Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali

16K 332 4
                                    

Naramdaman ko ang malakas na pag-uga ng kama at napadilat ako agad sa pag-aakalang lumilindol. Tumambal sa akin ang gising na gising at overly excited na mga mukha nila Tala at Claire at napabuntong-hininga na lang ako sabay talukbong ulit ng kumot. Hindi ko pa makakaya ang level ng enthusiasm nilang dalawa dahil wala pang pumapasok na kape sa systema ko.

"Hoy, Mayu, gising!" Ang sabi ng kapatid ko habang may humila sa kumot ko palayo sa akin. Hinagip ko ito pero pinagtulungan ako nilang dalawa at tuluyan nang napunta sa kanila ang kumot.

Ano ba yan, pati kumot, hindi rin pwede na akin lang? Inuntog ko ng paulit-ulit ang ulo ko sa headboard nang nasagi ang ganoong thought sa utak ko. Kaaga-aga naman kasi, puro ka-dramahan na agad.

Tinignan ko silang dalawa ng masama pero wala lang itong naging effect. Lumaki pa lalo ang mga ngiti nila at pasigaw akong binati.

"Happy birthday, Mayu!"

"Happy birthday, Mads!"

Sabay nila akong inakap ng mabilisan bago hinagip ang mga nakabalot na kahon mula sa sahig. Hinawi pa nila ang kamay ng isa't-isa at nag-unahan na maibigay ang regalo nila sa akin. Hindi ko na napigilang mapa-smile at kinuha na nang sabay ang mga inaabot nila.

"Buksan mo muna yung saken." Sabi ni Claire.

Tinulak ni Tala si Claire at muntik na ito malaglag sa kama. "Akin muna!"

Gumanti si Claire at itinulak din si Tala nang naka-recover na ito. "Kapatid ka lang, ako ang best friend."

Sabay kong pinunit nang biglaan ang balot ng dalawang box at napatigil agad sila sa pagtatalo. Tinignan nila ako nang may disappointment sa mukha at natawa na lang ako sa ka-cute-an nilang dalawa. "What? Para hindi na kayo magtalo, sabay ko na lang bubuksan."

"Wala man lang feels sa pagbukas, ano ba yan." Pasaring ni Claire pero tinulungan nya na rin akong tanggalin ang wrapper sa parehong regalo.

Hindi ko alam kung bakit pa sila nagtatalo at nag-uunahan samantalang parang pinag-usapan naman nila ang ibibigay sa akin. Itim na knee-high boots na may mataas na takong kasi ang regalo ni Claire at si Tala naman, isang itim at maikling dress na long-sleeve at backless.

Nagkatinginan silang dalawa at bumaling sa akin na may malaking ngiti sa mga mukha. "Isusuot mo sila ngayon."

"Dahil...?"

"Duh. We're going to celebrate your birthday, syempre." Sagot ni Claire.

Napakamot ako ng pisngi at ginulo ang magulo nang buhok. Hay. Sabi ko na nga ba hindi pa ako ready sa kanilang dalawa hangga't wala pa akong naiinom na kape.

"What's that on your hand?" Tanong ni Claire sabay hagip ng kaliwa kong kamay. Napa-ngisi sya sa akin habang tinataasan ako ng kilay. "Kaninong cell phone number yan, ha?"

"Aba, number ng lalake 'yan, no? Kaya ba ang tagal mong nawala kagabi?" Hirit ni Tala.

Hinatak ko ang kamay ko at tinignan ang number. Para tuloy may biglang pumindot ng rewind button at nag-flash sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

* * * * *

Napaupo ako sa semento pagkalabas ko ng gate ng condo. Tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko at hinahabol ko pa ang paghinga dahil sa pagtakbo.

Ano ba itong nagawa ko? Di ba matagal ko ring ginusto na i-define ni Nathaniel ang relasyon namin? Ngayong gusto na nya na gawin akong girlfriend, bakit ako tumakbo palayo? Bakit hindi ko nagawang maniwala na walang nangyari sa kanila ni Jasmine? Bakit ko sya nagawang pagbuhatan ng kamay?

Kung hindi ko ba nakita ang pictures ni Nathaniel at ni Jasmine na super close at masaya at wala si Claire sa eksena at nasabi ni Nathaniel mismo ang words na gusto kong marinig, nandito kaya ako ngayon sa labas ng condo, nakasalampak sa sahig at mukhang baliw at homeless?

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now