Chapter 13

69.4K 1.8K 31
                                    

Chapter 13

Amethyst's POV

Habang naglalakad ako sa hallway ay nagtaka ako dahil natanaw ko si Sam na kumakatok pa sa pintuan kahit may buzzer naman.
"Jack?"-paulit-ulit niya sinasabi at tinatapat pa ang tenga sa pinto.

"Sam,bakit ka nandito?"-tanong ko agad naman siyang humarap at napatingin sa dala ko.Bago niya pa kuhanin ay agad ko itong itinago sa likod ko.
"Bumili ka ng iyo.Kahit papaano ay napagod din ako nang harangin ako ng dalawang iyon."

"Samahan mo-hinarang?"
Napatigil siya at takang tinignan ako na parang tinatanong kung ano ang nangyari.
Sinenyasan ko siya na pumasok kami sa loob na agad naman niyang sinunod.

"Anong nangyari?Pero teka,samahan mo ako pagkatapos nito ah?"
Tumango naman ako at umupo sa sofa.
"Hinarang ako ng 'lone wolves'.Pero 'wag ka mag-alala dahil natalo ko naman sila."

Nag-isip naman siya at agad na tumingin sa akin.
"Yung duo?Hindi bat isa sila sa pinakamalakas sa underground?Buti ay natalo mo ng mag-isa?"

"Oo.Inatake pa nga ako ng patalikod eh.Pero masyado akong magaling kaya kahit mag-isa kaya ko silang patumbahin.Wala ka bang tiwala sa lider mo?"-nakangising tanong ko kaya ngumiwi naman siya.
"Naninigurado lang.Alam ko naman kahit ilan sila ay kaya mo silang patumbahin.Tara na."

Hinila niya ako pabalik sa pinagbilhan ko kanina at tuwang-tuwa pa siya dahil ang cute daw ng paperbag.
"Ang sarap naman nito."-parang batang sabi niya habang ngumunguya.Hindi na siya makapag-antay kaya kahit naglalakad ay kinain niya na agad ang binili niya.

"Sam?Summer Kim?"
Agad kaming napatingin sa lalaking nagsalita.Nakangiti pa siya habang nakaturo kay Sam.Tumingin din siya sa akin at ngumiti din.Pamilyar siya.

"Ha?"-nagtatakang sambit ni Sam na meron pang icing sa gilid ng labi.
Tumawa ng mahina yung lalaki at pinunasan ang gilid ng labi ni Sam gamit ang hinlalaki niya.

"Key."

"Ha?Susi?"-takang tanong naman ni Sam kaya tumawa uli yung lalaki.
"Im Hayato Key Kamenashi."
Ah.Nakabalik na pala siya.

Tinignan ko lang siya at agad na tinignan si Sam na nagtataka pa ring tinitignan ang mukha nito.Napangiwi naman ito at,
"Ako 'to.Yung susing suplado."
Kulang nalang ay magpapadyak siya.

"Yato?Omg.Is it really you?"-nakangiting tanong ni Sam kaya tinanguan siya nito.
"Musta?"-tanong nito na lumingon pa sa akin.Ang tagal nila mag-usap.Hindi pa ako tapos sa nilalaro ko eh.

"Okay naman,oo nga pala-hoy Jack saan ka pupunta?"

"Ah,baka kay Hunter?"-asar na tanong ko sabay kibit ng balikat.Ngumuso naman siya.
"Jack naman eh.Hindi mo ba siya natatandaan?"

"Sino ba yun?"-maang na tanong ko at nilingon ang lalaki na papalapit na sa amin.
"Si Key."
Tumango naman ako at naglakad na paalis habang nakataas ang kanang kamay na parang nagpapaalam.

"Ah Jack,eto oh."-natatawang sabi nung Key kaya agad ako napatingin sa kanya.

Inaabutan niya ako ng dalawang paperbag.Isang makulay at isang kulay itim.Kinuha ko ito at tinignan ang laman.Ang isa ay sapatos at ang isa naman ay may kung ano anong matatamis na panglagay sa pagkain.
Tumingin ako sa kanya at tinaas ang paperbag.
"Thanks."

"No problem."-sabi naman niya ay ngumiti na parang nanalo sa lotto.

Isa siya sa mamiyembro ko.Tulad ko ay tahimik din siya at bihira lang ngumiti.Hilig din niya ang magbasa ng libro.Bukod sa akin ay siya din ang isa sa mature sa grupo.May lahi siyang hapon kaya ganoon ang itsura at pangalan niya.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon