Chapter 23

44.4K 1.4K 18
                                    

Chapter 23

Summer's POV

Paglabas ko ng bar ay umupo muna ako sa bench na malapit dito. Medyo malamig pero sigurado naman ako na paparating na si Hunter.

To: Hunter

San kana?

After five minutes ay hindi pa rin siya dumadating. Tinignan ko ang phone ko pero wala rin siyang reply.
"Hi miss." nakangising sabi ng isang  lalaki. May itsura naman siya pero mukha siyang manyakis.

"Leave me alone." sabi ko at inirapan siya. Ngumisi na naman siya at lumapit pa sa akin.
"Pakipot ka pa.If I know, gusto mo rin naman."
Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Binalak niya pa nga ako halikan sa leeg pero hindi niya naituloy dahil agad ko siyang nasuntok sa mukha.

"I said leave me alone." sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.
Nakita ko namang lumabas si Quinn mula doon sa bar. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin doon sa lalaki. Nako iba pa naman magalit ang isang ito.

"She said leave her alone."
Siguro kung hindi ko lang kilala ito si Quinn ay natakot na rin ako eh. Yung itsura niya kasi parang kakainin niya yung lalaki.
"Sorry." sabi ng lalaki at agad tumakbo.

Lumambot naman ang ekspresyon ni Quinn at tumabi sa akin. Nagsindi pa siya ng sigarilyo kaya napairap ako.
"Ba't nandito ka pa?"

"Wala pa si Hunter eh. And can you please stop that? Ang baho kaya."
Napangiwi naman siya sa akin bago niya ito tinapon sa sahig at inapakan.

"Loko yun ah.Muntik ka na tuloy manyakin ng isang 'yon." naiiritang sambit niya. Napatingin ako ng bigla siyang tumay.
"Hatid na kita. And please, wag ka ng umangal."

Hinatid ako ni Quinn gamit ang motor niya. Inaya ko pa siyang magkape sa bahay pero mauuna na raw siya at may lakad pa siya. Tinignan ko naman ang phone ko pero wala pa ring text galing kay Hunter.

-----------------//

Gumising ako ng maaga para puntahan si Hunter sa condo niya at para sabay na din kaming pumasok. Nagdala pa ako ng kape at pancakes para may almusal siya.

Mabuti at sinabi niya sa akin ang passcode kaya hindi ko na kailangan magbuzzer.
Pagpasok ko ay wala pa ring sign ni Hunter kaya naisipan ko na pumunta sa kwarto niya. Bukas naman ang pinto dito.

Muntik ko ng mabitawan ang dala ko dahil sa nadatnan ko. Si Hunter natutulog at may katabi na babae. Walang damit pang-itaas si Hunter at tingin ko pati ang babaeng katabi niya.

Hindi na ako nagtagal doon at dumiretso na ako sa school. Pagdating doon ay nakita ko si Jack na nakapikit at may earphone sa tenga.
"Jack." tawag ko.
Dumilat naman siya at tinignan ako.

"Ba't ka umiiyak?" kunot noo na tanong niya. Hinubad niya din ang earphone niya at tumayo. Napansin ko na may luha na pala sa pisngi ko.

"Ah wala 'to. Napuwing lang ako." nakangiting sagot ko. Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko.
"Bakit nga?" seryosong tanong niya.

Napatingin naman ako kay Keith na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa. Napansin iyon ni Jack kaya hinila niya ako papunta tapat ng comfort room.
"Anong nangyari?"

"Nakita ko si Hunter may kasamang babae sa condo niya. Magkatabi sila sa kama at parehas silang topless." pagkatapos kong sabihin iyon ay napaiyak nalang ako.

"Ako ng bahala.Wag ka ng umiyak." seryosong sabi ni Jack at niyakap ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago kami bumalik sa room. Sakto naman dahil kakarating lang ni Hunter na papikit pikit pa. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang ngumiti.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now