Epilogue

1.6K 121 44
                                    

Waaaah! Last na ituuu! Babyee. Please pa-vote naman at comment hehe.

—————————-

Epilogue

 

"CUT! Okay. Break muna. 15 minutes!" Anunsyo ng director.

Katatapos lang ng 8th scene para sa Episode 10 ng EXO NEXT DOOR. Yes, it's been 2 months ng makabalik ako dito. Sinimulan agad namin ang taping ng series. Nakaka-excite. Bagong-bago sa akin ang pag-arte. Pero parang wala naman akong pinagkaiba sa character ko. Baliw pa din, minus nga lang yung pagka-slow haha.

Iginiya agad ako ni Michelle papunta sa upuan ko. Napalibutan agad ako ng mga make-up artist. Ang iba ay pinunasan pa ang pawis ko, tutok na nga ako sa fan eh. Pero parang mas lalo akong hindi makahinga dahil andaming nakapalibot sa akin.

"Water." Alok sa akin ni Chanyeol, nagsi-alisan naman sila at iniwan kami. Ngumiti lang saakin si manager Michelle. Siya na ang manager ko. Nasa mid-30's na siguro sya. Mabait naman sya at nagkakasundo talaga kami.

Nakangiting tinanggap ko ang isang bote ng mineral water mula kay

Yeol. Humila naman sya ng isa pang upuan tsaka tumabi sa akin. Katulad ng lagi nyang ginagawa, kukunin nya ang kamay ko saka ima-massage ang palad ko. Habit nya yan. Ayos na rin sakin yun, narerelax din ang kamay ko. At the same time, natetense ako. Ikaw ba naman ang hawakan ni Chanyeol sa kamay! Hindi ka ba mate-tense?

"May kissing scene daw mamaya. Horhorhor!" nakangising sabi nya.

Ayan na naman ang derp nya at ang nakakakilabot na pagtawa. Feeling ko talaga napossess na itong si Yeol.

Bakit ganun? Nakaalis na si Kai sa katawan nya, nakabalik na si Chanyeol sa sarili nya. Pero bakit parang naiwan yung kamanyakan ni Kai sa katawan nya? I wonder why.

"Horhorhor! On second thought. Wag na lang. Ayokong mawitness ng lahat ang intimate moments nating dalawa. Sa off-cam lang tayo pwedeng maghalikan." medyo kumikinang pa ang mga mata nya pagkasabi nun. Ghaad! Nasaan ba si Chanyeol? Ilabas nyo!

"Tigilan mo ko Yeol. Tatabasin ko yang tenga mo. Sige."

Napa-pout naman sya habang tinatakpan ang tenga nya na parang tinatago sa akin. "Ang sama mo talaga, asset ko din kaya ito noh!"

Ang cute ng BOYFRIEND KO! Nyemas! Caps lock yan para ma-inggit kayo ng todo-todo!

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya tsaka pinanggigilan ko ito. Kainis, ang lambot ng pisngi nya. Parang di lalake. Ilang sandali pa ay gumanti na sya. Kinurot na din nya ang magkabilang pisngi ko. Para kaming mga babies na nag-lalambingan haha.

"Hey. Lovers! Tara sa dressing room. Nag-order ng pizza si Suho hyung." tawag sa amin ni Kai.

"Tss. Buset talaga yang negro na yan. Panira ng moves. Sa susunod talaga, paiinumin ko na yan ng milk tea na may cyanide!" bulong nya. Natawa na lang ako. Ang laki kasi ng inis nya kay Kai. Haha.

Magkahawak-kamay naming tinungo ang dressing room nila. Isa iyon sa mga kwarto sa bahay na pinagshu-shootingan namin.

"Ang tagal nyo. Muntik ng maubos ni hyung lahat." Tukoy ni D.O kay Xiumin na may hawak na pizza slice sa magkabilang kamay.

Paikot kaming nakaupo sa sahig. Parang may bonfire lang. Nagkakwentuhan lang kami sa pangunguna ni Chen. Hindi sya nawawalan ng kwento eh.

"Let's play a game guys." Anunsyo ni Luhan. Napunta naman sa kanya ang mga atensyon namin.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon