Kabanata 33

1.3K 78 15
                                    

Chapter 33

Chanyeol POV

"Oh asan na si Harriet?" biglang tanong ni Lay.

Inikot ko naman ang tingin ko pero wala nga si Harriet. Aish, dapat talaga itali ko na yung babaeng yun sakin. Dapat talaga hindi ko rin sya sinabayan sa trip nyang lumayo.

Alam ko naman, nitong mga araw ay iniiwasan nya ako o kami ni Kai. Nagdadalawang-isip siguro sya sa aming dalawa. Nakakaselos na nga eh. Buti pa sya may choice, may second option pero ako sya lang. Sya lang naman lagi eh.

"Naku! Kasama yun ni Kai malamang. Haha nag bang bang na sila sa banyo! Hala ka!" Chen teases me. Napairap na lang ako sa kanya.

Sinundan naman iyon ng pang-aasar ni Tao. "Haha oo nga hyung! Kilala mo naman si Kai, malakas ang kamandag nun sa chicks!"

Napa-snap bigla si Luhan hyung. "Naku ginigilingan na yun ni Kai! Puntahan mo na!"

"Oo, baka natuklaw na yun ni Kai! Sige ka, sundan mo na sila. Pigilan mo!"

Isa pa tong si Suho hyung eh. Tsk. Bakit ba ang hilig nilang mang-asar. Kinakabahan tuloy ako. Baka nga hinaharass na ni Kai si Harriet. Hindi pa naman katiwa-tiwala yung itsura ni Kai, parang anytime pwedeng mang-rape.

"Hahaha. Ang pangit mo hyung!"

Pinanlisikan ko ng mata si Sehun. Wala talaga syang matinong masabi. Nagcoat na lang ako tsaka lumabas. Kainis ang EXO. Sinimulan kong magtingin sa mga restroom.

Hahanapin ko si Harriet. Wag na si Kai, mahirap hanapin yun. Madilim pa naman, camouflage sya sa dilim eh. Kakulay nya kasi.

Naku, dapat pala nagdala ako ng shotgun. Para kapag naabutan ko sila sa karumaldumal na posisyon, barilin ko na agad si Kai.

Aish, asan ba sila? Bababa na sana ako ng may marinig akong parang naguusap sa di kalayuan. Sinundan ko ang tinig na iyon hanggang sa medyo lumalakas na ito at malinaw na ang mga sinasabi nila.

Napagtanto ko agad na si Kai at Harriet iyon. Lalo ko iyong makumpirma ng makita ko sila sa may balcony. Nagtago ako sa isang sulok, pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.

"It's okay Harriet. Alam ko, noon pa man. Sumugal lang talaga ako dahil akala ko may chance. Pero alam ko naman ang katotohanan that I'm fighting for a loosing battle. Walang pag-asa."

"Sorry talaga Kai."

"Kayo na ba?"

"Hala hindi ah. Wala, walang kami. Mukhang di na nga mangyayari yun eh. Aalis na ko. Aish, bahala na siguro."

"Okay, so pwede na ba kitang halikan?"

Maging ako ay napasinghap ng sabihin iyon ni Kai. How dare him! Malilintikan talaga itong negro na to mamaya. Lihim akong nagdadasal na huwag sana iyong hayaan ni Harriet na mangyari.

"ANO?"

"Kaya ko tinananong kung kayo na ni hyung para ihanda ang sarili ko dahil kung sakaling hahalikan kita ngayon atleast prepared na akong masuntok ni hyung. Pero dahil hindi naman pala kayo, di na ko magiguilty kung hahalikan kita. Wala namang may karapatang magalit eh. Tsaka, pambawi mo na yun. You just broke my heart. I believe deserve ko naman yun, kahit isang halik lang."

Napangisi na lang ako sa sinabi ni Kai. Tagos yung sinabi nya eh. Kaya pala ang lakas ng loob nya. Totoo naman eh, wala naman akong karapatan na magalit. Sinilip ko sila ng konti.

"Ayoko nga. Hindi porket wala akong boyfri-"

"Just.one.last.first.kiss."

Inalis ko ang tingin ko sa kanila ng akmang lalapit na si Kai sa kanya. Ayoko. Ayaw kong makita. Yun pa nga lang na makita syang may kasamang iba, kahit pa kamember ko, ay pinagseselosan ko na. Ito pa kayang may humalik sa kanya?

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon