Kabanata 30

1.3K 86 20
                                    

Chapter 30

Harriet POV

"W-wala akong masabi. Hindi ko inaasahan na ang manager mo pa mismo ang gagawa ng ganung bagay sayo." Mahinang bulong ni Xiumin(Baekhyun).

"C'mon guys! Magaling lang talaga syang magbalat-kayo. But I knew it. I already saw it coming. She's a certified bitch. She even tried to seduce me. Eer. Buti na lang pala, hindi ko pinatulan." Nakangiwing sabi ni manager Heechul. Alam kong may crush si manager Dreya sa manager ng EXO noon pa lang. Yun lang siguro ang alam kong totoo sa sinabi nya.

Buti pa ang EXO ang swerte nila sa manager, kahit na medyo mahangin ang utak nya.

"Pero ano ang motibo nya?" tanong ni Baekhyun(Tao) na nasa dulong upuan ng van.

"Napagalaman namin na si Dreya Lopez, ay ang stepsister ni Eugene. Ang Eugene na pinalitan ni Harriet. Sya ang unang nagdala ng screenname na Eugene. Her real name is Choi Eun Hye." Panimula ni manager Heechul.

"Matagal ng pangarap ni Eun Hye ang maging artist, at sa tulong ni Dreya na naging voice tutor nya ay nagkaroon siya ng pagasa. Na-admit sya sa SM entertainment. Si Dreya din ang naging manager nya. Binigyan sya ng screenname which is Eugene. Everything is on set para sa debut nya. But then, Harriet came to the picture." Pagpapatuloy ni manager, tumingin pa sya sa akin ng banggitin ang pangalan ko.

"Binigay kay Harriet ang screenname ni Eun Hye. Natanggap naman nya yun, pero na-move ang pagdebut nya on-stage. Siguro, she felt betrayed. Alam nyo naman na ginawang priority ang pag-advertise kay Harriet as Eugene. At gusto sya ng marami dahil magaling sya. Base sa pina-investigate namin, hindi naging maganda ang pagtanggap ni Eun Hye sa balita. Nagkulong sya sa kwarto nya for almost 1 week, without food and drink until one day, they found out na nagpakamatay sya. Naglaslas sya."

"Yun ang dahilan kung bakit wala ng naging balita kay Eun Hye. Syempre, itinago yun ng company. Masisira ang reputasyon ng kompanya kapag kumalat ang balita. Lalo pa at may koneksyon ang pagkamatay nya sa kapabayaan ng kompanya. Si Harriet ang sinisi ni Dreya. Nagpaalam sya sa SM na sya na lang ang maging manager ni Harriet, in return ay hindi na nya sasampahan ng kaso ang kompanya. At boom, manager na sya ni Harriet. All of this, ay para sa paghihiganti nya kay Harriet. Napag-alaman din namin na may record sya sa isang mental health center. She is literally insane, people!"

Ng una kong marinig kay manager Heechul ang kwentong iyon, naawa ako kay Eun Hye. Hindi ko rin masisisi si manager Dreya na maghiganti, pero bakit sa akin? Dapat sa kompanya sya nagreklamo, ano ba naman ang kasalanan ko? Kontrolado lang din naman ako ng kompanya.

"So, anong balak mo sa kanya Harriet?" tanong naman ni Luhan(D.O).

Matagal bago ako nakasagot. "We'll see."

Hindi na nagtanong pa ang EXO sa mga nangyari. Naging tahimik na ang buong byahe namin.

4pm na ng makarating kami sa magnetic hill, kung saan gaganapin ang I dunno ritual? Wala eh, si koyang driver este manong Sebyo ang nakakaalam. Magtiwala na lang.

Naka-ayos na ang lahat ng gagamitin para sa gagawin. Korean ang mga crew members, at may ambulansya din para kapag may nangyaring di inaasahan ay maagapan agad ng first aid at madala agad sila sa hospital.

"Nasabi ko na sa iyo manager kung ano ang dapat gawin. Alam kong maaaring mapahamak sila pero ito lang ang alam kong paraan." Sabi ni manong sebyo, binulungan ko naman si manager para sabihin ang translation ng sinabi ni manong Sebyo. Seriously, dapat ay may bayad ang gawain kong ito.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon