Tip No. 9 - Humanap Ng Friends Na Sasabihan Kang Baliw, Kung Nababaliw Ka Na Nga

19.7K 410 10
                                    

"Ano, kayo na?" Ang tanong ni Shay sa akin sabay palo ng unan. Nandito kami sa bahay nila Kat para sa isang sleepover at, kagaya ng mga typical na sleepover na napapanood ko sa movies at nababasa sa libro, nagkaroon ng mini pampering session (manicure at pedicure lang naman) at karamihan ng topic ay tungkol sa boys.

Halos araw-araw kami ni Claire magkasama matulog, minsan sa kanila, minsan sa amin, pero hindi nagkakaroon ng makeover. Masyado na rin namin pinag-uusapan ang boys sa umaga kaya hindi na namin madalas sila banggitin sa gabi. Namimiss ko si Claire, lalo na ngayong kailangan ko ng advice tungkol kay Nathan, pero buti at nandito sila Shay at Kat para makinig. Natutuwa ako at may nakilala akong mga kaibigan na tulad nila.

Napabuntong-hininga na lang ako at umiling pero napataas silang dalawa ng kilay sa akin. "Seryoso, hindi kami." Sabi ko sa kanila.

"Ba't kung maka-asta kayong dalawa, parang kayo?" Sabi ni Shay.

Kung ako din ang nasa position nila at nakikita ko ang sarili ko at si Nathan pag magkasama, iisipin ko din kami. Kaso hindi talaga.

Simula noong araw na nagkaayos kami, ilang linggo na rin ang nakakaraan, napaka-sweet at attentive na niya sa akin. Kanina nga lang, kahit walang pasok dahil linggo, pinuntahan nya ako sa condo unit ni Claire para yayain akong mag lunch sa malapit na restaurant. Kung tutuusin, doon din naman sya sa Bonne View nakatira, sa fifteenth floor kami ni Claire samantalang sa eighteenth sya, kaya siguro ako ang inaya nya kahit madami syang ibang friends. Pero laging sya ang taya pag kumakain kami sa labas, at halos araw-araw na ito nangyayari, at hindi nya ko kahit kelan pinaramdam na kailangan ko maglabas ng pera o mahiya pag hindi.

Alam kong mayaman sya pero hindi ko sigurado bakit ako ang napili nyang paglustayan ng kayamanang 'yon. Mukha namang hindi charity case ang turing nya sa akin dahil madalas nya akong hawakan sa kamay o sa pisngi o sa braso at may times na inaakbayan pa pag may pagkakataon. Sa opinion ko lang naman, hindi mo mamanyakin ang isang charity case.

Wine-welcome ko ang mga hawak at akbay nya, actually. Minsan, pa-kunwari pa ako na aksidente ko sya madikitan pero gusto ko lang iparating na gusto ko hawakan nya ko.

I know parang nagiging malandi ako pero pagdating kasi sa kanya, iba ang mga bagay bagay. Hindi ko ma-control ang sarili ko. Minsan, parang lumalabas kung ano ako talaga at hindi yung hindi-makabasag-pinggan-na-si-Mayumi na pagkakakilala sa akin sa probinsya.

Nakatitig sa akin sila Shay at Kat, naghihintay ng sagot. "Hindi ko rin alam. Hindi talaga kami. Hindi namin napapag-usapan yung ganyan." Sabi ko.

Napa-iling si Shay. "Tsk, tsk. Kung ayaw nya i-bring up, ikaw ang gumawa, girl."

"Pero pano kung, halimbawa, sabihin ni Yumi and then he'll start acting differently?" Tanong ni Kat na napakagat ng labi.

Bigla akong napa-upo ng diretso sa kama. Naisip ko na din ang ganong bagay at iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi.

"Panong different?" Tanong ni Shay kay Kat.

"Like, for example, layuan na nya si Yumi." Ang sagot ni Kat. Tumingin sya sa akin at sinabing, "You like him very much, don't you?"

Tumango ako pero naramdaman na masyadong mahina ang salitang 'like' sa lagay ko ngayon. Malakas ang tama ko kay Nathan. Sobrang lakas.

"Aba, kung lalayuan nya si Yumi dahil lang gusto nya malaman kung ano ba talaga sila, isa syang Hudas." Sabi ni Shay. "Hindi ka bagay dun, girl."

Napangiti ako sa kanila, sa aking bagong ever supportive na friends. "Yumi na rin talaga tawag nyo saken?" Tanong ko sa kanila.

Napangiti din silang dalawa sa akin. "Nakakahawa silang dalawa, eh. Saka, malayo ka na naman sa probinsya. Bagong buhay, bagong name." Ang sagot ni Shay.

"At si Nathan pa nagbigay ng new name mo. I think it says a lot, Yumi." Sabi ni Kat.

Napangisi ako sa kanilang dalawa. "Pag binabanggit nya name ko, kinikilig ako, grabe. Kahit pang-asar sya minsan tapos pangalan ko lang yun at may ibang tao naman na tinatawag din ako sa pangalan, pero pagdating sa kanya, iba talaga. Baliw na ba 'ko?"

"Ay oo, girl, baliw ka na nga." Sagot ni Shay habang nakangisi din. "Baliw ka na kay Nathan."

Nagtawanan kaming tatlo. Ganon na nga siguro.

"Shay has a point, though." Ang sabi ni Kat nang napakalma na kaming tatlo. "You have to ask or you won't know."

"At mukhang it's your time to shine." Sabi ni Shay habang inaabot ang nagba-vibrate kong cell phone. Naka-flash sa screen ang cute na cute na picture ni Nathan na nakuha ko noong nagpunta kami ng pangalawang beses sa Intramuros. "Tumatawag na si boyfriend." Ang dagdag nya.

"Hello?"

"Where are you?" Tanong agad ni Nathan.

"Kina Kat." Nakatingin ako kina Shay at Kat habang kausap si Nathan. Kita ko ang expectation sa mga mukha nila.

"I was hoping to catch you at home and take you to my band's practice tonight. Tapos dinner sana tayo after." Sabi ni Nathan. Hindi na yata ako makaka-get over kahit kelan sa ka-sexy-han ng boses nya, phone man o personal. Bagay na bagay sa sobrang hot nyang itsura. "Can I steal you away for a few hours?" Dagdag nya.

"Ano na?" Pabulong na tanong ni Shay. Naghihintay silang dalawa ni Kat na buksan ko kay Nathan ang topic pero busy pa ang utak ko sa pagprocess ng idea na gusto nya ako makasama ulit, kahit magkasama na kami kanina at halos minu-minuto na nitong nagdaang linggo. Gusto ko din sya makasama, syempre naman, pero ito ang unang beses namin gagawin ang sleepover at ayokong isipin nila Shay at Kat na pinagpapalit ko sila.

"Umm... Tatanungin ko sila. Sleepover kasi kami ni Shay dito kina Kat ngayong gabi." Ang sagot ko.

"It's only for a few hours." Sabi ni Nathan. "They should come, too. Para ma-meet na rin ni Kat si Jay." Ang pabiro nyang habol.

Nilayo ko ang phone, tinakpan ang bandang baba at pabulong na sinabi sa kanila ang sinabi ni Nathan. Napatakip ng bibig si Kat at napatingin si Shay sa kanya na may mapanuksong ngiti sa mukha. Tumingin sila sa akin at napatango at ibinalik ko ulit ang phone sa tenga ko para bigyan ng sagot si Nathan.

"Okay, punta kaming tatlo." Tinry kong hindi maging over-excited pero hindi ko mapigilang mapa-smile na malamang narinig nya sa boses ko. Parang nag-melt naman ang puso ko nang marinig ko ang boses nya at na-imagine na naka ngiti rin sya ngayong sandaling ito.

"Cool." Sabi nya. "Should I pick you up?"

Pabulong ko ulit tinanong kila Kat at napagkasunduan namin na pupunta na lang kami sa kung saan sila magpaparactice. Ibinigay ni Nathan ang address at nagmadali kaming mag-ayos. Hindi kami pare-parehong nagme-make up kaya suklay at konting pulbos lang ang nangyari.

Kung nandito ang parents ni Kat, siguro hindi kami makakalabas ngayon para pumunta sa practice ng Heroes Not Zeroes. Siguro isa itong sign; sign na dapat kong kunin ang opportunity na ito para kausapin si Nathan ng masinsinan. Walang mangyayari kung wala akong sisimulan at kelan nga ba ang magandang time kung hindi ang ngayon? Baka mamaya mag-iba pa ang ihip ng hangin, mahirap na.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now