Tip No. 24 - Kapag Nabigyan Ka Ng Pagkakataon, Huwag Itong Pakawalan

14.2K 300 5
                                    

"Umalis sya basta, wala man lang sinabi sa'yo?" Tanong sa akin ni Ma'am Alma.

Napalunok ako at tumango na lang sa kanya bilang sagot dahil nagka-crack na ang boses ko at baka bigla na lang ito bumigay at tuluyan na akong humagulgol dito sa loob ng office nya.

Halos dalawang oras na ang nakakaraan nang iniwan ko si Tala sa labas ng studio para samahan si Claire at nilakad na ang papunta dito. Halos mag-iisang oras naman ang nakakaraan simula nang kinuwento ko kay Ma'am Alma ang mga nangyari simula pa noong nakaraang buwan.

Nakita nya kasi akong bihis na bihis pero lugmo ang mga mata kaya dinala nya ako dito sa office nya para kausapin. Hindi ko naman napigilan ang bibig ko nang nagsimula na itong bumukas kaya, imbis na nagta-trabaho, nag-uusap kami ngayon tungkol sa buhay ko.

"I'm sure meron syang magandang explanation bakit nya ginawa 'yon." Ang sabi nya pero kahit sya mukhang hindi convinced.

"Siguro po pero hindi ko na talaga maiwasan na maniwala sa mga sinabi ni Jasmine, lalo na yung kaya lang sya ganito kasi kamukha ko yung first love nya." Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko at pagko-constrict ng lalamunan na para bang may sumasakal sa akin. "Ang tanga ko po kasi mas pinili ko sya kesa kay Cla."

"Hindi naman sa inaaway kita pero naiintindihan ko si Claire. Masakit naman kasi na malaman na ang best friend mo mismo nagba-backstab sa'yo." Mahinahong sinabi ni Ma'am Alma pero para akong sinampal ng paulit-ulit ng mga salita nya. "I bet ganon din pakiramdam ni Kat ngayon kahit na-misunderstand lang nya nangyari."

Napapunas ako ng pisngi dahil may pasaway na luha na biglang nakawala. Hinawakan ako sa tuhod ni Ma'am Alma habang tinignan ako ng puno ng awa ang mga mata. "Ang ibig ko lang naman sabihin, Mayu, normal lang ang away at misunderstandings between friends. Bigyan mo lang sila ng time hanggang maging ready na sila makinig sa'yo then more time pa ulit para ma-process nila mga nangyari. Mas importante naman ang friendship nyo kesa sa boys kaya magkakabati-bati din kayo."

"Si-siguro po may chance na maging okay kami ni Kat pe-pero kami ni Claire? Malabo na po yata." Hindi ko napigilan ang paghikbi habang nagsasalita.

"I'm sure it'll be okay. Hindi man agad-agad pero mapapatawad ka rin nya. Best friends kayo, di ba? Marami na kayong napagdaanan, I'm sure, and malalagpasan nyo rin 'to." May maliit na ngiti si Ma'am Alma na ibinigay sa akin at naramdaman ko ang pag-spark ng maliit na hope sa dibdib ko. Sana nga talaga ganon ang mangyari.

May kumatok bigla sa office ni Ma'am Alma at napapunas agad ako nang mukha at napa-ayos kami nang upo pareho bago nya pinapasok.

"Ma'am, may nag-hahanap po kay Mayu." Nag-aalangang sinabi ng isa kong ka-trabaho na si Angel. Part-timer din sya at ga-graduate na ng nursing ngayong school year. Isa sya sa mga mababait dito sa Alma's Pool Hall pero hindi kami masyadong close.

"Sino daw sya?" Tanong ni Ma'am Alma.

"Si Nathan po, yung taga-HNZ."

Nagkatinginan kami ni Ma'am Alma at mabilis akong napa-iling sa kanya. Hindi pa 'ko ready na makita at makausap sya sa ngayon. "Pwede po bang sabihin sa kanya na hindi ako papasok ngayon, Ma'am?"

Napabuntong-hininga si Ma'am Alma. "Pwede naman basta 'wag nyo na 'ko tawaging 'Ma'am'. Nakakatanda eh. Ate Alma na lang."

Bakas sa mukha ni Angel ang pagtataka habang tinitignan kami pero hindi na sya nagtanong kung ano ang meron. "Ano po sasabihin ko, Ma'am... Ay, Ate Alma?"

"Paki sabi na lang na hindi darating si Mayu today." Sagot ni Ate Alma. Aalis na sana si Angel pero tinawag nya ito ulit. "Wala masyadong tao, Angel?"

"Wala po. Linggo din kasi."

"Closing kayo ni Mayu, di ba? Magsarado na kayo ng nine tapos punta kayo sa TOSH. Magse-celebrate tayo ng birthday ni Mayu."

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now