Kabanata 29

1.6K 77 20
                                    

Breathe

~•~

Mabait naman pala talaga ang boss niya. May toyo lang madalas pero alam niyang mabuti itong tao. Napag-isip-isip niya kasi na kung totoo ngang bakasyon nito, hindi ba dapat sa Inglatera ito pupunta? Malamang naroon ang bahay na kinalakihan nito ngunit pumayag itong sa Latvia sila dumiretso.

"You're creeping me out," sabi nito habang nakapikit. Nakasandal ito sa upuan.

They took off minutes ago and she's been smiling since then. She's in a good mood. Hindi siya na-offend sa sinabi nito. Saglit lang namang tinitigan, e. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana at inaliw ang sarili sa mga ulap na nakikita. Hindi niya hahayaang maabot nito ang quota para sa araw na ito.

Halos tatlong oras ang biyahe. Nakatulog kanina ang lalaki at kagigising lang nang mag-ingay nang bahagya ang mga pasaherong pababa. On the other hand, her smile's unfaltering. So is her mood. Hindi siya natulog buong biyahe pero mayroon pa rin siyang energy para ngitian at batiin ang mga bodyguard na sumalubong sa kanila. What are the odds, she just spotted three cuties among them! What if isa sa mga ito ang destiny niya? Didiskarte sana siya kung hindi lang umeksena ang boss niya.

"What are you, a candidate for the upcoming election?" Magkasalubong ang kilay nito nang lingunin siya. His hands were in the pockets of his coat. And oh boy, he looked like a model! He's definitely a headturner. Kahit ang mga kapwa lalaki'y napapalingon dito! Kahit ano yatang ipasuot mo rito, babagay. Nagmukha tuloy may photoshoot sa gitna ng airport!

She beamed. "I'll process my citizenship first, sir."

Umirap ito sa kaniya bago siya talikuran at tuloy-tuloy na naglakad. Iniwan siya! "Biro lang naman," nguso niya. May buwanang dalaw na naman yata ang boss niya. Pikon! "Sandali lang naman!" reklamo niya at tumakbo na palapit dito. Sa bilis ng lakad nito, hindi niya ito masasabayan kung hindi siya tatakbo.

Tumigil ito na pinagpasalamat niya. Tinukod niya ang mga kamay sa tuhod. She's panting. Kailangan niya na talaga ng excercise! "Ang pikon mo naman masyado, sir. Biro lang 'yun!" hinihingal niyang sabi sa amo. Alam niyang wala itong maintindihan pero okay lang. She just wanted to let it out.

He just scoffed at her. Nagpatuloy na sila sa paglalakad palabas ng airport nang mawala na ang hingal niya. Excited na siyang makita ang mga kaibigan. Naging mabilis lang ang biyahe patungo sa mansyon.

She's still as amazed as the first time she arrived in Latvia. The country, especially Old Town Riga, just gives off that historical vibes she fell in love with.

"Welcome back, Young Master."

May nakahilerang maids sa labas ng mansyon, sa pinakaunahan ay si Valdis. Naunang bumaba ang boss niya kaya kita niya ang pagyukod ng mga ito. Sinuyod niya ng tingin ang mga dating katrabaho ngunit hindi niya nakita kahit isa man lang sa mga kaibigan.

Tumikhim ang boss niya kaya napatingin siya rito. Nagsi-angatan din ng tingin ang mga tagasilbi. He was looking at her while impatiently holding the car door. Kaya nagmamadali siyang bumaba sa sasakyan. Dinig niya ang pagsinghap ng mga maid na tutok na tutok sa kanila ang tingin. Even Valdis cleared his throat.

Ramdam niya ang pag-init ng mga pisngi sa naging reaksyon ng mga ito. Mukhang gulat na gulat sila dahil hindi pa siya nasisisante. Napanguso siya sa naisip.

"Come on," sabi ng boss niya at nauna nang lumakad papasok ng mansyon. Nakayuko siya sumunod dito. But she stopped a step away from the main door. She remembered they weren't allowed to pass through this door.

Tinignan niya ang likod ng amo na nasa receiving area na ito, ilang hakbang mula sa main door. He must've noticed she's not tailing him. Kunot-noo itong lumingon sa kaniya. "What are you still standing there?"

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now