Chapter 16

51.6K 1.7K 68
                                    

Chapter 16

Amethyst's POV

Ayoko sa lahat ay ang pinapakielaman ako.Dapat pala ay hindi ko siya hinayaang makalapit sa akin.Katulad din siya ng lalaking iyon.Ganitong ganito din siya.

Paglabas ko ay agad ko nakita si Sam na nakatayo sa pinto at nakatulala.
"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko.

"Close na kayo?"-nagtatakang tanong niya at nakaturo pa sa loob ng pinto.Umiling naman agad ako.
"Coincidence lang na nagkita kami.At isa pa hindi kami magiging close ng isang 'yon."-sabi ko at agad na nilampasan siya.Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Si Gyo?Bakit hindi mo kasama?"-tanong ko habang binubuksan ang isang chocolate bar.

"May pupuntahan daw siya eh.Hehe."

Hunter's POV

Do I really need to move on?

I saw it.I saw her smile.Ilang beses ko palang nakikita ang ngiti niya pagkatapos ng nangyari noon pero bakit sa lalaking iyon?Naiisip ko,paano kaya pag umamin ako kay Jack?Tsk.Bakit kasi naimbento pa ang rule na 'yon?

"Ang aga aga ah.Cutting?"-nang-aasar na tanong ni Kyo pagpasok ko.Kilala ang grupo namin ni Jack dito kaya nakakapasok agad kami.

Inirapan ko naman siya at umupo sa tapat ng bar counter.
"None of your business,Kyo."

"Hulaan ko,babae ano?Hulaan ko,si Jack ano?"-tanong niya at tumawa pa.Diretso lang ang tingin ko.
"I think nakamove on na siya.She smiled,she laughed."-sabi ko kaya agad napakunot ang noo niya.

"Hindi porket ngumiti ang isang tao ay okay na siya,malay mo deep inside may sugat pa rin sa puso niya."-sabi niya at inabutan ako ng isang beer.
"Masyadong maaga para maglasing."-dagdag niya pa.

"Should I confess to her?"-tanong ko at tinignan pa siya sa mata.Tumigil naman siya sa pagpupunas at humarap sa akin.
"You should,para naman hindi mo tinatago yang nararamdaman mo.Tandaan,nasa huli ang pagsisisi."-sabi niya at ngumiti.

Mga bandang hapon na nang umalis ako sa bar.Dumadami na din ang tao dahil malapit ng dumilim.Agad akong dumiretso sa condo ni Jack dahil panigurado ay nakauwi na siya.
I want her to know my feelings.Baka magsisi ako sa huli.

Pagdating ko,ay agad kong pinindot ang buzzer.Ilang minuto ay lang ay binuksan niya na ang pinto.May bitbit pa siyang galon ng ice cream at walang emosyong nakatingin sa akin.

"Oh,bakit ka nagpunta dito?Wala si Sam dito."-tanong niya at binuksan ang pinto para makapasok ako.Kahit kinakabahan ay dire-diretso na lang ako pumasok sa unit niya.

"No,ikaw talaga ang gusto kong kausapin."
Tumango siya bago umupo sa sofa at itinaas ang paa niya.
"Spill."
Agad akong napalunok nang diretso siyang tumingin sa mata ko.

"I like you,Jack.I don't care about the rules.I just want you to know my feelings.Pero alam kong hindi mo ako magugustuhan."
Pagkatapos kong magsalita ay tumingin din ako sa mata niya.Tumango tango siya at tumayo.

"Mabuti at alam mo.Pwede ka nang umalis."-walang emosyon niyang sambit.Agad akong napayuko at diretsong lumabas.Sinasabi ko na nga ba at ganon lang ang sasabihin niya.Tsk.

Agad akong bumalik sa bar.Kahit naman anong gawin ko ay hindi ako magugustuhan ni Jack.Parehas kaming malakas pero kahit ganon ay hindi pa rin niya ako magugustuhan.

Agad akong humingi ng matapang na inumin.Wala si Kyo ngayon,siguro ay may pinuntahan na naman siya.Kahit nahihilo ay nakikita ko pa rin amg dalawang babae na lumapit sa akin.Tsk.Kung ano-ano ang sinasabi nila pero ilan lang ang naiintindihan ko dahil sa hilo.Pero alam ko na nilalandi lang nila ako kaya sila nandito.

Maya-maya ay umalis din ang dalawang babae kaya agad ako napaubob sa bar counter.Pero naramdaman ko na umalalay sa akin patayo.

"Gosh.You're so heavy."

Summer's POV

Natanaw ko si Hunter na nakakunot ang noo habang umiinom.Siguro ay may ginawa na naman siyang kung ano kaya badtrip siya.
Natanaw ko na may dalawang babae na lumapit sa kanya kaya agad akong lumapit.

"Excuse,kukuhain ko lang ang boyfriend ko."-nakangiting sabi ko.Tumaas ang kilay nila at tinignan ang kabuuan ko bago ngumisi.
"He's with us.Nauna kami,well you can wait tho."

"Aalis kayo o lalabas kayo ng bar ko?"-malambing kong tanong at nginisian sila.
Agad na kumunot ang noo nila.
"Ano namang sinasabi mo,huh?"

Ngumisi ako at kumaway sa isang bouncer na kakilala ni Kuya Kyo.Tumingin ito sa akin at sumaludo.Agad naman lumaki ang mata ng dalawang babae at nagmamadaling umalis.

"Gosh.You're so heavy."-sambit ko pagkatapos ko siyang alalayan.Nakapikit na siya at pagewang gewang lumakad.May dalawang kwarto dito,ang isa ay kwarto ni Kyo at isang guest room.Pero halos ako lang naman ang tumatambay sa guest room kaya may ilang gamit ako dito.

"Hunter,pwede bang bumangon–"
Gigisingin ko na sana siya para makapagpalit pero lumaki ang mata ko nang bigla siyang sumuka sa damit ko.
"Shet kadiri."-inis na sabi ko at patakbong pumunta sa CR para linisin ang nasa damit ko.Mabuti na lang at may ilang shirt ako na nakatago dito.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang damit niya na may ilang stain pa ng suka niya.You can do this,Sam.
Pagtanggal ko ng shirt niya ay agad na lumaki ang mata ko.Oh my pandesal.

Habang pinupunasan ko siya ay bigla nalang siyang bumangon.Nakapikit pa ang mata niya.Halos magkaharap lang kami kaya tinignan ko siya.
" I like you,I really like you."-bulong niya kaya agad akong napangiti.Teka,seryoso ba siya?

"I like you,Jack."
Agad nawala ang ngiti ko dahil sa narinig.Ang saket ah.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako.Nanatili lang na nanlalaki ang mata ko.Akala niya siguro ay ako si Jack.
Pagtapos ay agad siyang bumagsak sa balikat ko.

-----------x

Feedbacks are highly appreciated.

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Where stories live. Discover now