Kabanata 38

2.4K 93 83
                                    

Headlines

~•~

Tulala siya pagpasok sa sasakyan ng amo. Umangat ang tingin niya rito nang umupo ito sa tabi niya. Ngunit agad din siyang yumuko nang makita ang nag-iigting nitong panga.

"There are a lot of things we need to discuss, Fate. The very first is you leaving the house when I clearly told you not to." His voice was stern. Nanatili siyang nakayuko. She knows it's her fault.

Tumango ito sa driver at saka dahan-dahang umusad ang sasakyan. Napalabi na lamang siya. Pero umangat din ang tingin niya rito nang may maalala.

"I thought the conference is five days?" Bigla na lamang kasi itong sumulpot. It was just two days ago when he said there would be a business conference he'd be attending. She forgot the city's name but she's sure it's somewhere in the neighboring countries of England.

Tumalim ang tingin nito sa kaniya. He scoffed. "Good thing I came on time and discovered your tryst with that Bennet." Bakas ang disgusto sa tono nito na para bang napakalaking krimen ang ginawa niya. Nakuyom niya na lamang ang kamao habang pinapakalma ang sarili. He's her boss in the first place. But she didn't know when her patience would last.

Tumagilid ito para harapin siya. Pasimple naman siyang umurong palayo rito. Kulang na lang ay idikit niya ang sarili sa pinto ng kotse.

"Tell me, is that your rendezvous?" Agad siyang napabaling dito. Hindi na niya ininda pa ang pagkakalapit nila dahil mas nangingibabaw sa kaniya ngayon ang gulat. Nang-uuyam itong tumawa. "Really? At Costa Coffee?" he asked as if disgusted by the thought of the coffeehouse. He shrugged his shoulder and leaned back on his seat. "I shouldn't be surprised. Bennet has always been the tasteless, uncouth lad long since. "

Hindi niya na napigilang humarap dito. Masyado na siya nitong iniinsulto! Ano naman ngayon kung nagustuhan siya ni Noah? Oo, hindi siya mayaman pero marangal naman ang ginagawa niya. Wala siyang tinatapakang tao at lalong wala siyang ginawa rito para ganito na lamang siyang insultuhin nito.

"It's because Noah's humble! He is not a rich snob guy lik-" natigil siya sa pagsasalita nang lumingon ito sa kaniya. Marahas siyang lumunok. Muntik na... She almost thrown him an insult right on his face.

Sh*t!

"Like?" naningkit ang mga mata nito nang tanungin siya sa mababang boses.

Ilang beses siyang kumurap bago sumandal muli sa upuan. She cleared her throat as she averted her gaze. "N-nothing. Please don't bad-mouth him, he's a good friend of mine."

"Friend," he repeated mockingly. "Friends don't confess like that, darling."

Hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito. Unang-una, nawindang siya sa tinawag nito sa kaniya. Although she knew Brits love endearment even to strangers, she just didn't see her boss- her strict boss, like that. Pangalawa ay ang pagbalik nito sa alaala ng sinabi sa kaniya kanina ni Noah. Ramdam niya ang pagpula ng kaniyang mga pisngi sa pagkaka-alala noon.

She cleared her throat to hide her smile. "W-well, what's wrong with that? It's not like we aren't single-" Natigilan siya nang may kung anong pindutin ang lalaki at ang kaninang transparent glass wall sa pagitan nila ay naging opaque. Saglit siyang namangha at nakalimutan na ang dapat sabihin.

"Then let me tell you what's wrong with it. Since you already know the way I feel about you, you can't date anyone else."

Pakiramdam niya ay puwede nang lutuan ng pritong itlog ang mukha niya sa sobrang init nito. She didn't know Scott could be this bold. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya dahil sa sinabi nito. Ngunit nangingibabaw roon ang gulat at kalituhan.

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now