Kabanata 4

6.9K 209 1
                                    

Indebted

~•~

Tatlong katok ang nagpabalik sa kaniyang isipan. Kumunot ang noo niya. It's only eight thirty in the morning and yet, may bisita na kaagad?

Patty strode to the door and open it.

"Yes?" kunot-noong tanong niya sa lalaki sa labas, naka three-piece suit ito at nakasalamin.

"May I talk to Ms. Trinidad, please?" pormal na tanong nito.

"Ako po iyon."

Tinignan siya nito sa mata at saka pinilig ang ulo. "I am Attorney Salcedo and I have to discuss an important matter with you."

Nagdalawang isip pa siya kung papapasukin niya ba ito o hindi pero since mukha naman siyang benign kaya pinatuloy niya na rin siya.

Nilakihan niya ang bukas ng pinto at gumilid.

"Pasok po."

Tumango ang lalaki at iginiya naman siya ni Patty sa pangkaraniwan nilang sala.

"Ahm, any drink you want?"

Ang lakas ng loob niyang mag-offer ng refreshments eh ni kape nga wala siya.

Bahagya itong umiling, "A lukewarm water will do."

She almost sighed in relief. Mabuti naman.

Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig para sa lalaki. Pagkabalik niya ay naabutan niya itong nililibot ang tingin sa buong sala.

"Ito na po."

She sat across him. "Ano nga pala ang kailangan nila?"

"Let's get this over with. Your parents were indebted to my boss and he wants the payment immediately."

Her jaw dropped at his frankness. "But it's my parents', sir. I have nothing to do with it."

He shook his head, opposing her stand.

"I'm afraid your parents signed a covenant. Here, that's their signature, right?"

He handed over a three-page document with her parents' signature in it. Kulang na lang ay lumuwa ang mata niya sa gulat, inis at... takot?

It's a freaking million-peso debt contract!

"But, why would they sign a million peso debt?"

"They said it's for their daughter's education, which, I presumed was you."

Tears brimmed her eyes. They did that for my college? But where did the money go?

Naalala niya ang hirap na pinagdaanan makapagtapos lang siya dahil hindi sapat ang sahod ng kaniyang magulang. Nagpakahirap siya gayong may nakalaan naman pala sa pag-aaral niya. Hindi niya maiwasang mainis.

Nanghihinang napasandal siya sa one-seater couch na inuupuan niya. "Pero saan napunta ang pera?"

The man shrugged. "My research said that he used it in gambling for some luck but fate's not on his side. He even lost the money reserved for your education."

Nagsugal si Tatay?

"K-kailan niya inutang ang perang iyon?"

"Four years ago."

Noong panahon na tumigil siya sa pagpasok. Bumalik sa alaala niya ang panahon na narirnig niyang nag-aaway ang magulang niya.

"Bakit mo ginawa iyon, Marvin?!" si Nanay, sumisigaw. Papunta na ako sa kwarto ko nang madaanan ko ang sa kanila.

Mr. BillionaireHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin