Kabanata 9

6.3K 173 6
                                    

Arrival

~•~

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang magising siyang katabi ang pinaka-aroganteng lalaking nakilala niya at isang linggo na rin mula nang gawin siya nitong personal servant (na lalong dumagdag sa trabaho niya).

Ang trabahong ibinigay sa kaniya ay ang fourth floor ng east wing kung nasaan ang kuwarto ng kaniyang Master. Huh. He really pulled the strings to have a grip on her.

Mayroon iyong sampung kuwarto pero may kahati naman siya sa trabaho. Pito sila roon pero ang dapat niya lang daw pagtuonan ng pansin ay ang kuwarto ni Scott na sobrang laki!

Aside from that, she also needs to attend to his demands whenever he's around. Ang maganda raw doon ay hindi masyadong pumupunta roon ang kanilang Master at Young Master dahil madalas daw ang mga ito sa Estados Unidos o kaya ay sa sariling bansa, sa Inglatera.

Ang pinakamatagal na stay daw ng mga ito ay isang linggo lamang kaya bukas ay inaasahan niyang wala na rito ang lalaki.

Kalilinis niya pa lang sa kuwarto ng lalaki ng umagang iyon nang ipatawag ang lahat ng empleyado sa mansyon. Nilagay niya muna ang mga ginamit na panglinis sa kuwarto para sa mga ito. Pagkatapos ay bumaba siya kasabay ng iba pang serbidora. Nakasabay niya si Madeline kaya't iyon muna ang dinaldal niya. Si Madeline pa lang kasi ang kilala niya bukod kay Valdis at sa amo niya.

"Where are we going?" she asked, almost a whisper.

"To the function hall. That is where we usually hold gatherings."

Tumango naman siya. Sa second floor ng west wing sila nagtungo. Sinalubong sila ng dalawang babae. Iyong mga kausap ni Madeline nung nakaraan. Nakangiti ang mga ito sa kaniya.

"Hello. I'm Alisa." Naglahad ng kamay ang isang may nunal sa tuktok ng ilong na blonde. Mas matangkad ito sa kasama niya. Tinanggap niya ang kamay ni Alisa. "Fatima."

She glanced at Madeline who's now sulking. "I'm going now." she bitterly said then left the three of them.

Nagkatinginan ang dalawang katulong habang naguguluhan siyang nakatingin sa mga ito. Maya-maya'y sabay na bumungisngis ang dalawa.

"She's really funny." sabi ni Alisa. Tumango naman ang isa. Nang mapansin siya ng mga ito ay pinagitnaan siya ng mga ito. They clung onto her arms.

"By the way, she is Venda." Kapansin-pansin ang thick accent ng dalawa.

"By any chance, are you Latvians?"

Tumango ang dalawa. "Yes. But we are Russians by blood." Alisa answered. "We are sisters." Venda added.

"But you don't look alike." She wanted to slap herself after processing her question. "I'm sorry if it's too personal-"

Tumawa si Alisa. "No, no. It's okay. We're half sisters. We have different mothers."

Napatango na lang siya. Brunette kasi si Venda at may asul na mata samantalang ang isa ay may tsokolateng mga mata naman.

"You are from?" Venda asked. Mukhang mabait ang mga ito kaya't naging kumportable agad siya sa dalawa.

"Philippines."

"It's in Asia, right?"

"Yes."

Huminto sila sa malaking double doors. Pagkapasok nila ay nanlaki ang mata niya sa nakita. Ang dami pala nila! Nagkalat ang mga katulad niyang nakasuot ng maid uniform at nakikipag-usap sa mga kilala nila pati na ang mga kalalakihan na sa tingin niya'y mga boy helper. May makeshift stage sa unahan at nakita niyang tumuntong doon si Valdis. Hinila naman siya ng dalawa sa gitna kung saan nagtipon lahat. Natahimik ang kaninang maingay na function hall.

Mr. BillionaireWhere stories live. Discover now