Kabanata 9

2.1K 114 17
                                    

Kabanata 9

Chen(Suho) POV

“Damn it! Ano bang nangyayari sa inyo?” sigaw ni chairman sa amin. Nasa conference room kami ngayon ng SmEntertainment. Walang umiimik ni isa sa amin. Mabuti na yung ganito.

Nagpabalik-balik pa sa paglalakad si chairman.

“Uh chairman, baka naistress pa rin sila ngayon. I already reported to you na kagagaling lang nila sa aksidente. Maybe it’s a big factor para maapektuhan ang performance nila.” Malumanay naman na depensa sa amin ni manager.

“I know that Heechul. Given na yan. Pero sinabi mo din na okay na ang lahat, okay na sila. You guarantee it.”

Napabuntong hininga na lang ulit si chairman para mapakalma ang sarili.

“Pinabalik ko kayo dito sa Korea para itaas ang sales ng SMEntertainment, hindi para lalong ibagsak ito. I’m so sorry EXO but the board has decided.”

Naupo muna sya sa swivel chair tsaka pinagsiklop ang kamay.

“Malaki ang ibinaba ng sales natin dahil sa nangyari, nagpull-out ang ibang investors… we have no choice but to give you a temporary termination.”

Ng dahil doon ay napatayo ako, hindi ko na kayang manahimik. Ako ang leader ng EXO at kailangan kong depensahan ang grupo ko.

“Hindi nyo pwedeng gawin ito sa amin chairman, I mean, hindi naman namin kailangang umabot pa sa termination.” Matapang kong sabi na ikinagulat lang ni chairman.

“Chen, huminahon ka. Maupo ka muna para maipaliwanag ko.”

Naikuyom ko na lang ang kamao ko.

“As I said earlier papatawan namin kayo ng temporary termination. At sa span ng termination nyo ay ibabalik namin kayo sa training ground.”

Sa puntong iyon hindi na lang ako ang napatayo dahil sa gulat, maging ang  ibang members ay napatayo na rin at sabay-sabay na naglabas ng kani-kanilang saloobin.

“Pero chairman, kung ibabalik nyo kami as trainees para na rin kaming nagbalik sa umpisa. Back to basics na naman.” Reklamo ni Xiumin(Baekhyun) na nangibabaw ang pagsasalita.

“Yes Xiumin. Back to basic kayo. Sa ipinakita nyong mga performances, sa tingin ko naman iyon ang tamang gawin.” Bwelta naman ni manager.

“Chairman, we can handle ourselves, hindi na--” pagsasalita ni Kai(Kris) pero pinutol agad ni chairman ang sasabihin nya.

“Kung kaya nyo talagang i-handle ang mga sarili ninyo ay sana iyon ang ipinakita nyo sa stage. Pero anong ginawa nyo? Para kayong nasa giyera nung nagperform kayo, imbes na magkaisa ay nagkagulo kayo…”

Dun lang kami natahimik sa sinabi ni chairman, masakit mang tanggapin pero yun nga ang totoo.

“Nag-aagawan kayo ng mga linya sa kanta. Nag-aagawan kayo ng posisyon sa sayaw. Pati sarili nyong parte sa kanta ay nakakalimutan nyo pa. Nahawaan ba kayo ng pagiging makalilimutin ni Lay?”

“Hala, bakit ako?” inosenteng turo ni D.O(Lay) sa sarili nya.

Napapokerface lang si chairman. “D.O hindi ikaw, ang sabi ko ay si Lay.”

“Suho ano ang masasabi mo tungkol dito?” tanong ni chairman.

Muntik pa akong magsalita mabuti na lang at narealize ko agad na ako nga pala si Chen ngayon.

Matagal bago sumagot si Luhan. “Sumasang-ayon ako sa inyo chairman, kung yan ang mas makakabuti para sa grupo ay yun ang sya naming gagawin.”

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon