Kabanata 36

1.4K 76 22
                                    

Fancy

~•~

"I don't know. I'll probably take a nap," Alisa shrugged.

Binato siya ni Venda ng hawak na knit hat. Natatawang umiwas si Alisa. "You're boring. Helen is inviting us for her birthday." Bumaling ito sa kaniya. "You should come too, Patty."

Ngunit hindi niya napansin ang mga ito at nanatili lamang nakatingin sa tambak ng winter clothes ng magkapatid sa kama. Nagkatinginan ang dalawa nang walang nakuhang sagot sa kaniya.

Alisa, who was sitting on the short dresser, uncrossed her legs. "Patty?" She tried to snap her fingers but the dresser was a little far from the bed. Tumingin ito sa kapatid na tumango naman.

"Patty, hey." Venda reached for her from the other side of the bed and poked her on the arm.

Doon lamang siya napapitlag sa gulat. Tumingin siya kay Venda. "Uh, sorry. What were you saying?"

Napa-iling ang dalawa sa kaniya. "Is everything alright? You're spacing out." Si Venda.

She nodded, a little too fast. "I'm fine! I wasn't thinking of anything," mabilis niyang sagot. Of course, her mind doesn't wander off to the ki-

Mabilis siyang umiling at pumikit para iwaksi ang nasa isip. Walang dahilan para isipin niya ang bo- Arrrgh, Fatima! Tumigil ka na! Halos sabunutan niya ang sarili dahil sa frustration.

The two were obviously weirded out by her actions. Mukha siyang sinasapian, sa totoo lang.

"So our friend back home is inviting us for her birthday on Wednesday. Are you coming?"

Nag-angat siya ng tingin at umayos ng upo. She sadly refused. "I'd like to but..." Natigilan siya nang may mapagtanto. Her eyes widened. "What time is it?" she asked frantically.

Nagtataka man, sumagot pa rin si Venda. "Uh, it's quarter to four," sipat nito sa wrist watch.

Nagkukumahog naman na bumaba siya ng kama kaya nagkatinginan ang magkapatid. Then their confused gaze returned to her. "Why? What's wrong?" hindi napigilang itanong ni Alisa.

"We have to leave at five o'clock!" natatarantang sagot niya habang sinusuot ang sapin sa paa.

"Oh, you're leaving," malungkot na turan ni Alisa kaya napatingin siya rito. She sighed. Nilapitan niya ito. Then, she spent the next five minutes bidding her goodbye to the Ivanova sisters. Nagsisi siya bigla dahil hindi niya na magagawang makapagpa-alam sa iba pa nilang kaibigan. Had she only known, she would've spared some time despite her busy thoughts to say her proper farewell to them. Pakiramdam niya tuloy, wala siyang kuwentang kaibigan.

Bagsak ang balikat niyang bibaybay ang hagdan paakyat sa kaniyang kuwarto. Sana ay makita niya ang tatlo bago man lang sila makalabas ng mansyon.

Kaunti lang naman ang liligpitin ko...

Sa isiping iyon, parang nabuhayan siya ng loob. Bibilisan niya na lamang ang pag-aayos ng gamit para may oras pa siyang mapuntahan ang mga kaibigan na nasa iba't ibang panig ng mansyon. Naka-impake na naman na ang karamihan ng gamit niya dala ng naging routine nila sa loob ng isang buwan. Just the essentials were out.

She walked briskly to her room. Malapit na siya sa pinto nang matigilan siya. Sakto kasi ang paglabas ni Scott sa sarili nitong kuwarto. Saglit din itong natigilan nang makita siya. Subalit ilang saglit lang, naging seryoso ang mukha nito.

Awtomatikong huminto ang mga paa niya. Though she didn't want to, looking at him took her back four hours earlier at the same hallway, where a man has been the closest to her than anyone has ever been.

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now