Kabanata 39

1K 38 23
                                    

Aware

~•~

How can you say when a person is experiencing a cardiac arrest? Hindi niya alam. Sa pelikula, nilalagay ng mga aktor ang kamay nila sa dibdib nila at kinukuyumos ang damit sa bandang iyon na tila ba ganoon din ang nangyayari sa puso nila. Nahihirapan sila sa paghinga at... ganito rin ba ang pagbilis ng tibok ng puso nila?

Dumako ang tingin niya sa baba at nakita ang dahilan ng mga kakaibang nangyayari sa katawan niya. One hand was holding his phone against his ear while the other was on his waist. His stance was of that someone you can tell has authority. Tila ba hinulma talaga siya para sa kinatatayuan niya ngayon. He was born a ruler. And now, he rules his own company. Soon, he will inherit the empire of his magnate father. Who knew she would cross paths with someone like him in this lifetime? Hindi biro ang makadaupang-palad ang mga nasa upper 1% ng mundo. Sa Pilipinas pa nga lang ay mahirap na silang hanapin lalo na kung hindi ka naman belong sa mundo nila.

Natulos siya sa kinatatayuan at agad napakapit sa railing ng balcony nang magtama ang tingin nila. Ang kaninang nakakunot nitong noo ay biglang naglaho at hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya o talagang ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa loob ng bahay.

Her hand found its way on her chest. Her heart was going crazy again. Tila gusto nitong kumawala. Ilang araw na. She's sure this occurs whenever Scott is around. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nito.

Oo na, crush ko na siya!

Sinong hindi hahanga rito? He is undeniably handsome, he's rich, he has everything. Ang tanging humahadlang lamang sa kaniya noon ay ang ugali nito. Para sa kaniya kasi ay iyon ang may pinakamalaking bahagdan sa kaniyang standard pagdating sa lalaki. And in the very first meeting, Scott failed big time.

Ngunit nitong mga nakaraang araw... he's being sweet to her. Too sweet in fact. Noong una'y naisip niya na baka may sakit lang ito o sinapian ng kung anong maligno dahil mahilig pa naman itong pumunta sa kung saan-saan at hindi nagsasabi ng "tabi-tabi po".

Namamatay ba ang tao sa kilig? Kapag nasobrahan ka ba sa kilig ay puwedeng atakihin ka sa puso?

Napa-iling na lamang siya sa naisip. Mukhang hindi ang puso niya ang kailangan niyang problemahin kundi ang kaniyang utak. Nilulumot na yata ang utak ko, kung anu-anong nonsense na ang sinasambit.

She heaved a deep sigh and just decided to enjoy the view in front of her. Ang kuwarto niya kasi ay nakatapat sa kalmadong dagat. Mula rin sa kaniyang balcony ay tanaw niya ang malawak na driveway at ang gate.

"Do you find this so fascinating?" ani ng boses sa likod niya. Agad siyang napaharap sa nagsalita na sana ay hindi niya na lamang pala ginawa. Halos mahalikan niya na ang dibdib nito! She didn't dare to look up. Alam niyang nakayuko ito sa kaniya ngayon. At hindi pa siya handang ibigay ang pangalawang halik niya, lalo na rito.

By reflex, she took a step back and leaned backwards. Kaya lang ay nakalimutan niyang nakasandal na nga pala siya sa railing ng balcony. Halos tumalon ang puso niya sa gulat nang akala niya'y mahuhulog na siya! Good thing Scott was fast enough to encircle an arm around her waist while the other one gripped on the railing tightly. Ngayon ay nakukulong na siya sa gitna ng katawan nito at ng railing.

"Easy there, sweetheart."

Pakiramdam niya'y sasabog na ang mga pisngi niya dahil sa init ng mga iyon! She knew British people do love endearments but she was so sure that Scott is not one of them. Hadn't she heard it coming out of his mouth herself, she would have believed this prejudice until the end. Hindi niya na matagpuan ang kaniyang boses sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now