Kabanata 8

2K 110 30
                                    

Kabanata 8

Harriet POV

“Hindi pwede manager. K-kailangan namin si Harriet.” Sigaw ni Sehun(Xiumin) mukhang lumalabas ang pagkahyung nya dahil sa autoridad ng boses nya.

Sehun, you’ll survive without her. You will all survive.” Baling nya kay Sehun at sa lahat.

“P-pero manager hindi namin sya pwedeng iwan dito.” Si Lay(Chanyeol) naman ang nagsalita.

Nagtaka naman si manager sa mga sinasabi nila. “Guys. Wait. Why are we arguing about her anyway? Tourist guide nyo lang naman sya that turned out to be our assistant. No more no less. Ano bang problema nyo? Alam nyo ang rules.” Matigas at buo ang boses ni manager. Nagkakainitan na sa usapan kaya hindi ko na napigilan ang tumahimik.

“Sa tingin ko ay tama si manager.”

“No!/Harriet?/Hey!” sabay-sabay na sabi ng EXO magkakaiba man sila ng sinabi pero alam kong iisa lang ang ibig nilang sabihin, yun ay ang pigilan ako sa kung ano man ang hakbang na gagawin ko.

Mariin ko muna silang tinignan at pinahiwatig na pakinggan muna nila ako. Tumango naman si Chen(Suho) at sinenyasan ang mga kagrupo na kumalma at maupo ng maayos, this time ako naman ang tumayo.

“Tama si manager kaya wag na kayong magreklamo. Valid lang sa Pilipinas ang pagiging tourist guide or assistant ko sa inyo. Kaya kung aalis man kayo ng bansa, nararapat lang na hindi ako sumama. Hindi naman ako ganun ka-importante so tama na, hanggang dito na lang…”

Bahagyang huminga muli ako ng malalim uoang makabwelo.

“Game over na. Gaya ng sabi ni manager. Makakaya ninyo kahit wala ako at naniniwala ako dun. Kaya nyo. May tiwala ako sa inyo. Gusto ko lang sanang magpasalamat sa opportunity na binigay ninyo sa akin para makasama kayo kahit saglit na panahon lang.”

Malaking ngiti ang iginawad ko sa kanila, pero nakatago doon ang lungkot na nararamdaman ko. Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko para huwag lang mahulog ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko. Yumuko na lang ako para hindi nila mapansin ang lungkot sa mukha ko.

Napaangat lang ako ng tingin ng tumayo si Chanyeol(Kai) at lumabas sa kwarto tsaka pabalyang sinarado ang pinto. Agad naman syang sinundan ni Luhan(D.O).

Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko at si Chen(Suho) lang pala iyon. Pilit na ngumiti lang sya sa akin habang patuloy na tinatapik ang balikat ko na tila sinasabing okay lang ang lahat.

Paano pa ba magiging okay ang lahat kung hindi ko na sila makakasama?

~

Suho(Luhan) POV

Nakaligpit na lahat ng mga gamit namin at nakalagay na rin ito sa sasakyang gagamitin namin para lumuwas pa-Maynila. Kami na lang ang kulang at aalis na.

Hindi naman dapat namin nararamdaman ito, pero bakit feeling ko ayaw kong umalis. Oo gusto kong bumalik sa SoKor pero pakiramdam ko may kulang.

“Haaaay! Ayokong umalis!” sigaw ni Tao(Chen).

“Oh bakit Chen hyung diba thabi mo mith mo na ang Korea?” usisa sa kanya ni Kris(Sehun). Tinignan naman sya ng masama ni Kai(Kris) na parang sinasabing ‘ayusin-mo-ang-pananalita-mo’ napazip lang ng bibig si Sehun. Nagtago tuloy si Sehun sa likod ko. Imagine? Si Kris ay magtatago sa likod ko este ni Suho eh ang liit ko kumapara sa kanya. Napailing na lang ako sa dalawang iyon.

“Ako lang ba o ayaw ko talaganag iwanan si Harriet.” Malungkot na sabi ni Luhan(D.O). Tumango naman sa kanya si Chanyeol(Kai) na tila sumasangayon sa sinabi nya.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon