Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens

20.5K 359 29
                                    

Nagising ako sa tunog ng mahinang pagtatawanan at bumungad sa akin, pag-dilat ko, ang puting ceiling, puting walls, puting bed sheet at puting kumot ng hospital. Nasa tabi ko ang sabitan ng dextrose na nakakabit sa akin at ang isang tao na nakasubsob ang ulo sa higaan ko habang payapa itong natutulog.

Baka panaginip lang 'to. Wala na kasi ang matinding sakit na parang kanina lang ay nararamdaman ko at nandito kasi sya sa tabi ko ngayon. O, kung totoo man na nakaligtas talaga ako mula sa mga nangyari, baka lango lang ako sa pain killers at kasalukuyang nagde-delusyon.

Itinaas ko ang kamay ko at ilalagay na sana sa blue nyang buhok kaso napigilan ako dahil sa takot na baka hindi sya totoo.

Matapos ang mga nangyari sa'yo, may panahon ka pa ba para mag-hesitate? Paalala ko sa sarili ko. Kung totoo nga na nasa Earth pa 'ko at buhay na buhay, hindi ko na dapat sayangin ang lahat ng pagkakataon na ibibigay sa akin. Walang kwenta ang hesitations. Walang kwenta ang hindi paniniwala at pagdududa na lang sa lahat ng bagay. Walang kwenta kung papatagalin pa ang mga bagay na dapat ma-aksyunan na ngayon.

Inilapat ko ang kamay ko sa buhok nya at bahagyang sinuklay-suklay ito. Hindi nya inayos ngayon nang patayo-tayo ang maikli na nyang buhok at natuwa ang kamay ko sa pag-himas dahil sa lambot nito. Hindi ito panaginip o illusion, buti na lang.

Maya-maya pa ay inangat na nya ang ulo nya at hinagip ang kamay ko ng dahan-dahan. Nagkatinginan kami at naramdaman ko ang pamumuo nang luha sa mga mata ko dahil sa nakita kong pinag-halong pagod, saya, relief at konting lungkot pero puno nang pagmamahal sa mga mata nya.

"You're awake. Thank God, you're awake. Thank God." Ikinulong nya ang kamay ko sa pagitan ng kanya at hinalik-halikan ang palad ko. Inilagay nya ito sa pisngi nya at naramdaman ko ang biglaang pagka-basa nito nang bahagya.

Hinawi ng daliri ko ang luha nya at pinilit kong umupo pero nagparamdam bigla ang sakit nang pinilit kong gumalaw. May inabot sya sa gilid ng higaan ko at tumaas ito ng konti bago sya bumalik sa akin at tinulungang makaayos ng upo.

"Ilang..." Kinailangan kong i-clear ang lalamunan ko dahil parang may naka-bara dito bago ako nakapag-salita ulit. "Ilang oras na ba 'ko natutulog?"

"Tuesday afternoon na, babe. Dalawang gabi na. Hindi ka pa gumigising since bago ka ma-operahan."

Na-operahan ako? Malamang masakit yun, buti na lang at hindi ko naramdaman. Inilagay ko ang kabila kong kamay sa dibdib kung saan ako sinaksak at nakapa ko mula sa manipis na puting hospital gown ang naka-usling part na sigurado akong wala dati. Kasing haba ng thumb ko ang laki. Binaba ko ang kamay sa may tyan ko at may nakapa ring ganon doon.

Mararamdaman ko kaya kung may nabawas sa mga lamang loob ko? Wala naman akong nafi-feel na kakaiba na para bang may nawala. Sana nga talagang walang nabawas.

May ilang mukha ang nagpakita bigla sa tabi ni Nathan at sa kabilang side ng higaan ko at lalo kong naramdaman ang sobrang pasasalamat na nabigyan ako ng isa pang chance para makita silang lahat ulit. Nawalan na ako ng pakealam kung may nabawas ba na lamang loob sa katawan ko o wala. Ang pinakaimportante kasi, buhay ako ngayon at kasama ko na sila. Marami akong dapat sabihin at gawin at binabalak kong sabihin at gawin ang lahat ng 'yon simula ngayon.

Mahinang sinampal ni Shay ang kanan kong pisngi at sinabing, "Pwede ba, Yumi, 'wag mo na ulit kami takutin ng ganyan?" Napa-punas sya ng mukha bago ako hinalikan sa pisngi kung saan nya 'ko sinampal. "Tatawag lang ako ng doktor. Dyan ka lang."

Namumutla si Shay at mukha syang may sakit din o walang tulog. Nag-aalala ako para sa kanya pero sobrang na-appreciate ko rin na nandito sya ngayon sa tabi ko pagka-mulat ng mata ko. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi rin naman ako makaka-alis kahit gusto ko."

A Promdi's Guide To Self-discovery (A Girl's Guidebook #1)Where stories live. Discover now