Chapter 6

72.9K 2.5K 49
                                    

Chapter 6

Keith's POV

Napasapo ako ng noo ko at inis na napatadyak sa sahig.Naisahan ako ng babaeng yun.Nakuha niya ang gusto niya ng basta basta.Tsk.

**flashback**

"Bibili muna ako ng libro bago tayo gumala kung saan mo gusto."-walang emosyong sabi niya na nakaturo pa sa isang bookstore.
"Fine."
Tumango naman ako at nginitian siya.Okay lang gumastos ako,basta maka-date ko ang isang ito.

Ang akala ko ay mahilig din siyang maglaro ng video games tulad ko.Dahil base sa itsura niya ay hindi siya tulad ng ibang babae na nakadate ko na puro pagshashopping at pagpapaganda ang alam.

"Being a gamer is boring.Napapagod ka nang wala kang natututunan"-sabi niya habang tumitingin sa libro.Agad naman napakunot ang noo ko.
Nahihibang na ba siya?boring?eh mas boring nga ang magbasa ng libro.
"Cool kaya.At 'saka mas boring ang magbasa ng libro."

Hindi na siya sumagot pa at kumuha ng tatlong makakapal na libro kaya napangiwi ako.Hindi ba siya tinatamad basahin ang mga 'yan?

Pagkatapos ko bayaran ang libro niya ay balak ko sanang kuhain ang paper bag para ako na ang magbuhat pero agad niyang tinabig ang kamay ko ay nilagay niya iyon sa backpack niya.She's so weird.Ang bigat bigat non tapos balak niyang dalhin?

"Ayaw mo bang ako ang magdala?"-tanong ko.Tumingin naman siya sa akin at ngumisi.
"No need.Hindi naman ako lumpo."
Well,I admit she's pretty at nakadagdag ganda ang pag-ngisi niya.

Dire-diretso lang ako sa timezone at nang mapansin ko na nasa likod ko siya ay tinabihan ko siya sa paglalakad.

"Hon?"-agad akong napalingon nang may marinig akong nagsalita sa likod.
Naaalala ko ang mukha niya dahil minsan ko na siyang naging girlfriend.Isa siya sa mga nakilala ko sa bar.Napalaki ng konti ang mata ko dahil naalala ko na kasama ko si Amethyst.

"Lianne?"-tanong ko at agad na ngumiti.Tumawa naman siya ng mahina.
"Maloko ka talaga.I'm Chloe."
Tumawa nalang ako ng mahina bago siya ngitian uli.
"Hi,Chloe."

"So,Who is she?"-tanong niya na tinuturo si Amethyst na nanonood sa mga naglalaro.
"Miss?"-tawag ni Chloe kay Amethyst na kinalabit pa.Oh no.Tumingin ito na wala pa ring emosyon.

"Ako?"-tanong niya.

"Yes.Who are you?"

"Jack."-tipid na sagot nito.

"Kaano-ano mo si Zheil?"
Tumingin naman sa akin si Amethyst at tumingin uli sa kanya.
"Siya?Hindi ko yan kilala.Nanonood lang ako dito."-sagot niya at agad na naglakad paalis.What the,saan siya pupunta?Hindi pa tapos ang date namin.Tsk.

"So you're alone?Mind if you join me watching cinema?or go shopping?"-tanong niya at agad na kumapit sa braso ko.Napilitan akong ngumiti at tumango sa kanya.

**end of flashback**

Pagkatapos ko siyang ilibre ng ilang libro ay sasabihin niyang hindi niya ako kilala?Tsk.Sino ba siya para umastang ganon?

Amethyst's POV

Nakangisi akong naglalakad papunta sa sakayan.Tignan mo nga naman,nakakuha ako ng ilang libro ng wala akong ginagawa.Pft.

May pera ako para makabili ng libro pero dahil wala naman siyang masamang inoffer na kapalit nito ay pumayag ako.Napatigil ako nang may pitong lalaking nakangisi sa akin.Wala masyadong tao dito dahil malapit ng gumabi.

"Hi miss,kamusta?"-tanong ng isa.Naaalala ko ang mukha niya.Isa siya sa mga nakalaban ko dati noong panahong bored ako.Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na naglakad.

"Wag kang bastos."-nakangising sabi niya at hinawakan ang braso ko.Napakunot naman agad ang noo ko dahil balak niya akong hilahin pero agad kong pinilipit ang braso niya dahilan para mapahiyaw siya.
Sumugod naman ang isa niya pang kasama at balak sanang suntukin ako pero agad kong itinapat ang kamao ko sa sikmura niya kaya napaubo siya.

"Walang hiya kang babae ka."-sabi niya na nakahawak pa sa sikmura niya at masamang nakatingin sa akin.Tumingin siya agad sa iba pang kasama niya kaya agad itong sumugod sa akin.Pero napatigil sila ng may dalawang tao na humarang sa kanila.
"At sino naman kayo?"-inis na sabi nito.

"Dapat ay tinawag mo agad kami,leader.Matagal na rin nang huli akong nakapagbanat ng buto."-nakangising sabi ni Hunter na tumingin pa sa akin at nag-unat ng braso niya.

"Oo nga pero infairness ah not bad para sa taong matagal ng hindi nakikipaglaban."-nakangiting sabi ni Sam sa akin at hinawi pa ang buhok niya bago humarap sa dalawa.

Sumugod naman sila kela Sam pero agad din silang napatumba nito ng hindi pinapawisan.Sinugod din ako ng dalawa at balak pa ako gamitan ng laos na tricks nila pero agad kong hinataw ang batok nila para agad silang matumba.

Napabuntong hininga ako at inayos ang backpack ko.Mabigat ito pero parang hindi ko man lang naramdaman kanina nang lumaban ako.

"Join us,Jack.Pupunta kami sa bar ni dad."-sabi ni Sam na kumapit pa sa braso ko.Ngumisi lang ako at inaya na sila.

Agad kaming pinapasok ng bouncer nang makita nila si Sam.Pag-aari ito ng tatay ni Sam kaya pwede kaming makapasok dito ng walang kahirap-hirap

"Gin and tonic."-sabi ko pagkaupo sa bar stool.Tumabi naman agad ang dalawa sa akin para umorder din ng inumin nila.

"Two long island iced tea."-sabi ni Hunter kaya napatingin agad sa kanya si Sam.
"But I want–"

"No buts."-seryosong sabi nito kaya agad na tumango si Sam.

"Sam,Si Kyo pa rin ba ang nagmamanage dito?"
Isa si Kyo sa nakakaalam sa pagkatao namin.Minsan na siyang nakapasok sa underground at isa din siya sa kaibigan ni Sam.Ilang buwan lang ang tanda niya sa amin pero sa kanya na ipinagkatiwala itonv bar ng daddy ni Sam.Wala siya dito dahil may inaasikaso daw siya sa kung saan.
"Yep,bakit?"
Tumango lang ako at nilaro ang yelo sa baso ko.Napatingin ako sa paligid at agad na napakunot ang noo ko nang makita si Keith na naniningkit ang mata at tumatawa pa habang may kaakbay na babae.

Diretso kong ininom ang inumin ko at naglapag ng pera sa bar counter.
"Alis na 'ko.Eto ang bayad ko.Pahiram muna ng motor mo."-sabi ko at agad naman inabot ni Sam ang susi niya.
"Ha?Halos kaka–"
Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil bukod sa malakas ang tugtog ay mabilis akong naglakad papaunta sa back door.

Paglabas ko ng bar ay agad ko nakita ang motorsiklo ni San sa gilid.Napansin ko na nakita ako ni Keith kanina kaya agad akong umalis.

"Amethyst."-sigaw niya na hinihingal pa.Tumingin naman ako sa kanya at ngumisi bago sumakay sa motor.
"Ikaw pala."-sabi ko at agad na pinaandar ang motor.Nakita ko pa sa side mirror na balak niyang humabol kaya lalo kong binilisan.

"Bakit mo ko–hoy."-sigaw niya kaya napangisi ako.

-----------x

Please vote and comment.Thank you,readers.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now