Kabanata 21

1.8K 92 6
                                    

Bakit hanggang ngayon may nalilito pa rin haha. Okay eto po ang format =body(soul) example- Suho(Luhan) si Luhan yung nakaposses kay Suho, or gamit ni Luhan ang katawan ni Suho gets na po?

tsaka si Eugene po ay si Harriet. Screenname ni Harriet ang Eugene. Clear na po ba?

————————————-

Chapter 21

 

Harriet POV

"Baklaaaaaaah!" sigaw ko. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan nya. Sya pala yung naghahanap sakin. Damn, ilang years ko ding di nakita tong babaeng ito.

"Bakla! Grabe, kamusta ka na? Bigtime ka na pala! Aba, halos ayaw akong palapitin sa iyo. High maintenance ang security mo bakla! Ganyan na ba kataas ang level ng mga pornstar na katulad mo?" ambilis nyang magsalita parang nagrarap lang.

-__- and for the nth time. Di ako pornstar!

"Gaga! Artist ako dito, singer-dancer ang peg. Teka nga, paano mo nalaman na nandito ako? Aish, tara nga sa dressing room ko. Dun tayo mag-usap."

Hinawakan ko sya sa braso tsaka hinila papunta sa dressing room ko. Salita lang sya ng salita habang naglalakad. OMO. Nakalimutan ko nga pala.

Presenting, my beri beri close friend .... Samantha Lee. Sam ang tawag ko sa kanya. Actually, childhood friend ko sya na till now ay close ko pa rin. Just like my friend Jenny.

"Baklaah! I kennot! Di ka pa man officially nagdedebut, sikat ka na! Trending ka sa internet gurrrl!" pagopen nya ng topic ng makaupo kami.

Umupo muna ako ng maayos bago sya hinarap. "Talaga? Hindi naman ako lumalabas ah! Tsaka wala naman nakakaalam na new artist ako maliban sa mga staff."

"Balita na sa Pilipinas na magdedebut ka na as an artist! The next Sandara Park nga ang peg mo eh. Wag ka ng magtaka, dahil ang source lang naman ay si Jenny."

-__- di talaga maagkakatiwalaan ng sikreto ang babaeng yun.

Nagkakwentuhan pa kami ng marami, natigil lang iyon ng magset na kami para sa MV, hanggang matapos ang shooting ay nasa dressing room pa rin sya, inaantay ako. May kailangan siguro to.

"Yung totoo Sam. May kailangan ka noh kaya di mo ko tinatantanan?"

Napakamot sya sa kanyang ulo sabay ngiti. Alam na. "Hehe kasi Harriet. Makikituloy muna sana ako sa condo mo. Please."

~

D.O POV

Day off namin ngayon, kaya naman pwede ko ng masolo ang kusina buong magdamag. I miss my sweethearts! Ang mga kitchen utensils ko.

Matapos kong lutuin ang kimchi spaghetti ko ay inihain ko na iyon sa lamesa. Na agad namang nilantakan ng mga kasamahan ko.

"Hyung! Ubos na. Meron pa ba?" hirit ni Baekhyun(Tao).

"Meron pa dun sa Tupperware!" sigaw naman ni Sehun(Xiumin). Aish, ang lakas talaga ng pang-amoy ni Xiu-ge pagdating sa pagkain.

"Ops ops! Bawal yan hyung. Hoy lubayan mo yan Tao! Idadala ko yank ay Harriet. Sa kanya lang yan." Pagbabawal ko sa kanila.

"Andamot mo hyung, konti lang naman eh. Tss."

"Magluto ka kung gusto mo!" irap ko kay Tao.

"Uy, pupuntahan mo si Harriet sa condo nya? Sama ako!" ngiting sabi ni Lay(Chanyeol).

"Ako din." Sigaw ni Chanyeol(Kai). Nagkatinginan naman ang dalawa.

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon