Tip No. 14 - Nakakabaliw Ang Sobrang Pag-iisip, Chill Lang Din Minsan

17.3K 342 19
                                    

Naramdaman ko ang mga mata ng mga tao sa paligid na nakasunod sa akin pagpasok ko ng computer room para sa third subject ko. Madali lang sana dedmahin kaso may ilang girls na bukod sa masamang makatitig, nagpaparinig pa. Obvious naman na kahit hindi nila banggitin ang pangalan ko, ako ang puntirya ng mga insulto nila. Nakarinig ako ng 'bitch', 'malandi', 'mang-aagaw', 'slut' pero hindi ko maintindihan kung paano nila nakuhang mang-hamak ng ganito samantalang hindi naman nila ako kilala. Hindi ko sila kinumpronta dahil magiging lugi ako pag pinagtulungan nila ako kaya pinilit ko na lang lunukin ang pagkairita.

Naupo ako sa table sa likod, kung saan apat ang unit na nakahilera pero wala pa kahit isang tao, at binuksan na ang computer sa harap ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kat at naalala ko tuloy si Jenny na na-meet namin kagabi sa practice ng HNZ. Si Jenny na nagke-claim na girlfriend sya ni Jay pero ni hindi alam ni Jay ang pangalan nya. Paano nga kung isa lang pala akong Jenny para kay Nathan?

In fairness naman kay Nathan, sya ang nagbigay ng nickname na 'Yumi' kaya hindi nya makakalimutan ang pangalan ko. Siguro. At, una pa lang, sinabi na nya agad na hindi nya type ang labels kaya alam ko na hindi ko dapat tawagin ang sarili ko na girlfriend nya.

Paano ba ang arrangement na ito, exactly? Hanggang kelan ang probationary period bago nya ako matawag na girlfriend? Kahit hindi ba girlfriend ang tawag nya sa akin ay akin lang sya at wala akong ibang kahati?

Pero paano kung hanggang sa pagiging walang label na ka-relasyon lang pala ako kay Nathan at wala syang balak i-upgrade ako sa girlfriend status kahit kelan? Paano kung hindi pala kami exclusive at may kaagaw ako sa kanya?

Naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko at nakita si Beth kasama ang dalawa nyang kaibigang babae na hindi ko matandaan ang pangalan. Naka cross ang arms nilang tatlo at tinitignan ako na parang isa akong taong grasa. Naligo naman ako.

"So, you're the flavor of the week, huh?" Ang bungad ni Beth.

"Ha?" Na-confuse ako sa remark nya. Flavor of the week? Ano palagay nya sa akin, ice cream?

Nagkatinginan silang tatlo at nginisian ako na parang nangi-insulto ng intelligence.

"Balita ko you're dating Nathan. Is that true?" May tono ng pag-aakusa ang tanong ni Beth.

Tinaasan ko sya ng kilay at sinabing, "It's none of your business."

Ako mismo ay natarayan sa sagot ko. Hindi naman ako salbahe, usually. Dinaanan nya kasi ang topic na sobrang bumabagabag sa akin at hindi ko lang mapigilan ang paglabas ng frustration.

Kulang na lang ay lumabas ang usok sa tenga ni Beth sa galit. Nasagi agad sa isip ko ang mga dapat gawin sakaling bigla nyang hablutin ang buhok ko pero hindi naman nya ginawa. Buti na lang.

"So feeling mo maganda ka na dahil nakuha mo attention ni Nathan? Well, I got news for you, sweetie. Nagustuhan ka lang nya ngayon dahil tingin nya iba ka. You're just like a shiny new toy for him." Ang sabi ni Beth. Napansin nya ang pag-sama ng expression sa mukha ko dahil napalaki ang evil smile sa mukha nya. "You know what happens to shiny new toys pagkatapos paglaruan ng todo? They end up in the dump. Sa itsura mong 'yan, isang buwan lang, magsasawa na sya." Dagdag nya.

Natawa ang dalawa sa magkabila nyang gilid at humirit ang isa, "More like, isang linggo lang."

Napalakas ng husto ang pang-insultong tawa nila at tinalikuran na ako ng dumating na ang prof. Hindi man lang ako naka-react ng pinindot ng isa ang AVR at namatay ang kakabukas lang na computer sa harap ko.

Inisip ko ng inisip ang mga sinabi ni Beth buong period. Alam kong hindi dapat ako nagpapaniwala sa kanya dahil mukhang tagos sa laman ang pagka-bitter ni ate pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Sinearch ko sa Google ang pangalan ni Nathan na may kasamang keyword na 'girlfriend' at maraming pictures at articles ang lumabas tungkol sa mga nahumaling sa kanya. Binasa ko ang ilan sa mga articles at napansin na walang tumatagal higit sa ilang buwan sa mga naging ka-relasyon nya.

Wow. Kung magpalit ng babae, parang nagpapalit lang ng damit.

Pare-pareho silang apat... You're the flavor of the week...

Nag-echo bigla ang mga sinabi ni Kat at Beth at napasubsob na lang ang ulo ko sa table. Maya-maya pa, inuntog ko na ng inuntog ito at natigil lang ng narinig kong may tumatawa na sa tabi ko. Dinerecho ko ang upo at tumitig na sa unahan kung saan nagdi-discuss ang prof, kahit walang nag-register sa utak ko.

Natapos ang klase at nakapagdecide ako na walang sense kung totortahin ko ang utak ko kakaisip. Nalulula lang ako sa mga tanong na padagdag ng padagdag at wala sa kanila ang nasasagot. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay Nathan ang lahat ng worries ko dahil baka tumakbo lang sya palayo. Kailangan ko buuin ang resolve na maging 'cool', kahit front lang, at i-enjoy na lang kung ano ang maibibigay nya.

Paglabas ko ng klase, na-spot-an ko agad ang blue na hair sa may corridor malapit sa stairs na napapalibutan ng ilang girls at nag-spark agad ang selos sa dibdib ko.

Cool ka lang. Cool ka lang. Pinaalalahanan ko ang sarili ko.

Ang 'cool' na tao, ayon sa dictionary ng ma-epal na boses sa isip ko, ay hindi lalapit kay Nathan at papalayasin ang nakapaligid sa kanya na admirers. Ang 'cool' na tao ay dadaan lang na kunwari ay hindi napansin na nandun sya.

Sinimulan kong maglakad papunta sa hagdan at naramdaman ang pag-inarte ng tyan ko kada hakbang palapit sa kanya. Nakaabot ako sa unang baitang at nakaramdam ako ng halong relief at disappointment. Relief dahil napanindigan ko ang pagiging 'cool', disappointment dahil hindi man lang nya ako napansin.

Ang lalim ng hugot ng buntong-hininga ko nang lumingon ako sa kanya.

Ang 'cool' na tao ay hindi babalik doon at magiging bico kung makadikit.

Tumalikod na lang ako at nag-isip ng kakainin ko ng lunch at kung ano ang mga sasabihin mamaya sa interview para sa part-time job. Hindi dapat sumentro at umikot ang mundo ko sa isang Nathan Vergara lang.

Nakarating ako sa unang landing nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita si Nathan pababa ng hagdan. Tumingala ako at nakita ang groupies nya na nandoon pa rin sa may corridor at nakititig sa akin ng masama.

Hay. Iniwasan ko sya para maging 'cool', pero ngayong nasa harap ko na sya, parang hindi ko na kayang gawin.

"I've been waiting for you to come out. Didn't you see me?" Tanong nya.

Umiling na lang ako bilang sagot.

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at pinulupot ang fingers namin sa isa't-isa. Hindi ko naiwasang mapatingin at ma-amaze sa magkahawak naming mga kamay. Parang ang perfect ng fit.

Wait. Hindi ganyan ang pag-iisip ng 'cool' na tao. Erase, erase.

"Magla-lunch ka na?"

Tumango na lang ako dahil nakalimutan na yata bigla ng bibig ko kung pano magsalita.

"It's Ken's birthday today. He's having a party at his place tonight. Wanna come with me?"

Tumingin ako sa mga mata nya at nakita ang expectations dito. Sa totoo lang, ayokong makipag-sosyalan sa circle of friends ni Nathan, kahit nakakasundo ko naman si Benedict na kabanda at kaibigan din nya. Hindi lang sa dahil wala akong damit para sa isang party, para din kasing iba ang level ng mga taong iyon sa usual na kaya kong sakyan o sikmurain. Pero sa itsurang ito ni Nathan na binibigay ang buong attention sa akin, makakatanggi ba ako?

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Okay."

Binigyan nya ako nang pagkatamis-tamis na ngiti bago sinabing, "I'll pick you up sa condo, mga seven para makapag-dinner muna tayo."

Hinalikan nya ako sa lips ng mabilisan bago sya umakyat para sa susunod nyang lesson.

Sinundan ko sya ng tingin (Grabe, pati likod, ang sexy.) hanggang sa nakabalik na sya kung saan naghihintay pa rin ang admirers nya kanina. Halos lahat ay sumunod agad kay Nathan papasok ng computer room, maliban sa isang matangkad na girl na may mahabang buhok na binigyan muna ako ng dirty finger bago umalis.

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Isa akong local na vanilla-flavored ice cream sa hilera ng mga imported at di hamak na mas masarap na flavors. Posible nga siguro na isang linggo lang o isang buwan, mag-hahanap na sya ng iba. Ano ba ang dapat kong gawin para mapigilan 'yon?

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now