Kabanata 6

2.5K 119 9
                                    

Same format- Body(Soul)

------------------------

Kabanata 6

Harriet POV

Laking pasasalamat ko na lang na di naman masyadong nagreact si manager. I mean, parang natural lang sa kanya ang lahat. Salamat na din sa dabest na acting skills ng EXO. Alam ko naman na kilala na nila ang bawat isa kaya di na masyadong mahirap sa kanila ang magpretend. Though, may mga times na talagang nagkakamali pa rin sila. But I understand them, naninibago pa rin sila, pati ako. Pero handa akong samahan sila sa pagsubok na ito.

Ang tanong lang… hanggang kailan kaya?

Hanggang kailan sila mata-trap sa katawan ng ibang tao? May paraan pa ba? In the first place, ano nga ba ang dahilan at nagkarambol-rambol sila? Ang gulo!

Pssssst!

Napalinga-linga ako sa paligid. Nasa seashore nga pala ako, nakaupo at pinagmamasdan ang maliliit na alon ng dagat. Pinagsawalang-bahala ko lang ang unang pagsitsit.

Pssssst!

Woah! Baka tinatawag na ako ng mga kamag-anak kong sirena! Nauubusan na siguro sila ng mga dyosa ng kagandahan sa dagat. Pero wag na, pass na muna ako sa karagatan, mas akma ang kagandahan ko dito sa lupa.

Pssssst!

Nakupo! Baka di na sirena yun, baka shokoy o dugong o kung ano pang lamang dagat ang sumisitsit sa akin. Pumulot ako ng shell na katamtaman ang laki.

Halos mapatayo ako ng biglang may kumaluskos sa gilid ko. Di ko alam, dala siguro ng adrenaline rush o reflexes ay ibinato ko sa banda ng ingay na iyon ang shell.

“OUCH!”

Oh! Sosyal ang siokoy! Umi-english! Kamag-anak siguro sya ni koyang driver. Yung driver namin noon sa mini bus.

Mabilis akong tumayo tsaka dinampot ang isang kahoy na nasilayan ko.

“Sino yan? Magpakita kang impakto ka!” ewan ko ba kung saan ko nakuha ang tapang ko ngayon, pero sana di ko na lang sinabi na magpakita yung monster. Ang eng-eng lang.

Muli ko na naman narinig ang kaluskos. At natitiyak ko na kung nasaan sya, nandoon sya sa madilim na parte at natatakpan ng mataas na halaman.

Achuyui shiwiyuoo siyuwiuooo fuuu

Medyo kinilabutan ako sa narinig ko, parang may bumubulong na ewan. Para syang chant ng isang witch.

Mas lumapit pa ako sa halaman na iyon, medyo gumagalaw ang mga dahon nito. Nandito pa ang monster. Humanda ka sa aking hinayupak ka!

Walang humpay kong pinaghahampas ang halaman, yung tipong lasug-lasog talaga.

“OUCH! THAT HURTS! STOP IT! JEBAAAL!”

Omo! Nagsalita ang monster. Tinigil ko saglit ang pagpalo nagulat na lang ako ng tumambad sa akin si D.O(Lay) na nakaduck na parang may earthquake drill. Don’t tell me!

“Waaah! Jebal! Have mercy on me! Huhuhu!” pagmamakaawa nya sa akin.

Oh no! sya ba yung hinataw ko nitong hawak kong kahoy? Mabilis kong hinagis kung saan ang hawak kong kahoy. Tsaka ko tinulungan si D.O(Lay) na tumayo.

“Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dyan Lay?” sabi ko habang pinupunasan ang braso nya, may mga putik eh. Dahil siguro sa paghampas ko kanina, madumi kasi yung kahoy.

“Eh kakain na tayo, pinatawag ka lang nila sa akin.” Paliwanag nya.

“Ganun naman pala, bakit di mo na lang ako tinawag sa pangalan ko imbes na pa’pssst-psssst’ ka pa dyan. Akala ko tuloy kung anong halimaw ka na.”

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon