Tip No. 4 - Makipagkaibigan

24.3K 479 45
                                    

Tinanghali ako ng gising. Nagmadali akong maligo at magbihis at imbis na maghintay ng jeep, itinakbo ko na lang ang daan papuntang school ng hindi pa kumakain ng almusal. Mabuti na lang at hindi ako na-late (maaga pa ako ng ten minutes) para sa una kong klase na Environmental Science.

Pagpasok ko sa classroom, nakakapanibago dahil maingay ang mga tao, laking iba sa nadatnan ko kahapon. May mga nagkumpulan sa bandang likod, malapit sa bintana, at malakas ang tawanan nila. Mabibilang lang ang mga taong hindi nakikisali at isa na doon si Shay, ang masasabi kong bago kong kaibigan. Malapit sya sa kung nasaan ang gulo at mukha syang nakakain ng bagay na pinaghalong maasim at mapait habang pinagmamasdan ang mga nasa likod nya.

Naupo ako sa bakanteng silya sa harap ni Shay at pabiro ko syang binati. "Good morning, Shay! Parang ang taray natin ngayon ah."

Si Sharmaine Cruz, o Shay, ay may tipo ng mukha na parang laging seryoso. Nailang ako nang una ko syang kausapin kahapon, habang magkatabi kami sa English, pero nagka-gaanan kami agad ng loob. Kalog sya, mabait at matalino (scholar sya dito sa school). Maganda din si Shay, ma-ala Selena Gomez ang itsura - itim ang buhok, bilugan ang mukha, matangos ang ilong. May mga pagkakapareho din kaming dalawa kaya kami nagkasundo kaagad. Hindi rin sya galing sa mayamang pamilya at hindi pa rin sya nagkaka-boyfriend katulad ko. Gusto daw ng mga magulang nya na mag-concentrate muna sya sa pag-aaral, bago intindihin ang love life. 

Sumimangot si Shay sa akin at tinuro ang mga tao sa likod. "Hay naku, Mayu. Pano ba naman, ang aga-aga, ganyan makikita mo." Sabi nya.

"Ano bang meron?" Ang tanong ko.

"Ayun, HNZ na naman." Nagbuntong-hininga sya. "Mga hindi na nagsawa. Mga tao din naman 'yang mga 'yan, tumatae din. "

Natawa ako sa sinabi nya pero umani iyon ng masasamang tingin mula sa mga taong nasa likod na nakapakinig.

Iyon ang isa pa sa mga gusto ko kay Shay. Sinasabi nya ang nasa isip nya, kahit minsan may pagka-taklesa ang labas nya.

Tumunog na ang bell at isa-isa nang bumalik ang mga nasa likod sa upuan nila. Nagtanong ako kay Shay kung may alam ba syang mapa-part time-an ko habang wala pa ang prof at nalaman na naghahanap din sya. Nag-uusap kami kung saan kami pwede makahanap nang may biglang umupo sa bakanteng silya sa tabi ko at ipinatong ang dalawang kamay sa desk ko.

Feeling ko biglang nalaglag ang puso ko sa tyan ng napatingin ako sa kanya. Iyon na ang epekto ni Nathan Vergara sa akin ngayon.

"Hey, give me your phone." Ang bati nya.

"Wala ako nun." Sagot ko sa kanya. Pinilit ko maging cool at unaffected ang tono ng pananilata ko. Medyo nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa kong pagmumura kahapon at naiinis pa rin sa paratang nya na sira-ulo ako, pero nandun pa rin ang feeling na gusto kong magpasalamat dahil sa nangyari noong isang araw. Kahit gaano kayabang itong taong ito, may naitatago pa rin syang bait. Kahit konti. Siguro. Sana.

Kumunot ang noo nya at tinignan ako na parang tinubuan ako ng maraming ulo bigla.

"Wala kang cell phone?" Tanong nya.

Umiling ako bilang sagot. Sa mundong ginagalawan ni Nathan Vergara, lahat ng tao ay merong cell phone kaya hindi ako nagtataka sa pagkagulat nya. Sa baryo namin sa probinsya, pag may cell phone ka, feeling asensado ka na. Lalo na kung touch screen pa ang phone mo. Ang yaman na nun. Yun lang, mahina ang signal doon kaya kahit may mga gusto magkaroon, hindi na sila bumibili. Sayang lang ang pera at hindi rin naman magagamit ng maayos.

"She's definitely playing with you, bro." Sabi ng isang di ko kilala na naupo sa likod ni Nathan, sa tabi ni Shay. "Everyone has a phone these days. Unless, of course you're from a different time or a dinosaur. They're both kinda cool but which one are you?"

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now