Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens

Start from the beginning
                                    

Lumapit agad si Kat nang naka-alis na si Shay at inakap nya ako bigla. "I'm sorry, Yumi. Dinedma lang kita noong Sunday."

Medyo mahirap kumilos dahil sa nakakabit na dextrose sa kamay ko pero hinimas ko ang likod ni Kat para patahanin na ito. "Wala ka naman kasalanan, Kat. Naiintindihan ko naman. Sorry, hindi ko na-explain sa'yo ng maayos yung nangyari."

Tumingin si Kat sa akin at umiling. "Alam ko naman na wala lang 'yon pero nagalit pa rin ako sa'yo. I'm really sorry."

Naka-akap ako kay Kat at tuloy pa rin sya sa pag-iyak nang may biglang umubo sa likod nya at napatingin kaming lahat dito. "Kat, dude, i-share mo naman si Yumi." Sabi ni Benedict na nakatingin sa amin nang may malaking ngiti sa mukha.

Lumayo si Kat sa akin ng konti para bigyan ng way si Benedict pero hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya. Tumango lang sya sa dalawang tao sa kabilang gilid ko at sinabing, "Nope, hindi saken. We'll have time to catch up later, di ba, Yumi? Sila na muna. Muntik na kasi namin dalin sa psych ward 'yang dalawang 'yan."

Binato ni Claire si Benedict nang isang maliit na kulay green na bola at napatawa lang ito habang umiiwas sya. Tinangay nya si Kat palabas ng kwarto na ako lang ang patient sa loob at iniwan kaming tatlo nila Claire at Nathan.

Kailangan ko na harapin ang mga dapat kong harapin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Cla, Sor --"

Inilagay ni Claire ang kamay nya sa bibig ko at napatigil ako sa opening remarks nang mahaba-habang apology speech na nai-sulat ko ngayon-ngayon lang sa utak ko.

"Mas nasaktan ako dahil hindi ka nagsasabi saken kesa sa idea na kayong dalawa nitong mokong na 'to." Sabi nya sabay dali ng siko nya sa braso ni Nathan. "Na-explain na saken ni Nathan kung ano nangyari and I'm really sorry, Mads. Naging insensitive ako at sinabihan ka ng kung ano-ano."

Gusto ko sana sabihin na wala syang kasalanan, na ako ang mali, pero hindi nya ako pina-isa.

"You're my best friend and I love you more than anything in this world, except, maybe, sa kuya mo." Dugtong nya. Napa-kindat sya sa akin nang sinubukan nyang mag-inject nang humor sa sarili nyang apology speech pero nangingilid ang luha sa mga mata nya at tumulo lang ito nang ginawa nya 'yon. "Importante ka saken, Mads. I'm just really glad na nandito ka para sabihin ko 'yon lahat sa'yo."

Umiling ako nang umiling. "I'm sorry, Cla. Kasalanan ko naman lahat. Sorry talaga."

Pinunasan ni Claire ang magkabila kong pisngi dahil sa di ko na napigilang pagtulo ng mga luha at hinalikan nya ako sa noo. "Okay na 'ko dahil okay ka, Mads."

Lumayo sya sa akin at napabuntong-hininga sya bigla. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya at itatanong ko na sana kung may problema ba at talaga bang okay na kaming dalawa pero hindi nya na 'ko pinagsalita ulit.

"I'll see you later, Mads, kakausapin ko lang si Daddy. I know marami kayong dapat pag-usapan nitong si Nathan kaya sasabihin ko muna sa nurse o doctor na pumasok after five minutes." Hinalikan ako ni Claire sa pisngi bago naglakad papunta sa pinto. "Mag-behave kayong dalawa, okay?"

Lumapit si Nathan at naupo sa kama sa tabi ko. Binigyan nya ako agad ng light kiss sa lips at idinikit ang noo nya sa noo ko bago nagsalita.

"Yumi, I --"

Pinigilan ko sya dahil gusto ko sanang mauna sa page-explain dahil nangangati ang dibdib ko na mailabas ang lahat ng gusto nitong sabihin pero nahumaling na naman ako sa lips nya at hinatak ko ito palapit sa akin. Wala naman protestang hinalikan nya rin ako ulit at naramdaman ko ang fresh set of tears na tumulo na naman sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na andito ako ulit sa moment na 'to. Akala ko hindi na ulit 'to mangyayari.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now