Chapter 24

47.7K 1.5K 61
                                    

Chapter 24

Amethyst's POV

"Miss Seo."

"Miss Seo, wake up!"

Agad akong napadilat dahil sa narinig ko. Nanliliit pa ang mata ko na napatingin sa gilid ko. Nakatayo doon ang prof ko at nakatingin naman ang lahat ng kaklase ko sa akin.

"Explain what did you learn from our topic." Nakangiti pa ito sa akin pero halata namang inis na inis na. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
"Our topic is about zero point energy, Einstein's physical intuition led him to note that Planck's oscillator energies had an incorrect zero point. He modified Planck's hypothesis by stating that the lowest energy state of an oscillator is equal to one, to half the energy spacing between levels."
Halatang nagulat siya pero tumango lang siya at naglakad na pabalik sa harap.
Pumalakpak pa ang ibang kaklase ko na para bang napakahirap sagutin ng tanong.

"Very good. How about you,Mr. Park?What did you learn?"
Napatingin naman ako kay Keith na halatang nagulat. Napahawak pa siya sa batok niya.

"Kanina ka pa nakatitig kay Miss Seo." Nakangising sambit pa ng prof namin. Ilang segundo pa sila nagtitigan ng prof.
"Ah.."

Napatingin ang prof namin sa wristwatch niya.
"Nevermind. That's all for today, see you on monday."

"Hey."
Napatingin naman ako sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Hmm?"

"Hatid na kita." Nakangiti pang sabi niya. Tinignan ko lang siya at nagsimula ng maglakad.
"Pwede bang buksan mo nalang yung bubong nung kotse mo?Ang init eh." tanong ko pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto.

"Sure."

Pagdating namin sa condo ay bumaba pa siya para lang pagbuksan ako ng pinto. Ngumiti siya sa akin.
"Alis na 'ko."

Tatalikod na sana siya pero agad na napatigil nang tawagin ko ang pangalan niya.
"Keith."

"Hmm?"

"Tara muna sa taas. Magbe-bake ako."
Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya at tumango.
Pagpasok ko ng unit ko ay dumiretso na ako sa kwarto at mabilis na nagpalit ng damit. Itinali ko rin ang buhok ko ng bun para hindi malagyan ng buhok ang lulutuin ko.

"Upo ka muna diyan. Mabilis lang 'to." sabi ko at dumiretso na sa kusina.

Nagsuot na ako ng apron at sinimulan ko ng gumawa ng mix ng oatmeal cookies at almond cookies. Pagtapos kong gawin yung mix ay naghulma na ako at nilagay ko sa tray na may wax paper. Tapos nilagay ko na sa oven.

"Marunong ka palang mag-bake?"
Agad ako napalingon. Nakasandal pa siya sa gilid na parang kanina pa siya nanonood sa akin. Nakangiti pa siya. Otomatiko naman akong napairap.

"Obvious ba." sagot ko.

"Sungit." bulong niya pa.
Umupo pa siya sa gilid habang pinapanood akong gumawa ng milkshake.

*bzzt bzzt*

Pagpunta ko sa pinto ay nakita ko sa screen ang mga kaibigan ko. Kumakaway pa sila at nakangiti kaya napairap ako. Mabuti nalang at marami akong ginawang cookies.

Pagbukas ko ay isa isa pa nila akong binati maliban nalang kay Hayato na tumango lamang.
"Amethyst! Yung niluluto mo!" sigaw ni Keith mula sa kusina.

"Eh?" nagtatakang sambit pa ni Rena.
Ang mga lalaki ay tinitignan pa ako at takang taka. Si Sam rin ay tinagilid pa ang ulo na parang nagtataka rin.

"Amethyst, yung–"
Napatigil si Keith paglabas niya sa kusina.
"Bakit ka andito?" tanong ni Hunter.

"Yeah.Ba't ka andito,Keith?" pag-uulit pa ni Sam. Lahat sila ay nakatingin kay Keith at ito naman ay tumitingin-tingin sa akin.
"Ininvite niya ako." sagot niya sabay kibit balikat.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon