears Of A WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon