Tip No. 13 - Kung Palagay Mo Hindi Ka Magaling, Mag-practice

18.3K 363 30
                                    

Segundo lang ang tinagal ng lumapat ang malambot na lips ni Nathan sa akin pero parang maraming nangyari sa moment na iyon.

Nakita ko bigla ang isang future kung saan kasama ko sya at ang apat naming anak, dalawang girls at dalawang boys, habang nagta-travel sa iba't-ibang bansa para sa concert tour ng HNZ. Nakita ko rin ang isang magandang bahay na may malaking yard kung saan nilalaro ni Nathan ang mga anak naming sila Samantha, Audrey, Ethan at Andrew habang pinapanood ko lang sila dahil baka biglang lumabas ng wala sa oras ang panlima naming anak na dinadala ko sa tyan kung jo-join pa ako.

Napakagat ako ng labi nang nilayo nya na ng konti ang mukha nya sa akin. Parang na-miss ko agad ang labi nya kahit unang beses ko pa lang iyon natikman. Kumirot ang dibdib ko at napaudlot bigla ang paghinga.

"What's wrong, Yumi?" Tanong ni Nathan na bakas ang concern sa mukha. Nakatitig sya sa akin na parang wala syang ibang nakikita kundi ako lang. Pinadaan nya ang thumb nya sa lower lip ko at hinimas ang pisngi. Napapikit ako at hindi naiwasang sundan ang kamay nya at ilapit ng mabuti ang mukha ko sa palad nya na parang pusa.

Yumuko sya at idinikit ang noo nya sa noo ko. Ramdam ko ang paglabas ng hinga nya at amoy ko ang fruity smell ng pabango o shampoo nya. Nagugulumihanan na ang utak ko sa presence ng gwapong ito at sobrang nagwawala na ang puso ko na parang ready na syang kumawala sa dibdib ko at tumakbo palayo.

"Tell me." Mariin nyang sinabi.

Hindi ko alam kung saan galing yung halusinasyon ko na iyon tungkol sa future pero ngayong pumasok na sya sa isipan ko, hindi ko na matanggal. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Nathan na nao-obsess ako sa idea na makasama sya balang araw bilang asawa ko. Literal na kakasimula pa lang namin, kung ano man itong tawag sa relasyon namin ngayon, at baka bigla na lang nya bawiin ang mga sinabi kanina at tawagin ako ulit na baliw dahil sa pagi-ilusyon ng ganito. Akalain mo at may pangalan na agad ang mga anak namin, wala pa nga kaming ginagawa.

Nag-init bigla ang mukha ko at sa malamang namumula na ito. Kiss pa nga lang mula kay Nathan, ganito na ang effect, paano pa kaya kung yayain nya ako gawin ang ibang bagay. Wala pa akong karanasan sa ganon at mukhang sya ay marami na. Hindi naman ako old-fashioned na naniniwala na kailangan ikasal muna bago makipag-sex pero hindi ko alam kung ready na ako para doon at hindi ko alam kung dapat ko ba i-consider ang posibilidad na mangyari iyon sa aming dalawa samantalang hindi nya manlang ako matawag na girlfriend.

Iniwas ko ang tingin kay Nathan pero di nya pinakawalan ang mukha ko at pilit na pinatingin sa kanya.

"You think I'm moving too fast, ganon ba?" Tanong nya. Di ko napigilan ang sarili ko na panoorin ang labi nya habang nagsasalita. Grabe, ang sexy. Kaya naman lagi syang inaatake ng kiss ni Jasmine pag may chance.

May kumirot na naman sa dibdib ko ng maalala ko si Jasmine pero tinry ko palayasin sya sa isip ko. Moment ko 'to, bawal sya o kahit na sinong naging babae ni Nathan ang um-epal.

Napatingin ako sa mata nya at nakitang naghihintay pa rin sya ng sagot. Nauutal ako at magulo ang isip pero na-manage ko sabihin ang pinakamadaling sagot na maibibigay ko. "First kiss ko." Sabi ko sa kanya.

Napataas sya ng kilay at nagtanong, "Talaga?"

Tumango ako bilang sagot.

"Well, shit." Sabi nya at ako naman ang napataas ng kilay. "I mean, wow. Really?" Dugtong nya.

Kala ba nya experienced ako sa ganitong bagay? Hindi naman sa nagbubuhat ng sarili kong bangko pero medyo popular ako sa probinsya at maraming nanligaw sa akin pero wala kahit isa sa kanila ang naka-isa at nakapagpa-praning sa akin ng ganito. "Kala mo ba marami na 'ko na-kiss?" Tanong ko.

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now