Kabanata 22

1.8K 74 10
                                    

Friends

~•~

Twenty minutes before the 7 a.m. call time, Fatima already arrived at the Housekeeping office. Si Ilma lamang ang naroon at ang dalawang babae. Seryosong nag-uusap sina Ilma at iyong naka-uniform na babaeng sa tingin niya ay isang receptionist. Ang isang ka-department niya ay nakasalampak sa sofa at may takip na magazine sa mukha. Malamang natutulog ito.

Napansin siya ni Ilma na agad ngumiti sa kaniya kaya napatingin na rin sa kaniya iyong kausap nito. Mula sa nametag na suot nito, nakasulat ang pangalang: Karen. Itim ang buhok nito, hindi katulad ng karamihan ng kababaihang nakikita niya na blonde o brunette. Sa tingin niya, kasing edad lamang ito ni Eric na mas matanda sa kaniya ng limang taon.

"You're too early, dear." Lumapit sa kaniya ang matanda.

She gave a timid smile. "I'm excited," nahihiyang aniya.

Natawa ang matanda pati na rin ang babaeng nagngangalang Karen na nakikinig sa kanila. "You're excited to clean?" pagbibiro nito.

Natawa na lang din siya. Pero anong magagawa niya? Ito ang umpisa ng panibagong buhay niya. And she hopes it will be better. She'd make sure this will lead her to a better path. Pag-iigihan niya ang trabaho.

"Hi! I'm Karen," bati sa kaniya nito na nakalapit na rin pala sa kaniya. Karen offered a hand which she gladly accepted.

"Fatima. You can call me Patty."

"Where are you from?"

"Philippines," sagot niya.

She saw how Karen's eyes widened in surprise. "Talaga?!"

Now it's her time to be shocked. Sabay silang napalingon kay Ilma na humagalpak ng tawa. Nanliit ang mga mata ni Karen. "You planned this, Ilma?" kunwaring galit na tanong nito. Nagkatinginan sila at sabay na natawa.

They were in the middle of laughing when the door opened wide. Eric went in. He crossed his arms on his chest and raise an eyebrow at them. "Aba nandito na pala ang babaeng walang buhok sa kili-kili."

Nanlaki ang mga mata niya sabay tago sa likod ni Ilma. Dahil malaking babae ito, tagong-tago talaga siya. "Help!" she jokingly exclaimed.

The office was filled with laughter but the girl who was on the sofa was still fast asleep, unbothered by the noise.

"ANG SWERTE mo naman pala!" bulalas ng dalawa nang ikuwento niya kung paano siya napunta rito.

Napasimangot siya. "Anong suwerte sa nadulas sa cooking oil?"

Tumawa ang dalawa pero mahina lamang upang hindi nila maistorbo ang mga guest na nasa indoor pool. Eric rolled his eyes. "Duh! You get to talk with THE Hugh Laurent," he pointed out.

Ang alam lang ng mga ito, iyong insidenteng iyon kasama ang Cooking Oil Girls ang naging dahilan ng pagkakalipat niya. Hindi niya na sinalaysay pa ang pinag-ugatan talaga ng insidenteng iyon, ang magaling niyang Master. Nagngitngit siya sa kaloob-looban nang maisip ang mokong.

"Inggit na inggit nga kami sa Jenny na iyon nang malaman na ililipat siya sa mansion ni President!" kuwento ni Karen.

Kung alam niyo lang na may mokong na nakatira roon.

"Hindi rin..." wala sa sariling usal niya.

"Anong hindi?!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Eric na kulang na lang ay kurutin na siya sa singit. Napa-peace sign tuloy siya rito. Natawa si Karen sabay higop sa binili nitong milk shake.

"At saka hello! Pinasok ka niya rito kahit wala kang training," dagdag ni Eric.

She agreed this time. She's very lucky with her boss Hugh Laurent. But with his son? Nah.

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now