Kabanata 22

1.7K 97 22
                                    

Chapter 22

 

Sehun POV

"Hoy Sehunna! Nagmamarathon ka na naman sa panunuod! Pare-pareho talaga kayo nila Chen at Baekhyun kung makapag fanboy! Ibalik mo na nga sa E-channel!" sigaw sa akin ni Suho(Luhan) hyung.

Kainis naman si hyung oh. Nag-eenjoy pa lang ako sa panunuod sa Sports channel, ipapalipat na naman. Badminton game lang naman pinapanuod ko eh. Yung crush ko kasing athlete ang lumalaban.

Miranda Kerr would always be my favorite, but she will always be the only one I cherished.

I'm talking about the hottest athlete in town fellas and her name is Patricia Gangan. She has a Korean and British blood but despite of having a foreign race, she chose to be an athlete representing the country of South Korea. Her humbleness got my attention. Bonus na lang siguro ang good physical appearance.

Lagi ko syang napapanuod sa mga sports channel, lalo na tuwing Olympics. Sobrang galing ng performance nya sa laban.

"Sehunnaaaa!"

"Aray naman hyung! Bakit ba thumithigaw ka? Ang thakit tha tenga." Sabi ko habang tinatakpan ang kaliwang tenga ko. Paano ba naman, tutok na tutok yung bibig ni Luhan hyung sa tenga ko nung sumigaw sya. Pasalamat sya mahal ko sya. Favorite hyung ko kasi si Luhan hyung.

Pag nabasag ang eardrums ko, kasalanan nya. Ay oo nga pala, eardrums pala ni Kris hyung to. Haha, lagot sya kay Kris hyung!

"Tara na guys!" si Tao(Chen) hyung ang sumigaw. Hyper na naman sya.

"Sehun, ikaw na lang ang hindi pa nakagayak. Dalian mo." Paalala sa akin ni Chen(Suho) hyung. Tinignan ko naman sila, oo nga ako na lang ang hindi pa nakaayos. Masyado kasi akong nadala sa panunuod eh.

Nagmadali na akong magbihis, simpleng printed shirt lang at jeans. Ayos na to, nadadala naman sa mukha eh haha.

"Oy diba ngayon ang official debut ni Harriet. Hala, di tayo nakapunta!" sigaw ni Lay hyung nung nasa van na kaming lahat.

"Hindi talaga tayo makakapunta Lay dahil hindi tayo pinayagan ni manager na lumabas, bawal pa daw tayong umexpose sa public, utos ng CEO." Paliwanag naman ni Suho hyung.

"Panuorin na lang natin sa TV. Nakabroadcast naman yun." Komento naman ni D.O hyung.

Tumango-tango naman ang iba. Ng makarating kami sa SMBuilding ay tumuloy na sila sa practice room namin, ako naman ay nagpaalam muna kay Suho hyung na bibili muna ako ng Bubble tea. Nakaface mask naman ako tsaka sombrero at shades idagdag pa ang makapal na jacket. Di naman siguro ako dudumugin ng fans. Baka nga layuan pa nila ako dahil mukha akong takas sa preso. Tagong-tago eh.

Ilang minuto din ang itinagal ko sa bubble tea shop, dalawa kasi yung binili ko. yung isa iinumin ko na ngayon, yung isa naman ay para mamaya. Katamad ng bumalik para bumili eh.

"Oh, wag kayong magaaway. Sipain nyo ang bola, wag kayong gagamit ng kamay. Yan, sipain mo papunta sa goal" Malumanay na sabi ng isang babae. Hinanap ko ang boses na pinanggagalingan niyon at nakita ko din naman agad iyon.

May babaeng nagtuturo ng soccer sa mga batang palaboy. Medyo boyish ang dating nung babae. Loose shirt at crotched pants tapos nakabullcap pa. Ah boyish nga.

"Hyungnim, pasipa ng bola." Sigaw ng isang bata sa akin. napadako naman ang tingin ko sa baba, nasa harap ko pala ang bola.

Natuwa naman ako, kaya imbis na sipain iyon pabalik ay pinulot ko iyon at naglakad papunta sa kanila.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon