Tip No. 22 - Mahirap Ang Pumili Pero Mas Mahirap Kung Hindi

14.6K 311 20
                                    

Pagkalabas na pagkalabas namin sa studio ay napa-sandal agad ako sa pader at nakulong bigla nang inilagay ni Nathan ang mga kamay nya sa magkabilang gilid sa may mga braso ko. Nakakatunaw ang mga titig nya pero hindi ko rin magawang umiwas ng tingin. Nawala na kasi yata ako sa lalim at ganda ng mga mata nitong gwapong kaharap ko.

"Do you mean it?"

"Alin?" Alam ko naman kung ano ang tinutukoy nya pero sinusubukan ko lang mag-stall dahil hindi pa rin malinaw sa utak ko kung ano ba talaga ang dapat gawin.

"You said you love me. Do you mean it?" Diin nya.

Napalunok ako. "Depende."

Napakunot sya ng noo at mukhang nalilito na. "Ano naman klaseng sagot yan? Depende saan?"

Depende saan? Hindi ko rin alam, eh. Sigurado ako na mahal ko sya pero hindi ko alam kung tama ba na aminin ko ito kahit nasa eksena pa si Claire. Nakakapag-alangan din na baka wala kami sa iisang page at hanggang sa salitang 'like' lang pala ang kaya nyang maibigay. At paano ang mga nangyari noon? Kahit naiintindihan ko na sya ngayon, hindi ko alam kung naka-get over na ba talaga ako sa heartaches na naidulot nya. Pano pag maulit uli ang mga iyon, o mangyari ang mas malala pa, pag sinabi ko sa kanya na mahal ko na nga sya?

Hindi umaalis ang mga mata nya sa akin at hindi ko na napigilan ang daliri ko na pindot-pindutin ang space sa pagitan ng kilay nya para matanggal na ang pagka-kunot nito.

Hinawakan nya ang daliri ko at inilagay ang palad ko sa pisngi nya. Napapikit sya ng ilang segundo at parang nanghina ang tuhod ko sa pinag-halong kilig at saya. May effect din pala ang touch ko sa kanya.

"Answer me, Yumi." Sabi nya. Lumabas sa mga mata ni Nathan, nang dumilat na ito, ang pagkatanggal na naman ng defenses nya at parang hinaluan pa ng konting desperation.

Nag-blangko tuloy bigla ang utak ko. Bakit ko nga ba ulit kailangan pigilan ang sarili ko sa pag-sabi ng feelings ko? Iniisip ko 'yon kani-kanina lang pero parang lumipad na lahat ng na-imbento kong reason kasama ng katiting na katinuan na natitira sa akin. Ah, hindi ko na alam. Basta sigurado ako na, "Mahal kita."

Hinagip nya bigla ang mukha ko at hinalikan na parang wala ng bukas. Napa-slide ang isa nyang kamay pababa sa likod ko at naramdaman ko ang pag-moan nya sa bibig ko nang mahawakan ang exposed na skin doon. Ibinalot ko ang mga braso ko sa leeg nya at sinuklay ng mga daliri ang blue nyang buhok habang patuloy pa rin ang paglalaro ng lips at tongues naming dalawa sa isa't-isa.

Malipas ang ilang segundo (o minuto o oras, hindi ko sure dahil sobrang nawala ako sa halik nya na 'yon), naghiwalay ang mga labi namin at pareho nang hinahabol ang paghinga. Inilayo nya ang mukha nya sa akin ng konti para matignan ako ng mabuti sa mata.

"I love you too, Yumi. I love you so much, it fucking hurts."

Parang nadurog sa million pieces ang puso ko pero para rin itong lumaki bigla at napuno ng laman. Hindi ko sure kung paano nangyari 'yon ng sabay, abnormal na talaga siguro ako, pero ganon ang na-feel ko sa mga sinabi nya.

Naramdaman ko ang biglang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa hindi na napigilang pagtulo ng luha. Pinunasan nya ito at hinalikan ako sa pingi, sa mata at sa noo.

Hinawakan ko sya sa pisngi, naalala ang malakas na sampal na ibinigay ko dito, at sinabing, "Sorry kagabi. Masakit pa ba?"

Umiling sya. "I deserve it." Hinalikan nya ako sa tip ng ilong bago isinandal ang noo nya sa noo ko. "I'm sorry I hurt you, baby."

Mahal nya 'ko at sobrang close namin physically. Bakit ba para na akong nasa heaven ngayon? Namatay na ba 'ko nang hindi ko namamalayan? O nananaginip lang ba ako? Wow, kung panaginip lang 'to, ang taba naman ng utak ko at nakakapag-produce ng mukhang realistic na bagay.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu