Side Story: A Rock Star's Guide To Getting The Promdi

17.1K 267 15
                                    

Sabay-sabay natin ulitin ang love story ni Yumi at Nate, ngayon naman sa point of view ng gwapong gitarista ng HNZ.

Paki bisita po ang listahan ng mga nagawa kong kwento sa aking profile para mabasa ang A Rock Star's Guide To Getting The Promdi. Sana masuportahan at magustuhan niyo ang side story na ito! Thanks much!

* * * * *

PREVIEW: A SCENE FROM CHAPTER ONE

At first, I thought I was seeing a ghost. Or a fallen angel. Either one, mukhang nandito siya para pahirapan ako.

Nakita ko agad ang resemblance nila mula sa kung saan ako nakatayo sa labas ng condo at nakalimutan ko na lang bigla na huminga. Hindi rin ako nakagalaw. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya bitbit ang isang malaki at mukhang mabigat na bag. Lumilingon-lingon siya sa paligid at she seemed clueless as to where she was.

Move it, Nate. There's nothing to see here. She's not Sam. She's just some weird, random girl who's got nothing to do with you. Sabi ko na lang sa sarili ko.

Pumikit ako at pinilit na pabagalin ang sumobra sa bilis na heartbeat. I needed to snap out of it. May band practice pa ako na pupuntahan at ten minutes na akong late. Wala akong oras para ma-confuse at mag-reminisce dahil, kahit gaano pa ako ka-desperate na mabalik ang noon, hindi na ulit ito mangyayari.

As soon as I opened my eyes, though, nakita ko agad na may huminto na itim na BMW sa tabi niya at nakipag-usap siya sa sketchy-looking driver nito. Para namang may sariling isip ang mga paa ko at dahan-dahan sila na lumapit sa dalawa.

"I'm going there right now, as a matter if fact. Want me to give you a ride?" narinig kong sinabi ng driver.

Lumabas ang isang lust-filled smile sa mukha ng kumag na foreigner pero halata na walang idea ang babaeng inakala kong si Sam sa mga posibleng mangyari. Balak pa kasi niya na sumakay sa kotse nito.

Imbis na clueless, mas tama yata na tawagin siyang bat-shit crazy. Wala naman kasing matinong tao na basta na lang sasama sa hindi nila kilala.

Naglakad na ako nang mabilis hanggang naabutan ko na siya at sinarado ko agad nang malakas ang pinto sa backseat. Nakita ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko na kahit ako, nagulat rin sa nangyari. Ngayon nga lang na kaharap ko na siya, I couldn't stop myself from checking her out.

Up close, napansin ko na she didn't look like Sam that much. May ilang similarities sila katulad ng buhok, ng cheeks at ng manner kung paano niya dalhin ang sarili niya, pero that was it.

And, damn, she's hot. She's shorter than me, halos hanggang balikat ko lang, at medyo payat siya pero she had curves that was starting to drive me nuts. She's really pretty too. Expressive ang mga mata niya at may mga labi siya na gugustuhin kong halikan buong araw.

May pagka-innocent nga lang ang dating niya. Sayang dahil I don't do innocent.

Bigla namang nag-iba ang expression niya habang tinitignan din ako mula mukha hanggang katawan at na-realize ko na lang na mali pala ako sa assumption na wala siyang muwang. Obvious kasi na she liked what she saw dahil sa hint ng desire na lumabas sa mga mata niya.

Shit. Why did I feel so damn stoked that she found me attractive?

Get a grip, Nate. Stop being an idiot. Just get the asshole away from her para makaalis ka na. Pagalit ko sa sarili ko.

I didn't even know this girl and I've just literally met her but she was already making me crazy. Siguro dahil may pagkakahawig sila ni Sam. O dahil natatangahan ako sa pag-attempt niya na sumama sa hindi niya kilala. O dahil the sight of her was giving me a major boner. Alin man ang sagot, I knew I had to get away from her as soon as possible. She's dangerous and I could feel it.

"She's not interested. Get lost."

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now