~♥~ Flashbacks (32) ~♥~

Start from the beginning
                                        

'Sa totoo lang gusto konang umalis dito. H-hindi kona k-kaya. Kaso hindi ako makaalis dahil napakaraming bodyguards at nagbabantay dito at sa factory ni dade. Nararamdaman kong mas gagaan ang loob ko kapag nasa labas ako. Sa labas wala ng nananakit at baka makahanap ako ng taong tatanggap at magmamahal sa'kin.'

Halos palibutan ng bodyguards ang bawat sulok ng bahay ni dade. Mula kasi ng araw na mangyari yo'n ay sinigurado na nya na mataas ang seguridad at ligtas ang magiging kapakanan nya sa mga magtatangka.

'Wala syang balak huminto sa trabaho nya.'

Dahan dahan kong isinara ang pinto ng Cr at isinabit ang damit at twalya ko sa likod ng pinto.

p(+_+)q

Tinanggal ko lahat ng damit ko at sinimulan ng maligo. Binuksan ko ang shower at tumingala. Napapikit at dinama ang mga tubig na pumapatak sa mukha ko. Nanlamig ako bigla kaya napahawak ako sa dalawang balikat ko.

**TENDENDENDENDENDENDEN**

<<<<<FlAsHbAcK>>>>>

Wala ako sa ulirat dahil sa nangyari kay kuya Prince.

'Hinintay ko sya pero hindi na sya bumalik. Sabi nya hintayin ko sya pero naghihintay lang naman ako sa wala. H-hindi ako naniniwalang patay na sya.'

Mula ng marinig ko ang bulungan ng mga lalaking 'yon ay natakot na'kong pumunta sa underground ni kuya Prince.

'N-natatakot ako. Natatakot ako na baka totoo nga 'yung s-sinasabi nila. Pero para sa'kin ay babalik sya. Babalik.'

Lumabas ako ng kwarto ko para hanapin si mama. Matagal na nya kasi ako hindi pinupuntahan sa kwarto ko kaya nag-aalala ako sakanya at kung ayos lang ba sya. Ngayon lang kasi pumalya si mama na bisitahin ako sa kwarto ko para dalhan ng pagkain.

'Tyaka nagugutom narin ako. Gusto ko ng pagkain.'

Baka wala naman si dade ngayon dito at busy sa factory nya. Kampante akong lumabas dahil malayo ang factory nya dito. Nasa likod ng bahay namin ang factory at mahigit sampung kilometro ang layo sa bahay namin no'n.

Sumilip ako sa bintana ng sala at nangunot ang noo ko ng makita kong parang nagkakagulo ang mga tauhan ni dade.

(。ŏ_ŏ) Ano kayang nangyayari?

Dahil makulit akong bata at dahil kinain na'ko ng kyuryosidad ko sa nangyayari ay kailangan kong pumunta sa loob ng malaking factory kung saan papunta ang mga tauhan ni dade.

'Hindi naman siguro nila ako mapapansin dahil mukhang nagkakagulo talaga sila.'

Lumabas agad ako ng bahay at naglakad sa gilid at hindi gano'ng nakikitang daan papunta sa factory.

Malaki ang factory at ilang libong kilometro ang laki ng lupang tinatayuan nito. Napatingin ako sa tagong lugar kung saan kami dumadaan ni kuya Prince at nangibabaw nanaman ang lungkot kaya umiwas agad ako ng tingin sa daan na'yon.

'Nagagalit ako na naiiyak. Babalikan pala, ah? N-nasaan kana k-kuya P-prince?'

Masama ang loob kong pumasok sa factory ni dade at nagulat ako ng parang may narinig akong tumatawa.

'Bawal ako rito at mukhang may bisita.'

Narinig ko ang ingay sa opisina ni dade. Luminga ako sa paligi at nakita kong alerto lahat ng bodyguards nya. Hindi 'to gano'ng karamihan pero pwede na para sya'y maprotekrahan. Patuloy patin naman sa pagtratrabaho ang ilan. Mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang kemikal na ginagamit sa paggawa ng baril. May makipot na kaliwang hallway at nando'n ang malaking opsina ni dade sa dulo. Naglakad ako papunta ro'n at palakas ng palakas ang tawa at boses ng nag-uusap.

'Til The Perfect DayWhere stories live. Discover now