Kabanata 23

1.5K 83 10
                                    

Double

~•~

Laglag ang panga nilang lahat sa naging pahayag ng lalaki. The way his jaw clenched and the visible irritation in his eyes will make anyone tremble in fear.

Bumaling ito kay Karen na napaigtad pa. "Where's the manager?"

Pero hindi na kailangan pang sumagot ng kawawang receptionist dahil naagaw na ang atensyon nila ng papalapit na si Tessa. Halatang tensyonado ito.

"Mr. Laurent! We're surprised by your visit! What can we do for you?" Tessa asked immediately as she approached them. A smile was painted on her lips but cold beads of sweat formed on her forehead. She's as nervous as her subordinates. Pasimple nitong pinunasan ang pawis.

Scott turned to her. "I want to talk to you about something," he said, pagkatapos ay sumulyap sa namumutla nang si Fatima.

Agad tumango si Tessa at saka giniya ang anak ng amo sa kaniyang opisina. Nilingon niya sila Fatima na nabato na sa pwesto bago binalik ang atensyon sa lalaki. Ang mga bodyguard na kasama ni Scott ay kumalat ng pwesto, ang iba'y sumunod sa lalaki habang ang ilan ay nanatili naman sa may entrance.

Natauhan lamang si Fatima nang hampasin ni Eric ang braso niya.

"Aray ko!" reklamo niya at hinilot ang braso.

"Ano 'yon?! Bakit nandito ang anak ni Mr. Hugh Laurent?! At anong mansyon?! Kayo ba?!" histerikal na tanong nito. Sunod-sunod namang tumango si Karen, iyon din ang gustong itanong sa kaniya.

She shook her head. "Hindi! Hindi ko alam kung bakit siya nandito!" Gulat pa rin siya sa mga nangyayari. Bakit bigla na lang itong sumulpot sa hotel at galit sa kaniya? She had no idea at all.

At bakit siya pa ang galit? E siya nga ang dahilan kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko sa mansion!

"Pero ang hot niya! Mas hot pala siya sa personal. Dati sa magazine ko lang siya nakikita!" kinikilig na sabi ni Eric na niyugyog pa siya.

"Hot-headed kamo," bulong niya.

"Bakit siya galit sa'yo, Patty?" Karen asked after a while of silence. Binalingan niya ito.

"Hindi ko rin alam." She sighed.

Sumeryoso na rin si Eric. Naniningkit ang matang tumingin ito sa kaniya. "Galing ka sa mansyon, 'di ba?" She nodded. "Hindi kaya... may ninakaw ka kaya galit sa'yo si Sir?"

Namilog ang mga mata niya. Mabilis siya umiling. "Hindi ko magagawang magnakaw," mariing pahayag niya.

Tinaas ni Eric ang dalawang kamay. "Chill! Alam ko naman iyon! Biro lang," nakangising turan nito.

She jokingly rolled her eyes. "‘Di mo na mababawi ang iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo."

Natawa si Karen sa gilid samantalang naningkit ang mga mata ni Eric. Maya-maya'y hinila nito ang buhok niya. "Alam ko 'yan! Baklang 'to, Sponge Cola fan ako 'no."

"Kasi naman e," she whined, pursing her lips.

"Uh, guys," tawag sa kanila ni Karen. They turned to her. Sinundan nila ang tinitignan nito. Their smiles were immediately wiped off their faces.

Tessa was walking towards them, her face was stoic. Nagtaka sila sa ekspresyon nito. Sa likod nito'y nakasunod si Scott na may sinasabi sa bodyguard nito.

Huminto si Tessa sa tabi ni Fatima at yumuko kaya yumuko rin sila sa binata. "Thank you for paying us a visit, Mr. Laurent."

Si Scott naman ay binigyan siya ng malamig na tingin bago sila lagpasang lahat. Tuloy-tuloy ito sa paglabas ngunit ang ilang bodyguard ay naiwan sa may entrance.

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon