Tip No. 25 - Maniwala Na Magiging Okay Din Ang Lahat, Ano Man Ang Mangyari

13.2K 298 11
                                    

"Saan daw po dadalin...? Sa hospital daw ng university... Hindi ko alam... Okay."

Iyon ang mga salitang una kong narinig nang bumalik na ang consciousness ko.

Halata ang pagka-taranta sa tono ng may-ari ng boses at alam kong kilala ko ito pero hindi pa kaya ng utak ko sa kasalukuyan na malaman kung sino sya dahil sa sobrang tindi ng sakit na bumalot bigla sa katawan ko.

Pinilit kong idilat ang mata ko at napansin agad ang mababang bubong kung nasaan ako ngayon. Maliit lang ang space, kita ko sa peripheral view ang magkabilang pader, at nagsu-swing ng bahagya ang lugar. Ambulance. Nasa isang ambulance ako. Buhay pa 'ko.

Agad namang may nagtanong sa akin ng kung ano-anong questions nang napansin nilang nakadilat na ako pero hindi naman ako makasagot nang maayos at ang kaya ko lang ay tumango o umiling at medyo hirap pa ako sa pag-gawa ng mga 'yon.

Nakaramdam ako bigla ng warmth ng may humawak sa kamay ko at nahanap ko na lang bigla ang boses ko sa kagustuhang kumpirmahin kung sya nga ba talaga ang taong gustong-gusto kong makita. "Nate?"

Ang garalgal ng tunog na lumabas at hindi ko alam kung narinig ba nya 'ko dahil may nakaharang na bagay sa bibig ko na nagbibigay ng oxygen. Tinawag ko sya ulit ng mas malakas, at least, tingin ko malakas na 'yon. "Nate?"

"Mas gwapo naman yata 'ko sa Nathan na 'yon." Sabi ng boses. Natawa sya at narinig ko ang konting relief sa tono nya pero ipit pa rin ang boses nito na para bang pinipigilan nyang umiyak.

Ah. Kilala kita. "Jake?"

Umurong sya hanggang nakarating sya sa spot kung saan kita ko na ang mukha nya. Parang tumanda ang itsura ni Jake nang ilang taon at, gustuhin ko man syang lokohin tungkol dito, hindi ko magawa dahil isa ako, malamang, sa reason kung bakit ganito sya ngayon. Binigyan nya ako ng maliit na smile nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya pero bakas ang matinding lungkot sa mga mata nya. Basa-basa pa nga ang pisngi nya at di nya maitatanggi na dahil sa luha ang mga 'yon.

Marami sana akong gustong tanungin. Gusto ko malaman kung ano nangyari kay Angel at sa apat na customer kanina. Gusto ko malaman kung nahuli ba yung tatlong holdaper. Isa-isa ko na sana sila sasabihin pero hindi ako makapag-form ng sentence. Hindi ko kaya.

Naramdaman ko bigla ang pag-bigat ng mga mata ko at pinilit ko silang labanan. Ayokong pumikit ka, eyes. Pano pag hindi na pala kita mabubuksan ulit? Ayoko pang mamatay. Hindi 'yon pwede. Hindi 'yon pwe...

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now