Chapter 19

49.4K 1.4K 32
                                    

Chapter 19

Amethyst's POV

"Uy. Alam niyo bang nakita namin kahapon si Prince Key sa DQ na may kayakap kahapon!"

Pagpasok ko ganyan na agad ang narinig ko. Big deal ba ang pagdating ni Rena?Big deal din ba na yakapin niya yung kaibigan niya?

"Really?I thought walang pa siyang girlfriend.Like duh!He's so cold kaya like Miss Amethyst."-pabulong niyang sabi nung babangitin na yung pangalan ko.

Nakakarindi sila. Ang coconyo pa akala mo naman ang ganda pakinggan. Kung ituring pa nila si Hayato akala mo prinsipe.

"Baka sister niya lang.Ano ba kayo? Wala nga yung interes sa babae eh.And duh,kahit kaya cold si Miss Amethyst ang cool niya pa rin.Parehas sila ni Prince Key."

Tch.Pagpasok ko ng room ay lumapit agad si Keith sa akin. Mukha pa siyang balisa at nakakunot ang noo.

"Amethyst, iba yung nakita mo kahapon.Pinsan ko yun si Elle."

Hindi ko maintindihan yung mga sinsabi niya. Bakit ba siya nageexplain? Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siyang bumalik sa upuan niya.
Pumunta na rin ako sa upuan ko at nilapag yung backpack ko sabay labas ng earphones.

"Okay ba tayo,Amethyst?"-tanong niya habang nakaubob at nakaharap sa akin. Sinara ko ang libro ko at diretso pa rin ang tingin.

"Ano bang sinasabi mo,Park?"-tanong ko.

"Bigla ka kasing nainis sa akin.Parang nung isang araw lang friends tayo tapos kahapon sinabi mo sa aking tigilan kita.Tapos kahapon din nung nakita mo kong kasama si Elle parang nainis ka.Ano bang nangyare?"-sabi niya ng nakatingin sa akin.

Napangisi ako at napasandal sa upuan. Grabe. Kung ano ano ang iniisip niya.

"Kung ano ano iniisip mo.At tsaka, kailan pa tayo naging magkaibigan? Tigilan mo na yan."
Umayos na ako ng upo at sinimulang magbasa ulit.

"Napatawa kita, nagkwentuhan tayo, binigyan mo ako ng pagkain at nagshare tayo ng earphones.Hindi ba ginagawa iyon ng magkaibigan?"

"Isang beses lang yun.That's actually nothing."

"Geez.It was–"naputol yung sasabihin niya nang dumating si Mam. Hindi ko napansin na dumating na pala sila Sam. Hindi rin naman nila ako binati dahil busy sila mag-usap.

"Okay Class, may ipapagawa ako sa inyo.This was really simple.You need to tell information about yourself with your seatmate. Isusulat niyo sa one whole sheet of paper ang 15 facts sa kanya.So I will give you time bago ipasa yan. Ipapasa niyo yan pagtapos ng bakasyon niyo.You may start now, kahit saan niyo gusto pumunta ngayong time ko basta magkasama kayo para maidiscuss niyo yan.That's all."-sabi niya at agad na lumabas.

Agad na napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko kung sino ang partner ko. Hindi ko pwede makapartner si Hayato dahil nasa faculty siya. Panigurado ay excuse na siya or may ipapagawa sa kanya si ma'am.

Lumabas na ako ng room para bumili ng nachos,fries at soda.Naramdaman ko naman agad na naksunod sa akin yung isa.
Umakyat ako sa rooftop at umupo doon sa bench na may kasamang natutuping lamesa na maliit. Hindi ko nga alam bakit may ganito dito.

"Wag ka sana magagalit kung lagi ako susunod sayo dahil kailangan nating gawin 'to." sabi niya at ngumiti.
"Tell me something about yourself, Miss Amethyst."

"Im Amethyst Jack Seo."-sabi ko habang nagdidip ng fries sa ketchup. Nanliit naman agad ang mga mata niya.

"That's literal.I mean,tell me about yourself. For example, what is your favorite color?"-tanong niya sabay kamot ng ulo.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin