Kabanata 29

1.1K 78 19
                                    

Kabanata 29

 

Lay POV

"Yehet! Ekthayted(Excited) na ko mga hyung! Makakabalik na tayo sa dati." Sigaw ni Kris(Sehun).

"Sehun. Ituwid mo yang pagsasalita mo. I swear..." gigil na sabi ni Kai(Kris) hyung kay Kris(Sehun). Si Sehun naman kasi eh, last day na nga ito tapos ayaw nya pang ayusin ang dila nya.

Napaupo kami ng tuwid ng sumulyap si Harriet sa amin, nasa tabi sya ng driver at naka-van kami. Napaka-awkward na kasama namin sya. At ni isa sa amin ay walang naglakas ng loob na magsorry sa kanya.

"Tara na. Naghihintay na sa atin ang crew sa Los Baños, Laguna. Everything is on set. Kayo na lang ang kulang. Ay oo nga pala, I almost forgot." Pagpapaalala ni manager sa amin habang inaayos nya ang laman ng attaché case nya. Tumabi sya kay Harriet kaya napagigitnaan na ngayon si Harriet ng driver at ni manager.

"Sinundo ng assistant ko si manong Sebyo. Sya yung driver nyo dito sa Pilipinas noon. Sya ang nakakaalam ng proseso kung paano kayo makakabalik sa dati. So for now, tayo na lang muna ang babyahe. Dun na tayo magkikita-kita sa Magnetic hill kaya't ihanda nyo na ang sarili nyo..."

Marami pang sinabi si manager pero ang totoo nyan ay nakatutok lang kami kay Harriet.

"Hoy mga kumag. Nakikinig ba kayo? Aba, bakit ba kanina pa kayo nakatitig kay Harriet? Kagabi pa kayo ah." Inis na sabi ni manager pero sa huli ay napangisi din sya ng maalala ang sitwasyon namin kay Harriet.

Sinulyapan nya kami ng may nakakalokong ngiti.

"Uh-ha. I smell something... gross? Anak ng tokwa. Ambaho! Sinong umutot?" nawala ang ngiti ni manager ng may maamoy na di kanais-nais tsaka sya nagtakip ng tenga. Tenga? Bakit tenga? May sapak ata si manager.

"Oh geez! That's a kick ass fart!" iling ni Kai(Kris) hyung habang pinapaypay ang harapan nya na tila pinapaalis ang amoy.

"Diyos ko. Ikamamatay ko ito." Hysterical na sabi ni Suho(Luhan) hyung. hindi na nya alam kung anong itatakip nya sa ilong nya, kung yung jacket ba, o panyo, o yung bag na lang.

"Chen! Umamin ka na!" sigaw ni Xiumin(Baekhyun) na nakatakip na rin ng ilong.

Ako naman ay naglabas ng perfume tsaka ko inispray iyon sa paligid ko. Pero useless lang din. Mas malakas ang pwersa ng utot.

"Hoy! Baekla! Hindi ako yun. Kabisado nyo naman ang utot ko. Hindi iyon ganito. Di hamak na mas MABANGIS ang naaamoy natin ngayon!" sigaw naman ni Chen.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Chen pero hindi ko magawa. Nawawalan na ko ng lakas dahil sa baho.

 "Isa lang ang kilala kong may ganitong amoy ng utot." Sabi naman ni Luhan(D.O). Sabay-sabay kaming napatingin sa iisang taong kilala namin, at tama nga kami ng hinala.

"MANAGER!" sigaw namin.

"Ahaha. Pasensya na. I'm just trying to light up the mood, ya know! Hahaha!" tawa nya. Aaargh!

"Nagmamaang-maangan ka pa kanina. Ikaw pala ang salarin!" turo sa kanya ni Sehun(Xiumin) hyung.

At naging sunod-sunod na ang paninisi namin kay manager.

"Damn! Ibukas nyo ang bintana. I can't take this anymore!" biglang sigaw ni Harriet na syang nagpatahimik sa aming lahat.

Nagmadali naman kaming buksan ang bintana, napakamot ako sa batok. Bakit pati dito? Eh nasa harapan naman sya. May effect ba kung bubuksana ng bintana pati rito? Against yun sa direksyon ng hangin. Haay. I wonder why...

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon