Kabanata 27

1.6K 79 19
                                    

Whiskey

~•~

She was silent all the way back to the office. Twenty minutes lang silang nagtagal sa restaurant na iyon. Naintindihan niya na kung bakit pinagmamadali siya ni Esme sa pagkain. Seryoso ang boss nila paglabas nito ng VIP room. Walang nagbalak magsalita sa kanila ng sekretarya.

Isang huling lingon ang ginawad niya sa pinanggalingang restaurant. Lumabas na si Audrey mula sa VIP room ngunit namamaga ang mga mata nito. Umiwas siya ng tingin at nagmamadaling sumunod sa mga kasama.

Scott's mood was gloomy the whole day. Nasa loob lang din ito ng opisina. He's like the CEOs she sees in movies, those strict and cold bosses. Mabuti na rin iyon dahil walang nang-aasar sa kaniya. Ngunit nang lumaon, hindi niya napigilang tanungin si Esme nang matapos siya sa pag-encode ng parte niya.

"He didn't like what the Hudsons did. The deal wouldn't be continued anymore," the secretary answered.

Kumunot ang noo niya. "Are we on the losing end?" she asked.

Esme shook her head. "Not really." Binaba nito ang suot na reading glasses at tinignan siya. "But it's quite a major deal," she whispered. Suminghap siya. Binalik nito ang suot na salamin at muling tumingin sa monitor. "Well, it's their loss." Nagpatuloy na ito sa pag-type.

"Patty!" Umangat ang tingin niya sa babaeng tumawag sa kaniya. Katrabaho niya ito. Nakilala niya kanina, si Emily. Nakangiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya rito.

"Emily," she greeted.

Lumapit an brunette sa lamesa nila. Binati rin nito si Esme. Tumango lamang ang huli at muling binalik ang atensyon sa ginagawa. It must be really urgent.

"Anyway, tomorrow is our off so we're gonna hang out tonight after work," Emily started. "Come join us!"

Nagkatinginan sila ni Esme, parehong natigilan sa mga ginagawa. Well, it's their off tomorrow as well. Wala namang masama kung sasama siya, hindi ba?

Esme sighed before looking at Emily. "I can't tonight. Gotta catch the last flight to Tennessee," tanggi nito.

Tumango-tango siya. Kaya siguro minamadali na nito ang trabaho. Apparently, it's Abigail's birthday tomorrow, Esme's daughter.

"Oh, okay. Send my regards to little Abigail," bati ni Emily. Ganoon din siya. Five years old na pala ang anak nito bukas. Medyo close na sila ng sekretarya pero madalas trabaho lang ang pinag-uusapan nila kaya wala siyang alam sa pamilya nito. Minsan ang boss nila.

Speaking of him, "Uh, I'll ask our boss first." Siyempre magkasama sila sa iisang condo, kailangan niyang magpaalam na hindi siya sasabay rito. Kaya lang, hindi maganda ang mood nito, napakababa ng tsansa niya.

"Great! So, see you later?"

She nodded reluctantly. Tumalikod na si Emily at bumalik sa cubicle nito. Napakamot siya ng ulo. Sana payagan ako.

Tatlong katok ang ginawa niya bago pumasok sa loob ng opisina. Naabutan niyang nag-aayos na ang lalaki. Tapos na ang oras ng trabaho at kanina pa siya naghihintay rito. Kahit nga ang trabaho ni Esme ay tumulong na rin siya. Kaya maagang nakaalis ang sekretarya para humabol sa flight.

Sinuot nito ang coat bago siya tapunan ng tingin. Maingat niyang sinarado ang pinto sa likuran. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang labi. Hindi niya alam pero parang nagdadalawang-isip na siyang magpaalam.

"What?"

She was startled. Napaayos siya ng tayo nang masungit nitong itanong iyon. Nakatayo ito at nakaharap sa glass wall kung saan kita ang maliwanag na ilaw ng Manhattan sa gitna ng madilim na langit. He's busy with his phone.

Mr. Billionaireحيث تعيش القصص. اكتشف الآن