Kabanata 26

1.1K 80 6
                                    

Chapter 26

 

Harriet POV

"Tahan na Harriet. Tama lang ang ginawa mo. Wag kang ma-guilty. Para din naman sa kanila yun eh." Kanina pa ako pinapatahan ni Jenny pero hindi ako nakikinig sa kanya. Pagkaalis ng EXO ay dumating naman si manager Dreya. Pinaalalahanan nya ako sa mga dapat kong gawin. Umalis na din sya after dinner at ito, dumating si Jenny para damayan ako.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Tagos.

"Malapit na Harriet. Konting tiis na lang. Matatapos din to."

Sana nga matapos na. Damn. Ang kaso, baka wala na talaga akong balikan pagkatapos ng lahat.

Nakakaguilty eh. Ako yung malakas ang loob na sabihing tutulungan ko sila tapos ako pa yung nang-iwan. Deserve ko talaga tong nararamdaman ko. Kulang pa nga eh. Tama lang na masaktan ako. They cared for me but I pushed them away. Dahil kailangan.

Hindi ako nakatulog that night. At pinagsisisihan ko iyon dahil sobrang laki na ng eyebags ko ngayon, presscon ko pa naman. Hindi na nga maitago ng make-up ang pagkastress ng mukha ko, kaya nagshades na lang ako.

Ayon sa management, mas mabuti nga daw na makita ako ng mga tao na naghihirap, that I've been through hell para mapunta sa akin ang simpatya nila. Napakuyom na lang ang kamay ko. Para bang wala silang pakialam sa nararamdaman ko at mas pipiliin pa nila ang reaksyon ng mga tao.

Seriously, presscon ko ito pero wala akong karapatan na magbigay ng depensa ko para sa sarili ko. Ang management na rin kasi ang nagbigay ng statement na sasabihin sa press, at si manager Dreya pa ang magbabasa nun. Ni hindi ko nga alam kung ano ang nilagay nilang statement dun. Hindi naman daw kasi kailangan ang opinion ko. Really?

Huminga lang ako ng malalim. Presence ko lang naman ang kailangan sa presscon. Wala naman akong karapatan na magsalita.

"I'm sorry Harriet. I didn't know na mangyayari ito sa iyo. Hindi pa inaabot sa akin ang statement. Maybe sa conference na mismo ibibigay ng management iyon. Sana, kung ano man ang nakalagay dun, wag kang magpaapekto. Karangalan kasi ng company ang inuuna bago ang artist, alam mo yan. Pumirma ka sa kontrata." Mahinahong sambit ni manager. Napabuntong hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako?

Nung tinawag na kami ng director ay tumayo na ako agad. Kaya ko ito. Haharapin ko ang lahat. Kakayanin ko.

"We are here to witness the statement of Eugene and the company according to the alleged issues and controversies." Panimula ng isang SM Entertainment executive.

Tinanguan naman nya si manager Dreya na katabi ko. Binuksan nya ang brown envelop na nasa harapan nya tsaka sinimulang basahin ang nilalaman ng papel. Nandun ang mga sagot sa mga maaaring itanong ng press.

Kamakailan ay nasangkot sa isang aksidente si Eugene. Ano sa tingin nyo ang dahilan ng aksidenteng ito? Gumawa na ba ng hakbang ang kompanya ukol dito?

 "Yes, a certain stage accident happens during Eugene's performance. Nalaglag ang isang debris malapit kay Eugene at tinamaan sya sa braso. The company is already making such legal action at investigation ukol dito."

Ano na ang kalagayan ngayon ni Eugene?

"Eugene is really thankful for those who prayed for her. Minor damages lang ang nangyari sa kanya. Pinapagaling na nya ang napilayan nyang balikat at ilang mga sugat sa katawan. She's still able to perform anytime."

Totoo ba ang paratang kay Eugene tungkol sa pakikipagrelasyon sa dalawang miyembro ng EXO?

"The news was completely a lie. EXO and Eugene are good friends. They're just friends. The company exercise unity sa mga artist, mapa solo man o group. Another thing, Eugene is bound into a contract. Hindi sya pwedeng makipagrelasyon kaninuman sa binigay na palugit ng kompanya."

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon