Kabanata 13

2.2K 110 11
                                    

Kabanata 13

 

Harriet POV

Iginala kong mabuti ang tingin ko sa paligid. Nasa isang park ako, nakalimutan ko na ang pangalan basta isang park ito na hindi masyadong napupuntahan ng mga tao. Dapat na ba akong kabahan dahil dun?

Paano kung sapian ang EXO at mapagtripan nila akong pagsamantalahan?

OMAYGAD! EXO TAKE ME NOOOOW!!! Haha!

“Pssst!”

Natigil ang pag-iimagine ko ng medyo ‘green’ things ng may magsitsit sa di kalayuan. Napalingon ako sa likod ko at may 12 pulubi doon. Mas lalo ata akong kinabahan na may pulubi na malapit sa akin. Yung mga itsura pa naman nila ay yung tipong di ka palalagpasin ng buhay. Mga 5 patong ng damit siguro ang mga gamit nila plus the weird hairdo.

Juskopo! Ang hiling ko lang naman ay gahasain ako ng EXO hindi ng 12 baliw na pulubi.

Teka, 12 ba kanyo?

Unti-unti akong umatras para mapantayan yung 12 pulubi sa likod ko. Pasalamat na lang dahil hindi naman sila gumawa ng kakaibang hakbang.

Napunta rin sa akin ang atensyon nilang lahat. Nilapitan ko naman yung pulubing pinakamalapit sa akin, at sya rin yung pinakamatangkad.

Ineksamin kong mabuti ang itsura nya, I feel pity on him. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya na sya namang ikinagulat nya. Bahagyang pinamulahan din sya ng pisngi kahit halos kalahati lang ang nakikita dahil may takip ang bibig nya.

Aba ang kinis ng mukha ng pulubing ito! Gumagamit kaya sya ng BB cream?

*sniff sniff*

Omo! Apakabango naman nya! Sigurado bang pulubi ito?

Aamuyin ko sana syang muli ng may mang hila sa kanya palayo sa akin.

“I can’t take it anymore. Ang sakit nyo sa matang panuorin.” Sabi ng isa sa lalaking nanghila sabay sinapok ang lalaking kaharap ko kanina. Ganun din ang ginawa ng dalawa pa.

Napatanga lang akong tumingin sa kanila.

“Aray ko hyung! Ang thakit! Tama na! It hurth! Thith ith too mutch!” reklamo nung lalaking inaamoy ko kanina.

Waaah! Bulol! May pulubing bulol!

“Waaah, tama na hyung! Thya naman yung lumapit eh! Jebal!”

“Kunwari ka pa Sehuna! Gustong gusto mo naman!”

 “Sehun?” biglang singit ko sa paguusap nila.

Natigilan naman sila sa pagbabangayan. Nilapitan ko naman agad sila tsaka ko tinanggal yung nakatabing sa mukha nung isa.

At ang tuamambad sa akin ay si Suho(Luhan) na may bigote. Ito ba ang version nya ng pulubing manly?

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makumpirmang sila nga iyon. Muntik pa akong magfreak out, mabuti na lamang ay tinakpan ni Xiumin(Baekhyun) ang bibig ko bago pa aman ako sumigaw.

“Sssshhh! Harriet sumunod ka na lang sa amin. Dun tayo magusap.” Pabulong na sabi ni Chen(Suho).

Tumango naman ako at sinundan lang sila hanggang sa makarating kami sa isang van. Sumakay naman agad kaming lahat.

Tinodo agad nila ang aircon ng makapasok sa loob. Mabuti na lang ay tinted ang bintana kaya walang makakakita sa amin.

“H-hoy! A-anong ginagawa nyo?” kinakabahang tanong ko ng isa-isa nilang hinuhubad ang mga damit nila.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon