Kabanata 19

2.4K 102 16
                                    

Format BODY(SOUL).
Chapter 19

 

Baekhyun POV

“Pwet ng kabayo, Yeol! Katibay mo naman. Mga galawang Yeolda mo! Idol!” reklamo ni D.O kay Chanyeol.

Nagshrug lang si Chanyeol saka pinagpatuloy ang pagsusulat sa notepad nya. Hobby nya yan minsan, ang magsulat ng kung anu-ano pag free time. On the way na kami papuntang SMent.

Nakakainis! Napaka-PDA ni Chanyeol kay Harriet. Nagseselos ako! Sabi ko na nga ba. Aagawin nya sa akin si Yeol. Ang aking Yoda!

Don’t get me wrong. Di kami talo, it’s just that masyado na kaming naging close ni Chanyeol. He’s like my bestfriend.

“Oh Baek. Kain ka muna ng baozi. Please lang. Alagaan mo naman yang cheeks ko. Namamayat na rin yang katawan ko. Kumain ka. Maawa ka sa katawan ko.” Pangungulit sa akin ni Xiumin hyung.

Aish bakit ba kasi napunta ako sa katawan nya. Responsibilidad ko pa tuloy ang i-maintain ang katabaan nya.

“Oo na hyung.” sabi ko na lang.

Argh. Namimiss ko na naman ang kumanta. Hindi ako nabibigyan ng maraming part sa kanta dahil hindi naman main vocal si Xiumin hyung. At sa lagay ko naman. Medyo bumababa na rin ang rate ko sa singing. Si Tao naman kasi eh. Hindi inaayos ang pagkanta. Nirarap yung mga lines.

Agaw atensyon kami ng makarating sa building. Ganyan lagi. Di na sila nasanay sa presence namin. maski mga staffs, natutulala. I can’t blame them though. We’re awesome.

“Damn. Bakit antagal nyo? Dumating na ang magtuturo sa inyo ng kanta. Kanina pa sya naiinip.” Bungad sa amin ni manager.

Pinagmadali naman nya kami sa paglalakad. Takbo na nga ata ang ginagawa namin. eh bakit ba naman kasi kami nagmamadali?

Di ba dapat sya ang maghintay sa amin. Artist kami. Instructor lang sya. I know, sya ang nagcompose ng carrier single namin at ang iba pang single sa album namin. Pero. Aish. Napakademanding! Kainis.

Ako ang pinakanahuhuli sa amin. Sa music room kami pupunta. Tahimik lang kami ng pumasok. Tinatantya namin kung galit ba talaga yung instructor. Sa bandang likod ako nakaupo. Sa harap yung mga main vocals. Tss, dun ang pwesto ko dati.

Bumaling ang tingin ko sa harapan. May isang babae na nakatalikod. Average lang ang height nya. She has this straight and long dark brown hair na halatang natural. She’s wearing a gray shirt na medyo loose and a fitted ripped jeans plus a converse shoes.

Napakunot lang ang noo ko. Is this the instructor? She doesn’t even look like a professional. Professor pa sya sa Juliards sa lagay na yan. Prestigous music school yun. Pero bakit ganito sya? Biro lang ba sa kanya ito? Parang mamamasyal lang sya sa park. Di ba sya na-inform na EXO ang kahaharapin nya?

Naka-ilang minuto pa kaming nag-antay sa kanya na humarap sa amin. Naiinip na ako, kami. Pinagmadali pa kami tapos ganito pala ang aabutan namin. Tofu. Nag-iiscan lang pala sya ng mga papel na kalaunan ay nililinyahan nya ng highlighter pen.

Di na ko nakatiis kaya nagsalita na ako. Ito ang pakinabang ng pagiging hyung.

“Ehem. Miss. Wala ka bang balak mag-umpisa? Kanina pa kasi kami dito oh.”

Pero walang response mula sa kanya. Nakatalikod pa rin sya sa amin habang nagiiscan ng mga papel.

Nainis ako dahil binalewala nya ako kaya tumayo ako para komprontahin sya. Pero napaatras na ako ng magsalita sya.

“Sit down Xiumin.” simpleng saad nya.

Hindi cold ang boses nya pero napaka ma-awtoridad. Like saying that ‘she’s the boss’. Napansin ko ding may-accent ang pagsasalita nya.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now