Kabanata 28

1.7K 83 17
                                    

Back

~•~

Isang oras pa bago ang flight nila. They have just finished their breakfast and while waiting, she decided to browse the internet. After connecting to the Wi-Fi, she visited her social media account. Natutop niya ang bibig nang makita ang trending. It's Audrey Hudson!

Socialite Dumped by a Billionaire

She clicked the first article with Audrey's picture. Heavens! Nakakaawa ang babae sa sinasabi ng mga tao. Why do people love to laugh on other's grief?

Mayroon pang attached photo noong kalalabas pa lamang ni Audrey sa VIP room na maga ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. The billionaire was not named but the article gave a distinguishable clue! Kahit sino'y malalamang si Scott Laurent iyon. Siya lang naman ang may devilish green eyes. Iyon din ang mga nakalagay sa iba pang articles.

Halu-halo ang comment ng mga tao pero marami ang kumukutya kay Audrey habang walang masyadong masakit na salita ang para kay Scott. There are those who defend the poor socialite but many are saying that she deserves all the hatred.

Bilang babae, masakit marinig ang mga ganoong salitang binabato sa kapwa niya babae. Hindi niya maatim na grabe ang inaabot nito sa mga tao kahit na wala naman talagang alam ang mga ito sa buong pangyayari. And how can women pull down other women? Hindi naman pumatay si Audrey o gumawa ng kahindik-hindik na krimen para husgahan nang grabe! She was dumped and it wasn't even a crime! Sa huli'y siya pa rin ang biktima.

Gusto niya mang magalit sa boss niya, alam niyang hindi naman nito kasalanan ang nangyari. Unless he wrote the article. Isa pa, biktima lang din ito dahil niloko ito ng mga Hudson.

Hay, ang hirap talaga kapag sikat ka.

Ngayon, parang alam na niya ang rason kung bakit sila pupunta sa ibang bansa. Para umiwas sa intriga? Kaya pala kanina pa tinitignan ng mga tao ang boss niya. Hindi na naman bago iyon kaya lang, ngayon kasi medyo agresibo ang mga tao. Parang gustong lumapit. Mabuti na lamang magaling ang bodyguards ni Scott kaya wala ni isang nakalapit sa kanila.

Nasa lounge sila ngayon para sa first-class passengers. Katulad noong una nilang flight pero namamangha pa rin siya sa pagkagara ng lugar. Iba talaga kapag bilyonaryo.

"Where are we going?" tanong niya kalaunan. Tapos na ang boss niya sa kakatawag nito at text ng kung sinu-sino na sigurado naman siyang tungkol lahat sa negosyo. Bored na siya kaya dadaldalin niya na muna ito.

"Brazil," simpleng sagot nito.

Tumango-tango siya. Tama nga siya, iiwasan nito ang mga issue tungkol kay Audrey.

"We're going there for business," he explained out of the blue, emphasizing the last word.

Nagtaka siya. "Huh? Hindi dahil kay Miss Audrey?" she mumbled to herself but it reached his ears.

Kumunot ang noo nito. "This has nothing to do with Audrey," he said. Nanlalaki ang mga mata niyang lumingon dito. Naintindihan niya?! "I heard her name," paliwanag nito na parang nababasa ang isip niya.

"A-ah... Okay, sir," nasabi niya na lang. Iniwas niya ang tingin. Ang tanga lang niya. Baka tanggalin siya nito sa pakikialam niya! She bit her lip.

"There's nothing between me and her."

"Ha?" Napalingon siya rito. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Baka utos iyon, mahirap na. "I mean, pardon, sir?"

Ito naman ang umiwas ng tingin. "Nothing," supladong sagot nito.

Napakamot na lamang siya sa pisngi. Napakahirap talaga nitong i-spell. Parang may buwanang dalaw! Grrr.

Tumayo na ito nang tinawag ang flight nila at iniwan siya sa couch. "Sandali naman!" yamot niyang sabi. Sa haba ng biyas nito, malayo na agad ang narating kahit na katatayo niya pa lamang! Para tuloy siyang tanga na tumatakbo palapit dito. Siya lamang ang tumatakbo! Paano'y ang kasabayan nila ay matatandang businessmen.

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon