Kabanata 17

2K 100 10
                                    

Kabanata 17

Harriet POV

Ilang minuto din ang ganoong posisyon namin ni Kai, nakalean lang sya sa balikat ko habang parang estatwa lang ako sa tabi nya. Kahit pigilan ko, di ko pa rin maiwasan ang kiligin. Eh si Chanyeol sya eh, nasa katauhan sya ng bias ko.

Pinagmasdan ko lang ulit ang mukha nya. Ito ang mukhang ng crush ko na pinapantasya ko. Why so pogi? Complete package na sana eh, kaso hindi sya ang tunay na Chanyeol na gusto ko.

Akala ko okay na, pero ramdam ko na may nakatingin sa amin at tama nga ako. Ng bumaling ako sa kabilang side ko ay mariin na nakatitig sa gawi ko si Lay(Chanyeol). Napalunok ako ng sunod-sunod. Hindi naman dapat pero bakit feeling ko, ang awkward.

Di ko natagalan ang tumitig kay Lay(Chanyeol). Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pinto.

“Oh, san pupunta si Chanyeol?” rinig kong tanong ni Luhan(D.O) sa mga kasama nya.

“Baka bibili ng snacks sa cafeteria.” Sumagot naman si Tao(Chen).

“Bibili lang pala, eh bakit badtrip sya? Inaway mo Baek noh!”

“Oy hindi ah.”

Kasalanan to ni Kai!

Gusto ko tuloy ibalibag ang malaking bulas na nasa tabi ko. baka badtrip si Chanyeol dahil nagseselos.

Nagseselos?

Omo! Napangiti ako ng maisip yun. Assuming na kung assuming pero sana nga iyon ang dahilan.

Dahil sa pagkakilig ko ay naramdaman kong medyo bumabaling-baling na ang ulo ni Kai sa balikat ko. Agad kong sinalo ang ulo nya ng muntikan itong malaglag, sa dibdib ko pa naman iyon tatama kung sakali. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na mas sumiksik pa sya sa akin at nasa leeg ko na ang mukha nya. Bagamat nakikiliti ako dulot ng mumunting paghinga nya sa leeg ko ay pinilit ko pa ring ayusin ang sarili ko at isapagwalang bahala iyon.

Naputol lang ang pagpipigil ko ng dumapo ang kamay nya sa kaliwang dibdib ko, at marahang… pinisil iyon! Walangsabi-sabi ko syang itinulak ng buong lakas.

Pati ba naman sa pagtulog, manyak sya?

“Ouch! Anong bang problema mo?” reklamo nya habang sapo ang balikat nya na naunang bumagsak ng itulak ko sya.

“Ikaw! Manyak ka kasi.” I said in a fierce tone.

“Tulog ako Harriet.” Simpleng sagot nya. Inirapan ko lang sya dahil dun. Lumayo ako ng konti sa kanya, baka makachansing na naman, mahirap na.

“Harriet, anong nangyayari dito? Okay ka lang ba?” tanong ni Sehun(Xiumin) ng makalapit sa amin.

Wala naman, okay lang ako.” sagot ko sa kanya.

Nakisali na rin sa amin ang ibang members. Hanggang sa nagkakuwentuhan na. yung 15 minutes na breaktime, naging isang oras na.

Natigil lang ang kwentuhan ng sunduin na ako ng isang staff, ako naman ang magtretraining ngayon.

Nagpaalam na ako isa-isa sa kanila. Maliban kay Chanyeol, na umiwas ng akmang yayakapin ko sya. Nawalan tuloy ako ng gana kaya hindi ko rin niyakap si Kai ng akmang yayakap sya, bagkus inirapan ko lang sya.

~

Kai POV

“Oh bakit parang, Ganado ka ngayon? Kanina lang badtrip ka ah. Lumipat ba kay Chanyeol ang pagkabadtrip mo?” puna sa akin ni Chen hyung.

Napangisi lang ako “Nakascore eh.” Simpleng sagot ko.

Ikaw talaga! Chumansing ka na naman kay Harriet noh?”

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon